Act 8: AYAKO

44 3 0
                                        

(Chaine's POV)

Kasalukuyan kaming naglalakad papuntang kwarto ko. Ginapusan nila ako sa kamay upang hindi raw ako makatakas. Wala man lang kahinahinala ang dalawang unggoy na to na balak kong tumakas.

Ito na pagkakataon ko na.....

"Uhhmmm. Excuse me po kuya. Pwede po bang matanong kung nasaan ang banyo. Kasi ano po eh......"- pagpapacute ko. Kala niyo bubugbugin ko ang mga ungoy na to noh. Pasensiya na pero wala ako sa kondisyon ngayon, atsaka sayang naman tong cute kong mukha kung hindi ko gagamitin no.

"Hindi na gagana saamin iyan. Mabuti pa sumunod ka na lang para hindi ka mapagalitan ng director."- cold na sabi ni kuya. Nu ba yan, nageffort pa naman  akong magpacute tapos ganiyan lang. Iisnabin lang pala ako ni kuya. Hayyyyyyyyyyy. Sayang ayaw ko pa namang makasakit, pero they leave me no choice.

"Ganoon........ Pasensiya na kuya pero hindi ko magagawa yun."- mahinahon kong sagot.

"Huh-" hindi na natuloy ni kuya ang sasabihin niya ng bigla ko siyang sipain sa mukha. Sa sobrang lakas ay napatumba si kuya sa sahig. Nilakasan ko talaga ang sipa ko, para hindi siya makabangon kaagad.

"One down, one to go."- pangangasar ko

Napansin agad ng isa pa niyang kasama ang nangyari. Agad naman niya akong hinawakan sa likod upang hindi makagalaw. Pero malas lang niya, nakayuko kaagad ako bago pa man niya ako mahawakan. Lumayo ako kaagad at hinanda ang sarili ko sa pagatake. Sinugod ko siya gamit ang aking ulo. Pinuntirya ko ang katawan niya para mas masakit. Bumangga si kuya sa pader at nawalan ito ng malay.

"Wala palang binatbat tong dalawang to eh."- pangangasar ko. Kinuha ko kaagad ang susi para sa gapos na inilagay nila saakin. Tinangal ko kaagad ang gapos sa kamay ko, mahirap na baka maabutan pa nila ako. Bumagsak ito sa sahig at lumikha ng malakas na tunog. Medyo mabigat ang gapos na nilagay nila saakin, mukhang nag-iingat talga yung mga yun. Aalis na sana ako ng bigla na lang.......

*ALARM* *ALARM* *ALARM*  ( A/N: waaaaahhhhh XDDDD grabe ang epik ng sounds natin XDDDDD)

"Shit! Napansin nila kaagad! Ambilis naman! Imbes na mapadali ang pagtakas ko, mas lalo pa nilang pinahirapan. Haaaayyyyy, kailangan ko nang umalis baka mahuli pa ako."- sabi ko sa sarili ko at sabay takbo papaalis.

(Yamato's POV) 

(Naks naman XD meron na siyang POV - A/N)

....................

"Shit! Masyadong masikip ang lugar na to! Hindi ako makagalaw ng maayos!"- sabi ko habang tumatakbo papalayo sa isang malaking "PAWN"

Kasalukuyan namin kinakalaban ang isang delikadong pawn. Hindi ko gaanong maatake yung halimaw dahil sa rami ng mga taong nagkalat sa paligid. Alam naman nilang may halimaw na nagwawala hindi pa sila magsitakbuhan. Kainis! Tignan mo ngayon, punong puno na ako ng sugat kakatanggap ng atake na para dapat sa mga taong nagkalat. Kainis!

"Stop.."- para bang  may bumulong na boses sa tabi ko. Agad namang tumigil ang halimaw na kanina pa nagwawala. T-teka lang bakit tumigil yung pawn. Hinanap ko kung saan nanggaling ang boses. Hinanap ko rin ito  sa taas ng mga gusali kung saan nanggagaling ang boses, at nakita ko ang matagal nang pinupuntirya ng Crusade...

"Anong gingawa mo dito?!"- tanong ko

"Wala lang... naglilibot lang kasama ang alaga ko"- nakangiti niyang sabi habang lumalapit sa kaniya ang halimaw

"Ikaw ang dapat kong tanungin, anong ginagawa mo dito? Alam mo ba kung ano ang nangyayari ngayon sa kyoto? Ay oo nga pala nandito ka nga pala noh, hehe."- nakangise niyang sabi

"Ikaw! Ano nanaman ang ginawa mo?!"- sigaw ko

"Wala lang naman, pinasyal ko lang naman siya sa Kyoto. Pero nawala siya eh."- sagot niya, habang sumasakay sa balikat ng halimaw.

"Oh sige na, mauna na kami. Mukhang masyado nang maraming nasira ang alaga ko. Sana nag-enjoy ka sa paglalaro niyo kanina."- sabi niya habang unti unting naglalaho

"Ay oo nga pala muntik ko nang makalimutan, napasali niyo na pala siya. Buti naman, meron na siyang nakilalang bagong kaibigan. At sa palagay ko nakilala na niya ang alaga ko, teehee. Ikamusta mo na lang ako ni chaine pag nagkita na kayo ha. Sabihin mo na ipagpatuloy lang niya ang paghahanap saakin, kundi malulungkot ako."- pagpapatuloy niya at tuluyan na silang naglaho

"T-teka lang anong sabi mo! Nakilala na niya ang alaga mo?! Hoy sandali lang sagutin mo muna ako! AYAKO!!'- sigaw ko pero sa palagay hindi na niya iyon narinig. Kainis talaga yung babae yung. Bigla bigla na lang naalis kapag matatapos na! Mabuti na rin yon, dahil kung nagtagal pa ang akuma na yon baka mas marami pa ang madamay na tao. Kaso nga lang nag iwan na naman siya ng alagain sa tokyo. Tch.

Pero meron pa akong mas mahalagang kailangangang gawin. Mukhang nakatakas na nanaman yung babaeng yon. Ang kulit talaga nung batang yun, hindi na lang makinig. Tignan mo ngayun mukhang napahamak pa. Pero papaano niya nalaman na napasali na namin siya. Katulad ng inaasahan, mukhang minamanmanan niya talaga si chaine. Kailangan namin mag ingat.

"Yamato mukhang meron na namang nagpakitang PAWN sa tokyo. At nakatakas raw si chaine. Heheh antigas ng ulo niya noh, hehe."- tawag ng pansin saakin ni nao

"Kanina ko pa alam. Mauna na ako. Kayo na ang bahala maglinis ng kalat na iniwan ng alaga ni ayako. Sumunod na lang kayo."- sabi ko habang naglalakad papalayo

"Masusunod!"- masayang sagot ni nao

...

..

.

..................................................................................................................................................................................................................................................................................................................................

A/N: uhhhhm guys isang malaking sorry para sainyo alam ko na matagal ko kayong pinag hintay :( pero maraming gingawa eh bigla na lang nawala sa isip ko ang mga mangyayari nung gingagawa ko yung isa ko pang story yung "BLOODSTAINED MONOCHROME WORLD" sorry talaga guys. sana mapatawad niyo ako. ito sinikap ko talaga ngayon matandaan ang plot para magawa to sorry talaga :( sana magustuhan niyo ang UD na to, wag kayong magalala every week na akong mag u-ud sorry talaga guys sana mag enjoy kayo dito sa UD na to :( PLSPLSPSLPSL VOTE< COMMENT AND SHARE na lang guys thank you ulit sa pagbabasa......

Demons Parade (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon