Act 4: Nice to meet you!

81 2 1
                                    

(Chaine's POV)

S*********************************!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Ano bang pinagsasabi nitong snobber na to. Hindi ko raw alam ang mangyayari saakin! Excuse me mas matalino naman ata ako dito no atsaka common sense naman syempre alam ko ang mangyayari saakin. Pag lumabas ako dito edi nasa labas na ako diba!!!! COMMON SENSE NAMAN!!!!!!!!!! 

"Anong ibig mong sabihin?" - seryoso kong tanong

"Wala ka talagang alam no."  - ang walang gana niyang sabi

"Naaalala mo pa ba yung halimaw na humabol sayo ng 3 araw? Hindi iyon simpleng halimaw lamang. Ang tawag namin sakanila ay PAWNS. Sila ang mga Mababang uri ng mga halimaw na nabubuhay sa pamamagitan ng paghigop sa mga kaluluwa ng mga tao. Karaniwan nila itong ginagawa sa pamamagitan ng paghingi ng kahilingan pero kapalit nito ang iyong buhay o kaluluwa. Pero sa panahong ito ang karaniwang hinhingi nila ang iyong katawan dahil mas makukuha nila ang iyong enerhiya, paraan na rin nila ito upang magparami. Nakakalat sila sa buong mundo at umaatake sila kung kailan nila gusto. Karaniwan nilangg pinupuntirya ay ang mga taong malalakas ang kaluluwa o spiritual energy/mana pati na rin ang katawan. At sa kalagayang mong yan hindi ka makakatagal ng isang minuto man lang. Hindi ko alam kung paano ka nakaligtas ng tatlong araw pero sa mga oras na ito mas ligtas ka dito sa lugar na ito, lalo na't kilala ka na nila." - ang mahaba niyang paliwanag

"Sh*t" - wala akong ibang nasabi kundi iyan. 

Ahhhhh!!!!!!!!!!!! Parang ang hirap naman paniwalaan ng mga sinasabi niya, pero wala akong magagawa kundi paniwalaan ang lahat. Dahil siya lang ang merong paliwanag sa lahat ng nangyayari.

*Nagkaroon ng katahimikan sa loob ng silid, halos mabingi na ako sa sobrang tahimik. Halatang lahat kami ay may iniisip na malalim, nang binasag ito ng isang malakas na katok sa pintuan.

 //TOK, TOK,TOK//

"Ay, sandali lang bubuksan ko lang"  - masayang sabi ni nao

"Sino yan?"  - tanong niya sabay bukas ng pinto

"Pinapatawag na kayo ni Director."   - sabi ng babae

"Ahh.... Ganun ba, gusto ko panaman siyang makasama ng mas matagal. Sige susunod na kami."  - ang malungkot na sabi ni nao

"Anong meron Nao?"  - tanong ko

Director? Pinapatawag raw kami ng Director!

Atsaka ano na naman bang sinasabi ni nao?

Gusto pa raw niya akong makasama nang mas matagal, bakit may mangyayari ba saakin?! Ano na naman ba to!!!!!!!!!!!

*Nag iba ang expresyon niya ng tumingin siya saakin. 

"Wala yon, ay oo nga pala kailangan na nating umalis meron pa tayong pupuntahan."   - masaya niyang sabi saakin

"Aalis? Saan naman tayo pupunta?" - mahinahon kong tanong

"Yan!" - malakas niyang sabi sabay bato ng damit saakin

"Ahhh! Ano namang gagawin ko dito? - tanong ko

"Mag bihis ka. Pupuntahan natin si Director."  - walang gana niyang sagot

"Huh?"   - sabi ko

"Basta bilisan mo na lang. Baka mahuli pa tayo!"  - malakas na sabi ni Nao

*Nag bihis na ako at lumabas na ng kwarto

*Hindi ko inaasahan ang makikita ko. Ibang-iba ang ospital na to sa mga ordinaryong ospital.

Demons Parade (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon