Chapter 6

76 0 0
                                    

Chapter 6 - Secret first moves

Yung tono ng pagkasabi niya, parang... parang naiinggit siya kay Van? Teka ang assuming ko naman masyado! Guni-guni ko lang yun.

Yumuko siya at ginulo ang buhok niya..

Takte! Ang gwapo niya talaga kahit saang anggulo!

"I-i mean, syempre ihahatid kita kasi, uhm.. samin tayo gagawa kaya ihahatid kita pauwi. Okay?" Ano raw?!

"Sa inyo?"

"Yes.." nakangisi pa siya.

"Ba't sa inyo?! Pwede namang dito sa school,

t-tsaka.. nakakahiya."

Tumawa siya bago magsalita.

"Don't tell me naiilang ka sakin?"

"O baka natatakot ka kay Van?" sumeryoso na ang boses niya.

"H-hindi no, at b-ba't naman ako matatakot kay Van? Nanliligaw pa lang siya sakin, hindi pa kami." Tumatango-tango lang siya sa sinabi ko.

Tinitigan niya ulit ako. Ugh! Prince Evo itigil mo na yang pagtitig mo ng ganyan baka matunaw pa ako!

"Hindi PA kayo, diba? So sasagutin mo nga ang pinsan ko?"

Napaubo naman ako sa tanong niya.

"Huh?!"

"Nah, nevermind!" tapos sinuot niya ang headset niya. Problema nun?!

Di ko nalang siya pinansin kasi pumasok na ang next teacher namin.

Nang mag-lunch time na nagmadali akong pumunta ng canteen, kanina pa ako nagugutom kasi naman malakas talaga ako kumain e! Tinext ko nalang si GG na nauna na ako sa canteen.

At dahil nga sa gutom ako, umorder ako ng fried chicken with rice at isang lasagna. Bukod sa lasagna, paborito ko rin ang fried chicken. Kahit araw-arawin ko pang ulamin yan, hindi ako magsasawa.

Biglang umingay ang canteen, yung iba nagbubulungan tapos kinikilig pa. Yung mga showy naman, ayun sigaw ng sigaw. Nakatalikod kasi ako sa entrance kaya di ko alam kung sino ang paparating.

Isa lang naman ang tinitilian TALAGA dito sa school eh, dalawa na pala sila ngayon. Ang magpinsang Van Sullivan at Evo Sullivan.

Patuloy ko nalang nilantakan ang pagkain ko at di ko nalang pinansin ang mga tao.

Nakita kong may umupo sa kabilang table sa harap ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko siya. Ba't ba kasi kailangang nakaharap siya sakin? Kahit nasa kabilang table siya, nakakailang parin.

Habang kinakain niya ang pizza na inorder niya napatingin siya sakin at napangisi.

Tinaasan ko siya ng kilay at nag-smirk naman siya.

"Hi Evo!" biglang lapit ng isang babae sa kanya.

Tumingin si Evo sa kanya at ngumiti. Di ko pa masyadong maaninag ang mukha ng babae kasi nakaside-view ito.

"Pwedeng tumabi sayo?" Tabi pa talaga ha?! Di ba pwedeng kaharap mo nalang siya?!

Napanganga ako ng tumango siya. Seriously? Di ba niya magets na nilalandi siya? At pumapayag lang siya agad? Nakaramdam ako ng inis na dapat di ko naman sana maramdaman.

Nang umupo na ang babae, dun ko na siya nakilala. Si Clover Mitch Agustin, ang 'Miss Popular' ng school namin, bale parehas sila ni GG, parehang sikat, parehang mayaman, parehang maganda, parehang section two. Ang pinagkaiba lang nila ay ang ugali. Kung si GG ay friendly at sociable si Clover naman ay maarte, matapobre, bratinela, spoiled, maldita.

What Love Can DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon