Chapter 7 - She's Mine
Nagpaalam na si Van at pumasok na rin ako sa room. Pagkatapos ng magulo nilang pag-uusap kani-kanina lang ay naka-headset ulit si Evo.
Kinalabit ko siya. Tumingin siya sakin na naguguluhan.
"A-anong meron sa inyo ni Van kanina? Di ko kasi kayo magets.." sabay kamot ko sa ulo.
"He just feels...threaten." simple niyang sagot.
Threaten? Bakit naman? Don't tell me...
"Don't get me wrong, I don't have feelings for you. Territorial kasi yun."
Kumirot ang puso ko sa sinabi niya. Ewan ko kung bakit? Am I liking this guy already? No way! Si Van ang gusto ko! Oo si Van! Hindi naman porket niligtas niya ako magugustahan ko na siya.
'Pero bakit kumakalabog ang puso ko pag andyan siya?'
Napaisip ako at natahimik.
Alam ko namang di niya ako magugustahan, nagulat lang talaga ako na sa kanya pa nanggaling. I feel ashamed. Napabuntong-hininga nalang ako
Di ko na siya kinausap hanggang sa matapos ang class namin. Gusto ko ng umuwi. Masyado akong pagod.
Chineck ko muna ang phone ko at nagtext din pala kanina si GG na di niya rin ako masasamahan pag lunch kasi tinatapos niya ang assignment niya.
"Ready to go?" inangat ko ang ulo ko at nakita ang isang gwapong nilalang sa harap ko. Kaming dalawa nalang pala ang naiwan sa room. Shit! Muntik ko ng makalimutan na pupunta pa pala kami sa kanila.
"Ok.." tipid kong sagot at inayos ang mga gamit ko.
Naglalakad na kami papunta sa parking lot. Ang awkward nga eh, wala ni isa sa amin ang may balak na magsalita. Naaninag ko na ang pulang sasakyan, para itong race car at napansin kong dalawa nga lang ang makakasya dito.
"You drive?" tanong ko. Nakakamangha naman kasi, napakabata niya pa at marunong na siyang mag-drive.
Tumango siya.
"Bakit si Van hindi marunong? Tsaka bata ka pa diba?" Si Van may driver pa kasi diba?
"Student's license.." sabay smirk niya.
"Marunong naman siyang mag-drive pero sabi niya tsaka na siya magdadrive kapag may girlfriend na siya. Siguro this week bibili na yon ng sasakyan." natigilan ako. Bibili siya? Dahil ba nililigawan na niya ako?
Pinatunog niya ang sasakyan. Kaya lumapit na ako sa front seat at akmang bubuksan ito.
"Ako na.." at binuksan niya ang pintuan. Nagulat ako, akala ko di siya ganun ka-gentleman. Naramdaman kong pumula ang pisnge ko.
Lumibot na siya at pumasok sa driver's seat.
Tahimik lang kami buong byahe at di ko namalayang nakatulog na pala ako.
"Saira..."
"Sai.. gising na."
"Hmmm.." ungol ko.
Narinig kong may tumawa.
Minulat ko ang mata ko at napanganga ako. Kinukusot-kusot ko pa ang mata ko.
"E-evo, s-sorry nakatulog ako." chineck ko kung may muta o laway man ako. Thank God wala naman.
"Nah, it's okay. Ang cute mo nga eh." nagulat naman ako sa sinabi niya, at kita kong nagulat din siya kaya yumuko siya. Did he just compliment me?! At ayun na naman ang puso ko, ang landi, simpleng 'Ang cute mo' lang ang sinabi eh nagwawild na. Tsk.
Tumingin ako sa paligid at nasa mall kami?! Akala ko ba sa bahay nila?!
"Mall? Ba't tayo andito, Evo?"
"Bibili tayo ng materials..." tumango lang ako, akala ko naman kung ano.
"Tsaka magdidinner.." tumingin siya sa malayo at nakita kong namula ang pisnge niya. Napatawa tuloy ako, ang cute niya kasi.
Pinandilatan niya ako ng marinig niyang tumatawa ako, "Why are you laughing?!"
"Sungit naman nito.. Nagba-blush ka kasi!" sabay tawa ko pa rin.
"No I'm not!" defensive niyang sabi.
Patuloy parin akong tumawa. Nakakatawa palang makitang nahihiya ang isang Evo Sullivan.
"Tama na Saira! Tumigil ka na sa kakatawa!" di ko siya pinansin at tawa parin ako ng tawa.
"I said stop it!" mas lalo akong natawa kasi inip na inip na siya.
"TUMAHIMIK KA O HAHALIKAN KITA"
Napatigil ako at nanigas.
Shit! Yung tiyan ko, feeling ko may gumagalaw. Ito ba ang tinatawag nilang butterflies?
This time siya naman ang tumawa.
Pinandilatan ko naman siya. Kainis siya! Tinakot niya ako dun ah.
"Hahahahahahahaha.. hahahahahahahaha" tawa niya kaya inirapan ko nalang siya.
"Joke lang yun! Asa ka namang hahalikan kita!" At tumawa na naman siya.
Anong sa tingin niya? Gusto kong mahalikan niya ako? Asa din siya!
At dahil nabadtrip ako, lumabas ako sa sasakyan niya at rinig ko parin ang tawa niya. Mamatay siya sa kakatawa jan! Hmp! Dali-dali akong pumasok sa mall. Di ko alam kung napansin niya na bang wala ako. Pumunta ako sa isang department store at dun nag window-shopping nalang ako.
Patingin-tingin lang ako sa mga damit dun. Paikot-ikot. Tingin doon, tingin dito. Di ko namalayang magiisang-oras na pala at di pa ako nahahanap ni Evo. Kung hahanapin niya rin kaya ako? Imposible. For sure umuwi na yun, may ibang araw pa naman kasi para gawin ang activity namin.
"Hi miss.." napalingon ako sa lalakeng nagsalita. Infairness gwapo siya ah, pero sorry nalang siya, I don't talk to strangers kaya bumaling ulit ako sa mga damit.
"Alam mo miss ang sakit mo sa mata." gulat akong napatingin sa kanya. Langhiya siya! Palapit-lapit siya tapos sasabihin niyang masakit ako sa mata?! Bwesit 'to!
"Aba! Wala ako----"
"Nakakasilaw kasi ang kagandahan mo.." sabay kindat niya.
A-akala ko iinsultuhin niya ako. Pahiya ako ah! Pero nakakatuwa siya kaya napatawa ako sa banat niya.
"I'm Matthew by the way." sabay lahad ng kamay niya.
Wala naman sigurong masama kung magpakilala din ako? Mukha naman siyang mabait at di siya katulad sa manyak na lalake dun sa bar.
"I'm Clesa---"
Natigilan ako ng maramdaman kong may pumulupot na kamay sa bewang ko. Hinigpitan niya ang hawak roon at inilapit niya ako sa kanya.
"Babe, napagod ako kakahanap sayo. Kaw talaga! Kung san san ka pumupunta. Wag mo naman akong pakabahin."
Hinalikan niya ako. Hinalikan niya ako sa pisnge. Pagkahalik niya ay sumabay din ang malakas na tibok ng puso ko.
Tinignan ko siyang gulat sa una tapos kumunot ang noo ko. Nakangiti lang siya. Shit! Ang gwapo niya! Pinagpapawisan pa siya at humihingal. Kanina pa ba niya ako hinahanap?
Pakiramdam ko nag slow-mo ang paligid ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko! Corny ba? Pero yun talaga ang nararamdaman ko eh!
Mas lumaki ang ngiti niya, "Tulala kana naman sa kagwapuhan ko babe! Ang cute mo talaga!" sabay kurot niya sa ilong ko.
Pakshet! Yung puso ko feeling ko lalabas na!
Bumaling siya sa lalakeng kaharap ko, nagbigay siya ng deathglare at kita kong galit at naiinis siya. Pareha nung nasa bar kami at sinapak niya ang lalakeng bumastos sakin.
"Back off dude! She's mine!"
BINABASA MO ANG
What Love Can Do
RomanceHE FOUND YOU. HE FELL FOR YOU. HE CARE FOR YOU. HE LOVE YOU. HE GAVE YOU EVERYTHING. HE CHANGED. HE LEFT YOU. HE FOUND SOMEONE ELSE. YOU'RE HURT. YOU CRIED. See, what love can do..