Chapter 1

185 4 2
                                    

Chapter 1 - Prince Charming

Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa lugar nato ay dinig na dinig ko na ang malakas na kanta at makikita mo rin ang mga taong sumasayaw na parang wala ng bukas.

"Uuwi na ako GG, ayaw ko dito.." sabi ko sa bestfriend kong nag-aya sakin sa bar nato. Ewan ko nga ba't pinapasok kami eh sixteen palang kami, may connections siguro 'tong si GG.

"Wag muna Sai please. Promise, first and last mo lang 'to.." Take note, nag puppy-eyes pa siya ha. Naku, kung di lang niya birthday ngayon umuwi na ako.

"Hmm, sige na nga." pagsuko ko sa kanya.

"Yehey! Thank you bestfriend!" tapos niyakap niya ako.

Hayst, Glimmer Gelly Garcia.. napakamakulit mo talaga. Yes, yan ang full name niya. GG tawag ko sa kanya pero ang ibang tao Glimmer ang tawag sa kanya. Pano ko ba idedescribe ang bestfriend ko? Well, inshort she's the 'ALMOST PERFECT GIRL', almost perfect kasi nobody's perfect nga diba? Maganda siya, matangkad pero magkasing-tangkad lang kami, maputi siya..ako kasi katamtaman lang, mayaman, sikat lalo na sa school namin. Mapapakanta ka na nga lang ng 'Na sayo na ang lahat'.

"Jan ka lang Sai ha? Alam ko naman kasing ayaw mong sumayaw sa dancefloor." sabi niya.

"Okay.." totoo naman na ayaw ko talagang sumayaw, natatakot kasi ako, natatakot akong bastusin ako. Si GG kasi sanay na sa pagbabar at pagsasayaw sa maraming tao.

Dahil sa wala akong magawa, napatingin nalang ako sa paligid. Tinitigan ko ang mga babae at lalakeng sumasayaw, ang mga magkasintahang PDA. Puro sila may mga pares. Pero biglang napahinto ang pagmamasid ko. Nagkatitigan kami ng isang lalakeng walang kasama, pero tumungo naman siya agad.

*DugDugDug*

Buset! Ano 'to? Kaba? Hindi naman ata. Iba kasi ang feeling. Pero ang pinagtatataka ko ba't biglang lumakas ang tibok ng puso ko eh nagkatitigan lang naman kami ng isang 'stranger'.

Hindi ko maiwasang titigan siya kahit di na siya nakatingin sakin. Napalunok nalang ako, ang gwapo niya pala, aakalain mong para siyang artistang naligaw rito. Naka black leather jacket siya tsaka naka whiteshirt sa loob, simple lang pero makakapag-headturn ka talaga sa kagwapuhan niya. Pero akalain mo? mag-isa lang siyang nakaupo, hindi umiinom at lalong hindi nagsisigarilyo, eh kasi karamihan sa mga kakilala kong lalakeng kasing gwapo niya eh malakas sa bisyo tapos maraming babaeng nakapulopot sa kanila kaya nga wala pa akong nagugustuhan pero siya, sobrang opposite sa mga lalakeng ganun.

Magsisinungaling ako kung sasabihin kong 'di ko siya type'.

Napahinto nalang ako sa pagdedaydream ng maramdaman kong may tumabi sakin.

"Oh GG pagod ka na bang suma--" napahinto ako nang makita kong hindi si GG ang tumabi sakin.

Bigla akong kinabahan, di kasi ako sanay na may lumalapit sa akin na lalakeng di ko kilala. Gwapo naman siya pero ayaw ko sa aura niya. May feeling akong di maganda sa kanya.

"Hi.. are you alone?" di ako sumagot sa tanong niya instead hinanap ng mata ko si GG pero di ko siya makita. Mas kinabahan ako lalo.

"Well, sa tingin ko mag-isa ka lang." tapos hinawakan niya ang kamay ko at dahil sa gulat at kaba di ako makagalaw. Tapos napalitan ng inis ang kaba na nararamdaman ko.

