Y-youuuu... y-you should.. aim for the head..
Snap!
Nooooo!!!
S-steve?....
And he turned to dust..
Yan yung scene sa movie na pinapanood namin. Avengers; infinity war
Pangatlong movie na pinanood namin ngayon gabi. Avengers ang Napili namin panoorin dahil malapit na ang Avengers; Endgame.
"M-mister Stark..
Mister Stark I'm... I'm not fe-feeling.. well..
Mi-mister stark I.. I dont want..
I don't want to go...Linya ni Tom Holland playing as Spider-man na talagang tumatak sakin..
Nakatutok ang lahat hanggang ipakita yung End credits ng movie kung saan pinakita si Nick Fury na may ini activate na signal sa kanyang old style beeper bago sya maging Gabok. Bago rin mag black ang screen ay pinakita sa beeper ang logo ni Captain Marvel.
"Kaninong logo yon?" Tanong ni Ash na Wala pa idea
"Kay Captain Marvel" sagot ni Leah/Leandro
"Sino yun?" Si Marcus
"Sya yung may ongoing Movie ngayon" si Kurt na nakisali sa kwentuhan
"Oo nga pala! Showing pa ba yon? Diko pa napapanood! Naging busy ako sa projects at final exams sa school!" Si jester
"Kuya JT, kuya Matt! Tara manood ng Captain Marvel, please?" Si bunso na naglalambing samin."Kuya, pasama ako!" Si Shei na takot mahuli
"Ahh ahh Shei, uwi uwi rin haha" si Ash na nang aasar
"Di pa ba nauwe yan si Shei?" Si Dawo
"Oo mula kahapon ng umaga nung naglaro tayo" si Ash
"Basta kasama ako nila Kuya JT, hindi ako hahanapin nila Mama" depensa ni Shei
"Naks! Iba talaga pag nag iisang anak hahaha Spoiled! Haha" pang asar ni Dawo
"Oyy Kuya JT, nood tayo ha!" Si bunso na lumapit at naglalambing kay kuya
"Basta ba may pera ka eh! No problem hahaha" si kuya JT
"May 300 pako natira sa allowance ko kuya!" Si jester "libre moko ng foods!"
"Aba naman nakakarami kna hahaha na treat na kita" pang asar na sagot ni kuya "Jan ka naman magpa treat sa kuya Matt mo ohh? Nananahimik hahaha"
Pagpapasa sakin ni kuya ng obligasyon na I-treat si bunso."Kuya Matt!! Di mo pako na tretreat! Sagot mo na foods ko ha" si bunso na parang naniningil
"Bakit ako nadamay Jan?" Pabiro kong sabi
"Treat moko! Hahaha na treat nako ni Kuya JT! Ikaw Hindi pa! Hahaha" si bunso
"Ge next year pag nakapag moving up nako ng grade 10" pang asar kong sagot
"Anlahay! Bakit next year pa? Laos na Captain Marvel non! Tsaka ibang Movie na yun!" Pa cute na tampo ng bunso namin
"Hahaha Ehh next year pako bibigyan nila Papa at Mama ng Bonus allowance tulad ng Graduation Reward ni kuya ihh hahaha" patuloy kong pang asar Kay Jester.. nung nakita kong hindi na sya umimik ay napilitan ako na na tigilan na pang aasar sa kanya
"Hahaha oo na! Sige na! Treat na kita! Pero foods Lang ha! KKB tayo sa ticket! Pasalamat ka at ikaw ang Bunso kung hindi, bahala ka jan maglupasay hahaha" pagsuko ko sa asaran
"Ge ba! Deal! Sabi na nga baga ihh di moko matitiis hahaha" masiglang sagot ni bunso "wag ka mag alala ako maglalaba ng mga damit mo for one week bilang kapalit!"