Act 3: What's your wish?

110 4 4
                                        

(Chaine's POV)

......... .  .   .    .    .      .       .        .

"Hey! Hey! Hey!.. .  .   .   .  . .. Hey! Chaine! Huy nandiyan ka pa ba?"

        - Pasigaw na sabi ng isang babae

"Ahhhhh!! ay, sorry. Pasensya na meron lang akong iniisip, hehe. Ano nga ba ulit yung sinasabi mo?"

        - Gulat kong sagot ko sa kaniya

"Hay nako naman! Bakit ba palagi na lang nalipad yang utak mo kapag ako na ang nagsasalita."

        - Ang inis na sabi ng babae

"Hehe. sorry na."

        - Ang mahina kong sagot

"Sige na nga. Ang sabi ko kanina, meron ka bang pangarap?"

        - Ang tanong ng babae

"Pangarap? Hmmmm..... Hindi ko na kailangan ng pangarap kontento na ako dito kasama kayo."

        - Ang simpleng sagot ko

"Ah! Ganun ba. Sabi ko na nga yun ang isasagot mo eh. Ano pa ba ang aasahan mo sa isang taong mababaw lang ang kaligayahan"

        - Ang natatawang sagot ng babae

"Hehe. Eh ano naman yung sayo?"

        - Ang tanong ko sa kaniya

* Ngumiti lang yung babae

"Oh, anong nginingiti mo diyan. Meron bang mali sa sinabi ko?"

        - Ang nagtatakang tanong ko

"Hindi. Wala. Kala ko kasi hindi mo na tatanungin yan eh."

        - Masaya niyang sagot

"Ah, ganun ba? Eh ano ba yung sayo?

        - Ang tanong ko

"Haha. Ang sakin? Gusto kong gumawa ng malaking wishing well"

        - Ang masigla niyang tanong

"Wishing well?"

        - Nagtataka kong sagot

"Oo, Gusto kong gumawa ng malaking malaking wishing well. Sa sobrang laki, makikilala ito sa buong mundo."

        - Masaya niyang sagot

"Oo, narinig ko. Pero bakit wishing well?"

        - Tanong ko

"Gusto ko kasi matupad yung wish ko pati na rin sa iba. Kasi kung lahat ng mga kahilingan ng mga tao matutupad, edi wala nang malulungkot, masasaktan at magagalit. Kapag natupad na lahat ng kahilingan nila, edi wala nang mag-aaway, mag-sisisihan at magpapatayan. Kapag ganun, diba mas masayang nang mabuhay dito sa mundong ito."

        - Ang buong galak niyang sagot

"Eh ikaw, ano ba ang kahilingan mo?

        - Dagdag niya

*Napasimangot ako sa tanong niya. Humarap ako sa iba para hindi niya mapansin

Kahilingan ko? Ano nga ba ang kahilingan ko? Pakiramdam ko meron akong isang bagay na matagal ko nang gustong matupad pero bakit hindi ko maalala?!!

*Nagulat ako ng nagsalita ulit siya pero sa pagkakataong ito ibang-iba na ang tono ng boses niya

Demons Parade (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon