Brothers by Blood and in Flesh

2.4K 27 0
                                    

"Kuya? Kuya Matt?" Boses ni bunso

Ramdam ko ang biglang pagyugyog ng kama sa likuran ko.
Bigla may braso na yumakap sakin mula sa likod.

"Kuya Matt? Kuya gising ka na, please? Kuya?" Paglalambing ni Bunso

"Kuya Matt.." patuloy na pang gigising sakin

Gising nako pero naisipan ko magpanggap na tulog pa.

"Kuya Matt, uyy, Kuya Matt!" Patuloy na paglalambing ni bunso

"Kuya Matt, mahirap gisingin ang nag tutulog tulugan.." paawa na lambing ni bunso

Di ko na mapigilan ang sarili ko na magtawa sa sinabi ni Jester.

"Yown!! gising na si Kuya!! YES!!!" Tuwang tuwa na Sigaw ni Bunso.

"Kuya, bangon ka na! 9am na!!"
Kasabay ng paghila ni bunso sa kaliwang braso ko para bumangon

Nakipaglaro muna ako Kay bunso ng tug of war para maibangon nya ako.

Nang di nya ako nagawang ibangon ay tinarget nya ang weakness ko...
Pinag susundot nya ang tagiliran ko.

Malakas ang kiliti ko sa magkabilang tagiliran. Yung tipong isang sundot mo Lang ay mapapa iktad agad ako.

Sa ginawang yon ni Jester ay napa iktad ako mula sa pagkaka higa ko.

"Ayaw mo bumangon ha kuya? Sige laro tayo! Hahaha" pang babanta ng bunso namin

"Oo na! Babangon na bunso! Hahaha" ako na umisod ng higa papalayo kay Jester habang hinaharangan ko ang kamay niya na akmang susundot na naman sa tagiliran ko.

"Mamaya na Kuya! Laro muna tayo hahahaha" naka bungisngis na inaabot ang tagiliran ko

Umupo nako sa kama mula sa pagkakahiga ko at patuloy ko pa rin sinasalag ang kamay ni bunso na desididong masundot ang maalin sa dalawang tagiliran ko.

"Hahaha yari ka sakin kuya hahaha" si jester na nakaluhod sa kama para umangat siya at makiliti ako

"Hahaha  hiiiiyaaaaaah!!" Style ninja na sumusundot sa magkabilang gilid ko

"Hahaha hero never fades! Hiyaaah!" Si bunso na ginaya pa ang line ni Zilong sa Mobile Legends

Defenseless ako dahil tuwing nasusundot nya ang isang tagiliran ko ay nagpapa iktad ako at nahuhuli nya ang kabila.

"Hahahaha a-yoko haha ayaw ko na bunso hahahaha ti-Gil na hahaha" tanging nasasabi ko

Tuloy pa rin sya sa pag sundot at ng nahuli ko dalawa niyang kamay ay diko yun binitiwan.
Inihiga ko sya at gumanti ako ng pagkiliti.
Pinisil ko ang kanang hita nya sa may taas ng tuhod.
Piglas sya ng piglas habang nagtatawa. Nang mahuli ko yung kaliwang hita nya ay pinisil ko rin yon. Nabaliktad na ang sitwasyon at sya naman ang defenseless sa pag kiliti ko.

Napuno ng sigawan at tawanan ang kwarto namin.

"Hahaha Kuya-kuyaaa su-suko nako hahahaha" pagsuko ni Jester habang natawang nagpupumiglas

Hingal na hingal kami pareho ng tumigil Kami at napasandal ako sa pader paharap sa pinto.

"Ano? Hahaha lalaban ka pa hahaha" magkahalong hingal at tawa kong sabi

"Hahaha a-ayaw na hahaha" pagsuko ni Jester habang nakahiga

At bigla ko napansin na maraming Tao sa bungad ng silid tulugan namin.

Andun sila Shei, Ash, JB, Kurt, Lucy at Kuya JT na nakikitawa

"Hays sayang di ako umabot hahaha" si kuya JT na gusto sumali

Matteo Where stories live. Discover now