Chapter 5

90 1 0
                                    

Chapter 5 - Partners

"Bakit? Bawal bang ligawan si Clesaira, Evo?" tanong ni Van kay Evo na parang kinikilatis niya ito.

"Uh, I-i mean. Why so sudden Van? Sa pagkakakilala ko sayo, kinikilala mo pa ang isang babae bago mo ligawan." Aniya niya.

Ako, tahimik lang, pati ang Papa at Mama ni Van.

Tila nakikinig kami sa isang diskusyon ng magkakaibigan. Seryoso ang mukha ni Van at ganun din si Evo.

Tinitigan muna ng mariin ni Van si Evo bago siya nagsalita..

"Sa tingin ko sapat na ang pagkakakilala ko kay Saira. We've been schoolmates for 3 years already. At wala din namang magbabago sa desisyon ko, I'll court her and that's final."

Tinignan ko si Evo at bumuntong hininga siya.

Tapos ngumiti siya..

"Binata kana talaga Adams!" tumawa siya, pero parang may kakaiba sa tawa niya.

"So ano? Susuportahan mo ba ako Prince Evo?"

Tumayo si Evo tapos lumapit siya kay Van. Tinapik niya ang balikat neto.

"What are cousins for.." he smiled, then he looked at me.. matagal na titig at nakangiti parin siya pero unti-unting naglaho ang ngiti niya.

"Tita, Tito, salamat sa dinnner. I gotta go na po."

"Sige hijo.."

Lalakad na sana siya pero pinigilan siya ni Van.

"May sasabihin ka sakin diba?"

"Nalaman ko na ang sagot, Van.." tapos lumakad siya palabas.

Naiwang nakatayo si Van. Tahimik parin kami at di namin maintindihan kung ba't ganun ang inakto ni Evo. He really is weird and mysterious.

Bumalik nalang si Van sa upuan niya.

"So, I'm okay with your decision son. Susuportahan ka namin ng Mama mo kung san ka masaya." sabi ni Tito.

Ngumiti si Van tapos hinawakan niya ang kamay ko.

"Hatid na kita?" tumango nalang ako. Nagpaalam at nagpasalamat ako sa parents niya.

Wala akong lakas para magsalita. Di parin ako makapaniwala sa mga nangyari ngayong araw. Ilang oras lang ang nakalipas ng nawala ang I.D. ko at tinulungan ako ni Van, tapos nakilala ko si Evo, nakasabay ko sila ng lunch at ngayon ito, nililigawan na ako ni Van.

Dahil sa occupied ang utak ko sa kakaisip, di ko namalayang nakarating na pala kami sa bahay.

"Uhmm.."

"I know gulat ka parin sa mga sinabi ko Sai, pero please give me a chance. Hindi ako nagbibiro. I like you... so much."

Feeling ko kasing-pula ko na ang kamatis. Putakte! Speechless parin ako! Huhuhu.

"Silence means yes.." and ngumiti na naman siya. Halos lahat ng babae sa school namin pinapangarap makita ang ngiti niya pero eto ako, kanina ko pa nakikita ang nakakabighaning ngiti ni Van.

Lumabas siya at binuksan ang pinto kung san ako nakaupo, sa passenger seat.

"Maghihintay ako Sai, I can wait, I promise."

Bago pa siya pumasok sa sasakyan niya..

"Goodnight, thank you for this day." at lastly, ngumiti siya, ngiting pagkatamis-tamis.

What Love Can DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon