Chapter 8

57 0 0
                                    

Chapter 8 - Jealousy

"O-okay, chill! Sorry, akala ko kasi single siya." at nagmadali na siyang umalis. Sino ba namang di matatakot kay Evo, eh titig niya palang nakakamatay na. Pero ang di ko maintindihan ay kung bakit niya ginawa yun.

"Patay ako kay Van pag nalaman niyang may ibang lalakeng umaaligid sayo. I'm just doing him a favor."

Ahh. Kaya pala.

Kaya niya pala yun ginawa para kay Van. Para di magalit si Van pag nalaman niyang may mga lalakeng pumuporma sakin. Grabe naman kasi siya umakto, parang totoo, nakakadala.

"Y-yeah, I know." sabi ko at nauna ng maglakad. Pakshet naman kasi si Evo eh! Aakalain mong totoo, yun pala drama niya lang. Yan kasi Saira! Wag mag-assume.

Dinala ako ng paa ko sa mas malapit na maaabutan na restaurant. Gutom na gutom na talaga ako eh. Gusto ko sana sa isang fastfood chain nalang pero malayo-layo pa kasi at itong mamahaling restaurant nato ang madali lang mapuntahan.

"You hungry?" tumango lang ako sa tanong niya.

Pumasok na kami at umupo.

"Good Evening Ma'am and Sir.." sabi ng isang waitress pero dun naman nakatingin kay Evo. Kahit san ata dalhin ang mga Sullivan, makakabingwit talaga sila agad ng babae. Napairap nalang ako.

Si Evo na ang nag-order sakin kasi mas kabisado niya kung alin ang masasarap dito.

Habang naghihintay kami sa order namin, kinalukat ko nalang ang phone ko.

Tumunog ito na hudyat na may message.

[From: +6390910*******]

Hey Saira! Text moko kung nakauwi kana. Take care, okay? Got your # from Glimmer. ;)

- Van Sullivan

- -

Napangiti nalang ako sa text niya.

"Si Van ba yun?"

Napakunot-noo naman akong tumingin kay Evo.

"Huh?"

Umiling siya, "You're smiling like an idiot there! So si Van nga ang nagtext?"

"And so kung siya? Anong pakialam mo?" Woah! Nagkalakas-loob na akong sumagot sa kanya ah! Di na ako masyadong nauutal. Improving!

"Tsk.." umiling na naman siya at may kinuha sa bulsa.

Nilahad niya sakin ang IPhone niya kaya napataas ang kilay ko.

"Put your number there. For emergencies." Ahh! Hihingin niya number ko? For emergencies lang naman Sai! Di ka naman niya gagawing textmate pero ang putek kong puso, kumakalabog na naman.

Nilagay ko sa phone niya ang number ko.

Dumating na din ang order namin na sobrang dami. Nakalimutan niya bang dalawa lang kami? Grabe, ano to fiesta?

Nakatingin lang ako sa mga pagkain na amuse. Ang sarap kasi tignan, pano na kaya kung kainin na.

"Para kang tanga, kumain ka na nga!" sabay tawa niya kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Ba't ang dami nito? Di naman ako patay gutom ah!"

Napangisi naman siya.

"Gutom ako, gutom ka rin..." tumatango-tango lang ako.

"Tsaka napagod ako kakahanap sayo! Matampuhin ka pala no?" tumawa siya pero eto ako natigilan. Hinanap niya ako? Talagang hinanap niya ako? Akala ko kasi yung mga lalakeng supladong tulad niya eh walang pake.

What Love Can DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon