"IKAW?" sigaw ko sa lalaking tawa pa rin ng tawa na para bang may sayad siya sa utak
"Hello..." sabi niya at nag-kawaii smile siya, nagpapacute ata -,-
"Anong ginagawa mo dito? Huh! Sumagot ka!" sabi ko. Why was he here? Hindi pwede 'to.
"Chill" he tried to calm me down "Akala ko ba bati na tayo? Diba we're friends? Kaya...please, 'wag mo 'kong rakrakin with your words" sabi niya "Chill! Calm! Ok? Inhale..." uminhale naman ako "Exhale" at nag-exhale. Para akong tanga nito ah. Seriously? Is he making the fool out of me?
Umiwas ako sa eye contact namin at napatanga ng saglit.
"Hey!" he snapped "Keep calm, I'm gonna study here" sabi niya sabay ngiti hanggang sa tenga niya. Wait! What? Dito siya mag-aaral. No! No! Hindi pwede 'to!
"Hindi pwede 'to!" sabi ko at nakipag-eye contact sa kanya. Ano? Ako ba ang gumagawa ng paraan na mag-freak out ako in front of him? No!
"Anong hindi pwede? Haler! Dito na kaya ako mag-aaral. Ayaw mo 'nun?..." sabi niya, hindi ko siya pinatapos, I interupted him
"Talagang ayaw!" tinaasan ko ang boses ko "Hmmppp!" sabi ko at nag-cross arms sabay snob at him
"Ayaw mo 'nun? Bago ako dito, bago ka rin dito, we still don't have friends, why don't we be friends? Huh..." sabi niya at umalok na makipag-shakehands. Hay! Naaalala ko na naman ang araw na nagkita kami
♪A Thousand Years Part 2 -Christina Perri♬
The day we met
Frozen, I held my breathe
Right from the start
I knew that I found a home
For my heart
Beats fast
Colors and promises
How to be brave
How can I love when I'm afraid
To fall
But watching you
Stand alone
All of my doubts
Suddenly goes away somehow
Nag-snap si David sa 'kin
"Boom Panes!" sabi niya
"Just a sign of respect...Kuya, your show-off! Pweh!" sabi ko. Hahaha! Natatawa lang talaga ako sa the way na i-respeto ko siya.
"Kuya? Anong Kuya?" sabi niya at nag-lol face
"Alam niyo PO kasi, ganyan ako rumispeto ng tao. Hindi kagaya ng iba diyan..." sabi ko at tiningnan ang magaganda kong mga koko...ahhh, kasing ganda ko sila. De, joke lang. Masabihan na naman ako ng malandi dahil nito. -,- Hay! That's life...people!
Tiningnan ko si David, I mean...KUYA David, he looks serious, and awful. Tumawa ako but still, he just remained serious -_-
"Anong nakakatawa? Huh!" sabi niya. Ay! Galit? Di bale na, karma niya 'yan...he just tasted my revenge.
"Wala..." natatawang sabi ko
*bell rings*
He's done that whoops kirri action, yung action ni Vice G. sa...everytime I see you...na line ng kanta na 'yon at nag-walkout. Ay! Babae lang ang peg? I'm not saying na babae lang talaga ang pwedeng mag-walkout pero, diba? It's awkward for boys to do the walk out...for me, of course, naa-awkwardan talaga ako sa kanila when they walked out...I don't know about others.
Wait! Is he threatening me? I'm not afraid. I can report him to his Auntie, based on what I know 'bout him sa time na we became close...Auntie's Boy sha...hehehe! I'm too chismosa!
Sa room...
"Ahahahaha"
"Ahahahaha"
"Hoy!"
"@#//^&*() Alam niyo si ano?"
"Oo"
"Haha"
Nako! Ang ingay! Nasa palengke ata ako...Ganito ba talaga sa WIS? Kung ganon, I have to deal with this for a year or more.
Umupo na ako sa upuang not-so-close to the teacher's table. Ayaw na ayaw ko kasing tinatawag ng guro. E diba? Ang mga front seaters ang madalas tinatawag ng guro...kaya ayaw ko.
Napa-sandal na lang ako sa kamay ko...
"Pssttt!"..."Pssttt!"..."Pssssstttttt!"
Napatingin ako sa tumawag sa 'kin...
"Hi! Ako si Claud...at ikaw?" tanong nung seatmate ko sa 'kin
"Cassie." sabi ko ng mahina at nag-smile
"Ahhhhh" sabi niya and nodded
"Teka...Claud? Ba't Claud? Eh, panglalaki 'yang pangalan na 'yan..." tanong ko sa kanya
"Eh, lalaki naman ako ah" sabi niya at tumingin sa harapan
"Lalaki?" at natawa ako
Tumingin si Claud sa 'kin
"Anong nakakatawa?" tanong niya. Mukhang serioso ata siya. Oopppssss!
"Hindi ka naman kasi lalaki, tomboy lang" sabi ko sa kanya at tumigil sa kakatawa, mukha kasi siyang galit eh
"Parang ganon na rin, pero LALAKI ako." sabi niya
" 'Di, seryoso? Ano ba talaga ang real name mo?" tanong ko sa kanya. Chismosa kasi ako eh, joke lang.
"Claudia" sabi niya at mukhang hindi na galit
"Ayon naman pala! Eh...ang ganda kaya ng pangalan mo! Alam mo...sayang ka." sabi ko kay CLAUDia. Ang FC ko eh...
Nag-smirk siya at tumingin na ulit sa harapan.
Maya-maya lang ang ay tumingin ulit siya sa akin na palihim na kumakain (BTW, may guro na kasi sa harap eh na nag-oobserve lang sa amin kaya palihim na lang akong kumakain)...
"Alam mo? Bagay tayo..." sabi ni Claudia...este, Claud at nag-wink
Muntik na akong masuka sa sinabi niya
"*napalunok* ANO?" sabi ko sa kanya at nanlaki ang mga mata ko
" 'Di, joke lang." sabi niya at ngumiti
Nginitian ko rin siya.
"Pero seriously, ano ba talaga ang number mo? Alam mo na, text-text tayo minsan" pahabol niya "baka magka-developan, alam mo na..." dagdag na bulong niya
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ang dalawang butas ng ilong ko
"ANO?" sigaw ko
"Is everything alright there, Claud? and mmmmm...Cassie?" tanong ng guro ko, napasigaw kasi ako eh. Sino ba namang hindi masha-shock...tomboy? Magkakagusto sa 'yo? Haler! Hindi pang-tomboy ang beauty ko ano! Hmp!
"E-e-ebryting is payn Ma'am" sabi ni Claud
At nagtawanan lahat ng kaklase namin, pati na rin ako...pero palihim lang. Hihi.
"... ... ..Yes! Evr'thing is fine, teacher." sabi ko at umupo
Tumahimik ang lahat sa kakatawa at nag-mind na lang sa kanilang own business
"Alright." sabi ni teacher at umupo na rin
*bell rings, again* Ang dali lang talaga ng oras, imaginin niyo...almost 1 hour na pala kaming magkausap ni Claud...edi, wow!