Kinukurot-kurot niya pa ng mahina ang kamay ko. Yucks! Nasusuka ako sa ginagawa niya, hinablot ko ang kamay ko palayo sa kanya.

"Playing hard to get huh? C'mon! You want me, right? There's a near motel here, we can go there." Bwesit! Bwesit! Manyak! Bastos! Anong akala niya sakin? Bayarang babae? Virgin pa ho ako!

Sasampalin ko na sana siya pero nagulat nalang ako nang makita kong nakahiga na siya sa sahig.

"Anong bang problema mo pare ha?!" sigaw ni 'manyak boy' sa isang tao. Buti nalang ang lakas ng music at walang nakakapansin samin kundi eskandalo talaga 'to.

Tinignan ko ang ang taong sinigawan niya.

*DugDugDug*

Halata sa mukha niyang galit na galit siya pero bakit? Mag-isang nakaupo lang siya kanina tapos ngayon sinapak niya bigla ang lalakeng binastos ako. Ayoko naman mag-assume pero ginusto niya bang iligtas ako?

"Matuto kang rumespeto pare." mahinahon niyang sagot pero nakakatakot, parang konting mali nalang sasabog na siya.

"Bakit?! Ano ka ba niya ha?!"

Akala ko wala siyang maiisasagot kasi di naman kasi talaga kami magkakakilala.

Sisingit na sana ako pero napahinto ako at napanganga ng literal! As in literal!

"Boyfriend niya ako, bakit? may angal ka?!" yan! yan lang naman ang sinabi niyang nagpanganga sakin at mas lalong nagpabilis ng tibok sa puso ko.

"Sensya kana tol, akala ko kasi free siya." yan nalang ang nasabi ng manyak na lalake tapos umalis na siya ng bar.

Pero di parin mawala sa isip ko ang sinabi niya..

Boyfriend niya ako, bakit? may angal ka?!

Pero naisip ko, sinabi niya lang yun para mapaalis ang lalakeng yun. Bigla naman akong nalungkot. Nu kaba Saira, wag kasi assuming.

"Miss? Okay ka lang?" tanong niya.

Sasagot na sana ako ng biglang dumating si GG.

"Sai? Anong nangyayari dito?" napahinto siya ng makita niya ang lalakeng katabi ko na ngayon.

"At ikaw sino ka? Kasi sa pagkakaalam ko hindi nakikipag-usap sa stranger ang bestfriend ko." Haynaku, ang taray talaga netong si GG minsan.

"GG, niligtas niya ako.." lumaki bigla ang mata niya.

"Ha?! Bakit?! Anong nangyari?! Napano kaba?!" sunod-sunod niyang tanong, sasagutin ko na sana siya pero biglang nagsalita yung lalake.

"Mauna na ako. Bye." lumabas na siya agad ng bar. Naiwan kaming nakatulala dun. Hindi ko man lang siya napasalamatan, hindi ko man lang nalaman ang pangalan niya.

Pagkatapos nun napagdesisyunan na naming umuwi. Habang pauwi kinwento ko kay GG ang nangyari pero imbes mag-alala siya, kinilig pa ang loka, destiny daw kasi na nagkita kami. Pero naisip ko baka nga yun na ang una at huli ko siyang makikita. Ni wala nga akong kahit konting impormasyon tungkol sa kanya.

Mag-aalasdose na nang makauwi ako sa bahay.

Pumasok agad ako sa kwarto ko, nagbihis muna.

Pinilit kong matulog kasi maaga pa ako gigising bukas. Bukas na ang first day of class namin at third year na ako bukas pero di ako makatulog. May iniisip ako. Di ko maiwasang isipin siya.

"I think nahanap ko na ang prince charming ko." may magandang naidulot din pala ang pagpunta ko sa bar.

And finally, dinalaw na ako ng antok.

What Love Can DoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon