Chapter 2 - Destiny?
"Sai.."
"Saira, gising na."
"Clesaira sabing gising na eh!"
"CLESAIRA TONETTE SANCHEZ!"
Napabangon agad ako nang marinig ko na sinigaw ang pangalan ko.
"Kuya?!"
"Ay hindi. Ate mo ako! Ate mo!" Psh! Kahit kailan talaga napaka-pilosopo nitong kapatid ko.
"Bakit andito ka?" tanong ko, nasa New York na kasi siya nakatira kaya nagulat ako na nandito siya.
"Eh sa wala ako sa New York kaya ako andito."
"Kuya naman! Seryoso ako e!"
"Di ka parin pala talaga nagbago lil'sis, napaka mainipin mo parin talaga." tapos ginulo niya buhok ko.
Namiss ko din naman si Kuya, college na kasi siya kaya dun na siya nag-aral at tumira sa New York. Di ko akalaing mamimiss ko ang pang-aasar niya sakin.
"Maligo kana, ako maghahatid sayo sa school." napangiti naman ako.
Dali-dali akong naligo, nag-ayos at muling sinuot ko ang red checkered namin na paldang below the knee at blouse na may red checkered na ribbon.
Ayos na lahat ng gamit ko para sa school. Hinanda ko na yan kahapon ng umaga. Excited much lang no?
Habang pababa na ako para kumain, naramdaman kong parang may kulang sakin. Chineck ko lahat ng gamit ko.
Wala naman kaya tumuloy na ako sa kusina tsaka kumain.
"Goodmorning Ma." nilapag ni Mama ang bacon sa harap ko. Wala na kasi si Papa, nasa heaven na siya kasama si Lord.
"Goodmorning din anak." lumapit siya sakin tapos hinalikan ako sa cheeks.
"Oh? Kamusta ang party kagabi sa bahay nila Glimmer?" muntik na akong mabulunan sa tanong ni Mama.
Ayaw ko naman sana magsinungaling sa kanya pero pag sinabi kong nanggaling kami sa bar for sure papagalitan ako kasi under-age pa kami lalo na't muntik pa akong molestiyahin... pero may nagligtas sakin. Ang prince charming ko.
Napangiti nalang ako ng maalala ko ang pagligtas niya sakin laban sa manyak na lalakeng yun.
"Nag-enjoy ka siguro kasi napapangiti kana dyan anak." tapos pumunta ulit si Mama sa kusina.
Pagkatapos kong kumain nagpaalam na ako kay Mama. Si Kuya nasa labas na, hinanda ang sasakyan.
Nag-aasaran at nagkukulitan lang kami ni Kuya Carl habang papunta kami sa school.
Nang matanaw ko na ang gate ng school, nag-ayos na ako.
BEVERLY HILLS ACADEMY.
Ang eskwelahan ko for 3 years.
"Mag-ingat ka Sai, enjoy your first day." niyakap ako ni Kuya at niyakap ko rin siya pabalik
"Aye! Aye! Captain!" ginulo naman ni Kuya ang buhok ko. Mahilig talaga siya manggulo ng buhok.
Nagmadali akong pumasok sa gate pero biglang hinarang ako ng guard na nagbabantay sa school namin.
"No I.D! No Entry!"
Huh?!
Imposibleng wala akong I.D.
Tinignan ko ang sarili ko kung may nakasabit ba na I.D. sa leeg ko pero wala. Asan ba yun?!
BINABASA MO ANG
What Love Can Do
RomanceHE FOUND YOU. HE FELL FOR YOU. HE CARE FOR YOU. HE LOVE YOU. HE GAVE YOU EVERYTHING. HE CHANGED. HE LEFT YOU. HE FOUND SOMEONE ELSE. YOU'RE HURT. YOU CRIED. See, what love can do..