Cassie's POV
Dumating na ang araw ng Championship sa Volleyball ng aming subdivision. Kinakabahan ako kasi baka matalo ang team namin. Pero..think positive, 'yan ang pinaka importante.
"Cassie! Go kaya mo 'yan!" sabi ni James. Yes, yes. I know..kaya ko 'to, I mean kaya namin 'to.
"Thanks James!" sabi ko at nag fake smile. Klarong-klaro na talaga sa mukha ko na kabado ako.
"Galingan mo Babe ah!" sabi ni Ron
"Uy! Ron, hindi mo ko GIRLFRIEND kaya pwede ba, 'wag mo 'kong tawagi'ng Babe!?" sabi ko. Nakakainis talaga si Ron.
"Ron, akin siya!" sabi ni James
"Sige, mag-away lang kayo nang mag-away diyan. Sanay na 'ko" bulong ko sa sarili ko
Habang nag-aaway sila sa 'kin, dali-dali akong pumunta palayo sa kanila at naupo sa isang upuan na para sa mga manunuod ng Championship namin. Nakita ko si David na bagong dating lang sa court. Nag-motor siya galing sa kanila papunta dito sa court kahit ang lapit'2 lang at pwede naman siyang mag lakad. Magaling pala siyang mag-motor ah. Pero still...he's gay! Lumapit siya sa 'kin. Habang nakatingin ako sa kanya, nakatanga lang ako nung nakita ko siya pero hindi yung nakatanga na tumutulo ang laway ah, grabe na 'yon, nakatanga lang kasi may ibang iniisip ako.
"Huy! Umayos ka! Baka matunaw ako niyan" sabi niya. What? Ang kapal!
"What the hell are you talking about?" sabi ko "Ang feeler mo naman! Hindi ako nakatingin sa 'yo no!" palusot ko "Tinitingnan ko yung..." ano ba ang tinitigan ko? Bilis. Mag-isip ka naman ng mabilis Cassie.
(Trisha's note: Sorry for the bad word. Ewan ko kung bad word ba 'yang what the hell or ano ba. Sorry.)
"Yung bata?" sabi niya at parang natatawa.
"Oo! Yung bata..." sabi ko. Yes, I'm safe! Pero...huh? Ba't parang I still feel unsafe?
"Ahhh! Kaya pala titig ka ng husto at nakatanga ka pa." sabi niya and he nodded
"Ok! Galing mo magpalusot" sabi niya at nag-wink siya sa 'kin. What? NAG-WINK SIYA SA 'KIN? Baka mag freak-out na 'ko.
"Eh..." sabi niya. What? "Wala namang bata 'dun eh!" Another what? Oh no!
Naging speechless ako. Sa isip ko...
Oo nga, wala namang bata 'dun. Patay! Mukhang nahalata niya na palusot lang 'yun.. Oh no! Baka sa susunod isipin niya na may gusto ako sa kanya. It's never gonna happen. Paninindigan ko talaga na wala akong gusto sa kanya kahit 'tong puso ko'y tumitibok na naman ng malakas.
Napatanga ako.
"Huy!" sabi niya at nag-snap siya sa 'kin.
"Wala akong gusto sa 'yo no!" sabi ko. Ano? Ano lang ang sinabi ko? Patay! Mukhang nasabi ko ata.
"Ano bang sinasabi mo?" sabi niya. Oh no! Patay ako nito. Nalaman niya na, ba't ko ba kasi sinabi.
Gustong-gusto ko sanang mag face palm pero bawal. Mas lala pa 'to.
Nag-simula na 'kong pag-pawisan...
"Ewan ko sa 'yo! Mauna na 'ko..." sabi ko at iniwan ko na siya ng dali-dali.
~~~
"Hooo!" sabi ko
"O, anong nangyari Cassie?" sabi ni Elise.
Magsasalita na sana ako nang biglang hinila ni Yanni si Elise. May something weird talaga kay Yanni. Nung isang araw pa siya ganito.
Yanni's POV