Cassie's POV
It's been 5 weeks since naganap yung insidenteng 'yun. Parati pa rin akong sinasabihan ng mga tao ng negative things 'bout me. Hindi ko talaga nakalimutan ang pangyayaring yun. Parte 'yun ng past ko na talagang sakit at luha ang dinulot sa 'kin. Hindi talaga 'ko makapaniwala kung bakit nagawa 'yun ni Yanni at Elise sa 'kin, ang sakit, sakit! Tinuring ko silang kapatid for the rest of my life pero i-bebetray lang nila ako? How dare them! Hindi ko na talaga sila mapapatawad. Sa kabila ng pangyayaring 'yun, lumabas ang totoo kong mga kaibigan. Sila yung nagtagal sa tabi ko, hindi ako iniwan in times na nagkakagulo na. Dinamayan nila ako sa panahong nalulungkot ako. Thankful talaga ako sa mga kaibigan ko. Si James, naging close kami sa each other pero sinabihan ko siyang 'wag mainlove sa 'kin kasi baka masaktan ko lang siya...sumang-ayon naman siya, as of now, mag best friends na lang kami, wala na 'yung pag-aadmire thingy niya sa 'kin. Si Ron naman, friends na talaga kami, hindi ko na siya pinangdidirian kasi wala na yung mga akbay at babe thingy na ginagawa niya or sinasabi, may gusto na siyang iba, as of now, tinutulungan namin siya para makuha ang girl of his dreams. Si David naman, hindi talaga kami close, just friends...minsan na lang siya nakikipag-hangout sa 'min. Busy kasi siya, madalas niyang pinupuntahan ang Mama niya sa bahay nila sa ibang lungsod kasi malapit na rin ang pasukan at mabubusy na siya kaya baka hindi na sila magkita ng kanyang Mama. Lesson learned: Never trust someone easily, know them first because they might come to your life just to ruin it.
Bukas, pasukan na sa bago 'kong school. Trinansfer ako ni Mama 'dun kasi paniguradong skandalo na naman ang idudulot ni Yanni at Elise sa 'kin 'dun. Si James ay nag-aaral sa St. Vincent College. Si Ron ay nag-aaral sa Malaya University. Ako naman ay nag-aaral sa Warble International School. Ewan ko kay David, hindi niya sinasabi, para siyang loner minsan eh, ayaw niya ng kausap, parati lang siyang nakikinig ng music gamit ang earphones niya.
"Makapag-FB nga"
BTW, dineactivate ko na lahat ng social media accounts ko at pinalitan ng bago para hindi na 'ko i-bully pa dahil sa panyayaring 'yun.
Email: cassiecassandra@gmail.com
Password: *****
Notifications: 99+
Messages: 99+
Friend requests: 99+
"Woah! Ang rami? Baka kailangan ko nang magpalit ng bagong account, mukhang pati rito rin ay nasundan ako ng mga bully'ng 'yun. Baka na hack 'tong FB ko na 'to"
Inisa-isa ko ng scroll ang mga notifications, messages, at friend requests ko.
So far so good, wala naman akong nakitang bully sa notifications ko, most of the notifications ay blah, blah, blah, liked your profile picture...commented on your profile picture...shared your profile picture. Para na 'kong famous people nito ah. Sa messages naman, wala akong nakitang bully na nanglalait sa 'kin, most of the messages are can we be friends?...hey, why so pretty?...can I have your number...atbp. Wow! Ngayon ko lang naranasan 'to, ba't ang daming gustong makipag-close sa 'kin? I'm not famous naman. Well, nandito na 'ko sa friend request part. One friend request caught my eye...ang name lang naman ng taong 'yun ay David Lopez.
"David? Ikaw ba 'to?" So, vinisit ko ang timeline niya.
David Lopez (nikA ayiS)
Friend Request - Confirm Request / Delete Request
Confirm Request *click*
"Hay! Naremember ko naman yung time na sinabi niya ang nika ayis"
Nag-scroll down pa 'ko sa timeline niya. Napansin ko na most of his posts is about love. Mostly quotes...Ang rami niyang selfies. Parang confirmed ko na ata na bakla siya, hanggang ngayon, hindi pa niya tinatanggal ang hikaw niya. Marami rin siyang pictures kasama ang isang babae, mama niya ata kasi magkamukha talaga sila. 'I miss you Ma' yun yung caption ng isang pic. Ok, enough sa kanya, I mean sa pag-visit ko ng timeline niya. Baka ma-addict pa 'ko sa kanya. I hope nakalimutan na niya yung na sabi ko na 'Wala akong gusto sa 'yo' dahil baka maisip pa niya yung kabaliktaran nung sinabi ko.
Kailangan ko nang ihanda ang mga gamit ko para sa first day of school bukas. Excited to meet new friends. Na remember ko tuloy nung una kong na meet si David. Hay nako! Puma peg-ebeg ata ako. Stop! Stop! Stop!
