Yanni's POV
"Dapat matigil na ang kalokohang ito. I can't take this anymore. Sawang-sawa na 'ko sa pagpapanggap"
*phone vibrating* Cassie is Calling
"Oohhh! Si Cassie pala 'to. Aaminin ko na ba? Aaminin ko na ba ang totoo? Na, sawa na 'ko sa pakikipagplastikan sa kanya? Kami ni Elise? Wait! Need Elise's advice right now. Oh no! Sige, I will answer her call na lang"
*toot*
"Hello Cassie. Napatawag ka, anong sadya mo? Hihihi" sabi ko, inunahan ko na siya baka kasi masabi niya na napansin niya kami ni Elise kanina na para bang fake lang talaga ang pagturing namin sa kanya. Baka mabuking niya.
"Oh! Kinakabahan ka ata Yan?" sabi niya
"Hindi no! Ganito talaga ako" sabi ko ng pa deny
"Eh, hindi ka naman talaga ganyan eh. Alam kong kabado ka..." sabi niya
"Ano ba kailangan mo?" sabi ko. Bilisan niya naman, I'm gonna freak out na talaga.
"Sorry kung na disturbo kita. Gusto ko lang itanong kung a--" sabi niya
"Ano ba ang gusto mo'ng itanong?" sabi ko. Kinakabahan na talaga ako. Oh no! Is this the end? Hindi ako dapat kabahan.
"Ano..." Heto na. "ba ang..." Oh no! Kaba to the max. Baka tanungin niya na ano ba ang turing namin sa kanya? *lip bite* "ibig sabihin ng Nika Ayis?" Phew! Akala ko kung ano na...
"Hooo! Pinakaba mo 'ko Cas!" sabi ko
"Pinakaba?" sabi niya. Oh no! Nasabi ko, patay.
"Ah wala! Home alone ako ngayon kaya pinakaba mo 'ko" sabi ko. Nagpalusot na lang ako.
"So, ano ba ang meaning ng Nika Ayis?" sabi niya
"Na google translate mo na ba?" sabi ko
"Oo pero walang result na lumabas. I mean merong result na lumabas pero as usual, nika ayis pa rin ang lumabas" sabi niya
"Ewan ko! Baka self-taught language 'yan na siya ang gumawa at nakaka-alam" sabi ko
"Sa bagay. Baka nga. Geh, thanks" sabi niya
"Sige. Bye-bye! Mwah! Hugs and kisses!" sabi ko
Cassie's POV
Medyo weird si Yanni ngayon ah? Bakit kaya? At yung home alone na sinasabi niya, halata namang palusot lang 'yun eh. Kailangan ko siyang imbestigahan.
"Lemme' call Elise." Woah! Hindi ko alam na ang rami ko palang load ano? Parati akong tawag ng tawag. Ngayon, tatawagan ko na naman si Elise. Marami akong itatanong sa kanya.
Calling Elise...
*toot*
"Hello Elise?" sabi ko
"Yes? What can I do for you my pretty friend?" sabi niya. Nambobola ata 'to eh. Well, kung 'yon ang sabi niya, hindi na 'ko aangal. Tatanggapin ko na lang.
"Elise, marami akong itatanong sa 'yo" sabi ko
"Begin it..." sabi niya.
"But first, 'wag ka nang mag-English please? Wala tayo sa ibang bansa..." sabi ko. She's my English friend, really..seriously. Parati siyang nag i-English. Right now, dumudugo na ang ilong ko. Trololololol.
"Ok. Ano yun?" sabi niya. Hay salamat! Tumigil na siya.
"Ok, ano ba ang ibig sabihin ng Nika Ayis?" sabi ko. So confused na talaga ako kung ano ba ang ibig sabihin ng word na 'yun na sinabi ni David
"Nika Ayis?" sabi niya
"Oo" sabi ko
"Parang self-thought language 'yan ah!" sabi niya. Malakas talaga ang kutob ko na self-thought language yung sabi ni David.
"Uh-huh! Parang nga" sabi ko
"Any examples of self-thought language?" sabi ko. Sa pagkaka-alam ko, expert si Elise 'dun.
"First is...Wait! Wait! Ano parang alam ko 'yang nika ayis" sabi niya
Hay sa wakas, maliliwanagan na rin ako sa sinasabi ni David
"It's Siya Akin pero parang hindi ayon ang sound nito...diba?" sabi ni Elise. I really wanted to thank her pero may iba akong iniisip.
So napatahimik na lang ako...
"Cassie? Andyan ka pa ba? Ok. Parang akin siya yung meaning 'nun." sabi niya
"Ok! Thanks...Got to go bye..." sabi ko. Malapit ko na sanang putulin ang linya ng tawag namin ng biglang nag-salita si Elise...
"Oy! Teka! Teka! Bakit? Sa'n mo narinig ang word na nika ayis? Sa mga admirers mo ba?" sabi niya. Nangungulit na naman 'tong babaeng 'to.
"Hindi! Basta, sige bye Thanks a lot!" sabi ko at pinutol ko na ang tawag namin.
Umupo ako sa couch na nasa bed room ko at napa-isip...
Ba't ba nasabi niya 'yun? Dinig na dinig ko talaga ang sabi niya na Nika Ayis. Hindi ako pwedeng magkamali. Pero ba't niya sinabi 'yon? Eh, hindi naman ako sa kanya. Besides, walang nagmamay-ari sa 'kin except for God and my family. The only thing is ba't niya nasabing ako ay sa kanya? Pero...alam ko na!!!
"Grrr! Boys talaga! Nakakainis!"
"Princess? Ok ka lang ba diyan?" sigaw ni Mama kasi na sa living room siya, nanunuod ng TV, leisure time ata niya.
"Yes Mama!" sigaw ko baka kasi hindi niya marinig
David! David! David! Alam ko na ang mga kalokohan mo. Niloloko mo 'ko...I know your plans. You'll make me fall in love with you tas' paaasahin mo lang ako. That's never gonna happen even though feel ko na na iinlove ako sa 'yo. Nooo!
Gosh! Dahil sa sinabi ni David, hindi ko tuloy natanong kay Elise kung may napansin ba siyang weird kay Yanni. Di bale na lang...