Chapter 13

12 4 2
                                    

May 9, 2019.
8:37 PM.
Training Field, Cavite.

Nurse Monette Dela Cruz' POV.

|Bagong Commander in Chief ng Armed Forces of the Philippines na si General Santos, Dinala sa Hospital matapos maheart-attack.|
-Televesion.

Nandidito ako ngayon sa kwarto naming mga nurse dahil kailangan ko daw munang magpahinga. Nanonood ako ngayon ng TV at sa balitang narinig at nabasa ko dito, di ko alam kung magkakaroon pa rin ako o mawawalan ng pag-asa tungkol sa gyerang nagaganap parin ngayon sa Basilan.

Sa paghiga ko dito, mga ilang minuto lang ay dali-daling pumasok itong si Nurse Sarah sa kwarto para ibalita kung ano ang nangyari kay General Santos.

"P-paano na yan, Monette?"
-Pag-aalalang tanong nya sakin.

Di ko na lang sya sinagot dahil ayokong magdrama ulit dito.

"Nasan si papa?"
-sa pagtanong ko nito ay may nagtawag ng pangalan ko mula sa labas ng kwartong ito.

"Oh Iza bakit?"
-pagtatakang tanong ni Sarah dito.

"May naghahanap kay Monette."

Kaya naman agad kaming lumabas ni Sarah sa kwarto. Sa pagpunta ko ng Entrance ng Medical field na ito ay agad akong nagtanong kay Iza kung sino at bakit.

Agad nya namang tinuro ang lalaking nasa harap ko na di kalayuan. Naka suot rin ito ng unipormeng pangsundalo.

"Kamusta kana, Monette?"
-Bati nya sakin sabay ngiti.

Nagtaka ako kung sino sya.

"Ay Monette, sya pala yung nagbuhat sayo kanina nung nahimatay ka. Si 2nd Lieutenant Alex Buenaventura."
-Wika sakin ni Nurse Sarah matapos makitang nagtataka ako.

"G-ganun ba?"
-tugon ko.

"Nga pala Monette, Oh mga prutas nga pala."
-Sabay lapit sakin nitong ni 2nd Lieutenant pagkatapos ay iniabot ang hawak-hawak nyang nakabasket na mga prutas.

"Binili ko yan hehe, napadaan kasi ako sa palengke."
-Sabi nya sabay kamot sa kanyang ulo.
"Galing kasi akong Main Military Office."
-dagdag nya pa.

Nagpasalamat naman ako. Pagkatapos kong magpasalamat ay agad na nagpaalam muna sakin si Nurse Sarah dahil may pinapagawa pa daw sa kanya si Doctor Yu.

"Sigeh."
-pagkatapos ay agad na ngang naglakad palayo mula sa tabi ko si Nurse Sarah.

"Kamusta ka naman?"
-pangiting kamusta sakin nitong sundalong nasa harapan ko.

"Okay lang ako."
-Mahina kong tugon habang nakatingin sa sahig.

Sa pagsagot ko nun ay agad naman nyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko para iangat ang ulo ko dahilan para magkatinginan na kami ngayon sa isa't-isa.

"Ano kaba, gusto mo pahangin ka muna ngayong gabi?"
-sambit nya kung saan kita ko sa kanyang mukha ang kagwapuhang taglay nya.

"Libutin natin tong Training Field dito."
-dagdag nya pa habang nakangiti pa rin.

"P-pwede ba ako?"
-Tanong ko sa kanya kung saan ramdam kong namumula na ang pisngi ko sa hiya.

Agad naman nyang tinanggal ang magkabilang kamay nya sa pisngi ko pagkatapos ay nagulat na lang ako sa biglaan nyang hawak sa kanang kamay ko palabas ng Medical field.

"S-san tayo pupunta?"
-pagtataka kong tanong sa kanya.

Humarap lang sya sakin sabay sagot ng:

Soldier at HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon