Cassie's POV
Nandito kami ngayon sa court ng aming subdivision. Nagpapractice kami ng mga team mates ko para sa darating na Championship sa Volleyball. Medyo mainit ngayon, nakikita ko pa ang araw, nakakasilaw talaga.
"Okay! *clap'2* Bibigyan ko kayo ng 15 minutes break. Ang init rin kasi, baka may ma headstroke. Nakakaitim ang sinag ng araw. Come back dito sa court mga 1:45, after the 15 minutes break" sabi ni coach
"Yes! Salamat naman, ang init kasi." sabi ni Yanni, best friend ko. Siya yung unang nagpakilala kay Ron sa 'kin. Si Ron yung...crush ko before pero ngayon, hindi na. Nag-iba na ang ugali niya.
"Hooo! Malapit na 'kong mahimatay" sabi ni Elise, best friend ko rin, palagi silang nagkakasundo ni Yanni, lalo na kapag may ipapakilala sila sa 'kin, I mean sa tropa.
"Hahaha, grabe ka naman Elise! Sige ma-una na 'ko" sabi ko
"Sige!" sabi nina Yanni at Elise. Tingnan mo nga naman, nagkakasundo talaga ang dalawa. Minsan, napapaisip na lang ako na baka traydorin nila ako, na baka may balak sila sa 'kin. Pero, for sure, hindi naman sila ganun' sa 'kin.
Habang papauwi ako sa bahay namin para kumain nang lunch, may nag-text sa 'kin...
*whistle* Yan kasi ang sound ng phone ko kapag may nagtext sa 'kin.
"Huy! Ang galing mo kanina sa practice niyo ah...Keep it up! ;) Baka ma-MVP of the year ka dahil diyan" message ng unknown number na nag-text sa 'kin.
"Ok! Galing mo mambola ah. Sino ka ba? At, pano' mo nakuha ang number ko?" reply ko sa message niya
"Ako? Guess." reply niya. Nagtataka na talaga ako kung sino siya. Feeling ko siya si James. Palagi yung nangungulit sa 'kin kung ano ba ang cell. no ko.
"James? Ikaw ba yan?" reply ko
"Uh-uh-uh!" reply niya
"Eh! Sino ka ba?" reply ko
"Ako? Crush mo 'ko. Sige na nga...can't resist your charm..." reply niya. Siya naman oh! Obvious na talaga na siya si James. May pa thrilling-thrilling pa siyang nalalaman. Nakakaexcite talaga! -.- :3
"Hay nako. Feeler mo naman. Wala akong crush sa 'yo no. Hindi kaya kita kilala. Isa pa, wala na 'kong crush. Ok. Sino ka ba?" reply ko. Naiinis na talaga ako
"Ahhhh! Bago ko sabihin, just one question..." reply niya. Ang tagal niya namang magpakilala. Nakaka-annoy na!
"Ewan ko sa 'yo! Kapag hindi ka pa nagpakilala, hindi na 'ko rereply!!!" reply ko. Hay nako! Ang tagal tagal, it took forever para magpakilala siya.
"Huy! Wait...sige na, sa'n ka ba nag-aaral? Kapag nag-reply ka, magpapakilala na ako :)" reply niya.
"This conversation's taking too long. Malapit nang matapos ang 15 minutes break at hindi pa ako nakakakain ng lunch dahil sa 'yo. Ok, fine. Nag-aaral ako sa...wait! wait! Bahala ka, magpakilala ka muna! Sige na, mag-lalunch na ako. Hindi na ako magrereply sa 'yo ever!" reply ko
"Hay nako! Ang tagal naming mag-usap. Nakikipag-argue pa siya sa 'kin. 'Yan tuloy, kailangan kong magmadaling kumain ng lunch ko para maka-balik na ako sa court at nang hindi na 'ko ma late..."
5 minutes na lang at matatapos na ang 15 minutes break namin. Hay salamat! Kumakain na rin. Malapit nang matapos kumain. Good thing, hindi na ako malelate for sure.
*whistle*
"Sino naman ba 'tong tumitext sa 'kin? Lemme' check!"
---