David's POV
"I'm David, 16" sabi ko
BORING! Kaya nga ayaw na ayaw ko 'tong first day of school eh! Walang ibang magawa kun'di introduce yourself at iba pa. Hay nako!
"David Archuleta?" sabi ng bakla kong kaklase
"Ang gwapo niya itech! Emergerd!" sabi nung babae
"Akin siya!" Wishing? Ano 'yun daydreaming lang?
Hay! Ang lalandi naman nila. Pero ok lang 'yan, sanay na 'ko, ganyan talaga basta pogi ka, pinag-aagawan ka ng mga babae, lalo na ng mga bakla :3 To make it clear to you, ang kagwapuhan ko ay para lang sa mga babae, ewan ko ba diyan sa mga bakla :3
"Whatever!" I rolled my eyes
Nakakaloka 'tong mga baklang 'to!
"Hoy! Maypa-whatever-whatever ka pa diyan! Hindi mo ba maisip, mukha ka ring bakla ano!" sigaw ng lalaki sa 'kin. Aba'y hambog 'to ah!
"Ano? Gusto mo ng gulo?" sigaw ko sa kanya habang ipinapakita ang closed fist ko, ready for battle "Kung makapagsalita, akala mo kung sinong gwapo. Tingnan mo nga naman yung mukha...asus! Parang pwet lang ng kaldero, ang itim itim" bulong ko sa sarili ko
"ANONG SABI MO?"
Tumayo na yung lalaki at pasugod na siya sa 'kin pero pinigilan siya ng mga kaibigan niya at nag-salita si miss.
"Enough! Tumahimik kayo. Hindi na kayo nahiya sa mga sarili ninyo. Ang lalaki niyo na tas' aasal Grade 1 kayo. My Gosh!"
Napatahimik kaming lahat.
Well, in the first place, sila ang nag-simula, hindi ako. Second thought, wala akong planong patulan sila pero.., wala eh, pag hindi ko sila sinaway, hindi rin naman sila titigil sa kaka-bully. Good for me. Good kasi ako ang binully nila, kaya 'kong ipagtanggol ang sarili ko pero pa'no kung ang iba binully nila? Makakayanan ba ng iba na maipagtanggol ang kanilang sarili? Diba? Hindi. So, habang maaga pa, sinaway ko na sila kasi 'yang mga klase ng taong 'yan ay walang planong tumigil kung hindi mapagsasabihan.
"Okay. You may now go back to your sit Mr. Lopez"
Hay salamat! Ang boring-boring rin kasi kung nakatayo lang ako 'dun sa harap. Isa pa, kapagod kaya. I'm too lazy for it.
At dahil boring, at nagsimula ng.., alam mo na, magbigay ng activity si Miss kahit first day of class pa lang, hindi ko muna siya susundin, hindi ko muna 'yan gagawin. Perhaps, magsasound-trip muna ako ngayon. Nilagay ko ang earphones ko sa tainga ko. Ahhh! Leisure time. Napapikit na 'ko ng mata ko ng biglang...
"Aray!" may nag-bato sa 'kin ng kung ano man kaya sumakit ang batok ko
"Wahahahahahaha"
'Yan na naman sila. Walang ibang magawa kundi mag-bully ng mag-bully. Hay nako! Isip bata talaga! =___=
*bell rings*
~~~
"Cassie..."
"What?" ang sungit naman ni Princess
"Wala..."
She rolled her eyes
"Uhhhh, Cassie...kasi" natotorpe ako
"ANO?" naiinis na talaga siya, promise. Hay nako! Kung makikita niyo lang ang mukha niya ngayon.
Pa'no ba naman si oka, patorpe-torpe pa. ANO? Nag-walkout siya...Well, ang tagal ko kasi makapagsalita eh
