"Ikaw ang Binibini na ninanais ko..
Binibining marikit na dalangin ko..
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa aking mundo..
Sana ay pang habang buhay na ito..Ikaw ang Binibini na ninanais ko..
Binibining marikit na dalangin ko..
Ikaw ang nagbigay ng kulay sa aking mundo..
Sana ay pang habang buhay na ito.."Nagising ako sa tugtog na yan mula sa loob mismo ng aming kwarto.
Pag tingin ko sa oras sa cellphone ko ay 6:19 na pala.
Agad akong nagdasal at bumangon na.
Pagkaupo ko sa kama ay nakita ko si Jester na nasa harap ng desktop computer namin at naglalaro ng Call of Duty.Ginawa niyang background music ang Binibining Marikit habang masayang naglalaro.
Palabas na ako ng pinto ng bigla niya akong napansin.
"Oh? Kuya gising ka na pala"
Nakangiti niyang bati sakin."Lakas ng sounds mo ihh kaya nagising ako"
Tugon ko sa bunso kong kapatid habang humihikab-hikab pa."Hahahaha sorry na agad kuya hahaha"
Nakangiti nitong pagpaumanhin sakin
"Sabi kase ni Kuya JT gisingin na kita ng 6pm ihh kaya nilakasan ko ang sounds hahahaha peace kuya!"Napangiti na Lang ako sa ginawa nitong pag peace sign
Tuluyan nako lumabas at pumunta ng banyo para sana umihi at maghilamos ng marinig ko na may nag sosounds din sa loob.
Tumigil ako at pinakiggan ko mabuti.
"Hey pretty stranger..
I think you look cute..
Can I get your number..
I wanna know you.."Agad ko binuksan ang pinto at nakita ko si Kuya JT na nagrerecord ng TikTok video niya.
"Oh! Tol gising ka na pala?"
Tanging naibungad niyang pagbati sakinPagtawa Lang ang naging Sagot ko sa kanya.
"Dati ayaw mo magtiktok, biniro mo pa si Jester ng Adik.. Ikaw din pala maaadik din hahahaha"
Pang aasar ko habang papunta ng inidoro.