Chapter 3 - Sullivan cousins
Prince Evo Sullivan.
Evo pala ang pangalan niya.
Pangalan pa nga lang nakakaakit na.
Kaya pala prince charming ko siya kasi PRINCE naman pala ang pangalan niya, nye! ang corny ko.
Teka? Sullivan ang surname niya?
Kaano-ano niya si Va--
"So you're the nephew of Principal Sullivan." buti naman at natauhan na ang teacher namin. Kinikilig pang sabi yan ni Ma'am ha! Naku po!
"Yes." tipid na sagot niya.
So magpinsan pala sila ni Van?
Kaya naman pala napakagwapo niya.
Pero kung ikukumpara mo talaga silang dalawa.
Mas gwapo 'tong Evo nato, suplado nga lang.
"So Mr. Sullivan, you can sit beside Ms. Sanchez"
Parang nawalan naman ako ng hangin nang marinig ko ang sinabi ni Ma'am.
Nagwawala na ang puso ko! Gossssh! Ano bato? May sakit naba ako sa puso?
Naramdaman kong umupo na siya sa tabi ko.
Shet, ang bango niya pala.
Hmm, gusto ko ang amoy niya.
Teka! Napatigil naman ako sa pasimple kong pag-aamoy sa kanya. Para naman kasi akong tanga.
Narinig kong nagbubulungan ang mga kaklase ko.
Pero rinig ko naman, baka nga rinig rin ni Evo eh.
"Shet, ang swerte ni Saira."
"Grabe mas gwapo pa siya kaysa kay Van."
"Waaaaa! Inlove na ata ako sa kanya."
Oo na ako na ang swerte, kung alam niyo lang na niligtas niya ako kagabi baka kinalbo niyo na ako.
Buong klase hindi ako nakapagconcentrate ng maayos. Pano kasi ang gwapo at ang bango ng katabi ko. Akalain mong matalino siya? Lagi syang nakakasagot pag tinatawag siya. Kaya pala mas gumagwapo siya eh.
Nang maglunchtime na nagmadali akong lumabas ng room para puntahan si GG at ikwento sa kanya ang tungkol kay Evo.
"Clesaira."
Teka, boses yun ni---
"Evo?!" gulat kong tanong, pano kasi sinundan niya ako papunta sa section 2. Hindi pa naman tapos ang class nila GG kaya nasa labas ako ng room nila. Wait, alam niya ang pangalan ko?! Pano?
"So about last night, I'm sorry because I acted like yo--"
"EVO?!" gulat na sigaw ni Van. Tapos na pala ang class nila kaya naputol ang sasabihin sana ni Evo kasi biglang sumulpot si Van.
Bakas sa mukha ni Van ang pagkagulat pero napalitan ito ng saya.
"Dude! Long time no see!" tapos nag man-hug sila. Para akong tangang nakatayo dito habang pinagmamasdan sila.
"Kailan kapa bumalik? Wow! Gumwapo ka ah! Pero mas gwapo parin ako." biro ni Van.
"Ulol! Mas gwapo parin ako sayo Adams! Kahapon lang ako dumating." sabi naman ni Evo. Nakakatuwa naman silang pagmasdan.
"Shut up Prince!" Haha, ayaw pala nilang tinatawag sila sa iba nilang pangalan.
"Wait, Saira?" Omo! Napansin ako ni Van.
BINABASA MO ANG
What Love Can Do
RomanceHE FOUND YOU. HE FELL FOR YOU. HE CARE FOR YOU. HE LOVE YOU. HE GAVE YOU EVERYTHING. HE CHANGED. HE LEFT YOU. HE FOUND SOMEONE ELSE. YOU'RE HURT. YOU CRIED. See, what love can do..