20 years later
Kapayapaan ang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang malawak na garden namin na puno ng iba't iba at magagandang klase ng bulaklak. Nagmukha tuloy farm ng mga flowers ang garden namin.
I was born and raise here. Here, in this house where my dad grew up, where he met my mom, where they started a family. I din't exactly know how my parents meet basta ang tuwing i-ke-kwento sakin ni mommy ay parehas sila naninirahan dito sa San Ignacio lalawigan ng Ilocos norte ni Dad. Hindi ko na rin pinilit si Mom kung anong eksena o pangyayari na dahilan para magtagpo ang landas nila ni Dad.
Pero ang pinakaweird sa lahat ang hindi ko makilala ang mga magulang o kahit kamag-anak ni Mom. Wala siyang kinukwento o kung meron 'man, hindi masyadong madetalye. Kaya hindi na rin ako nagtanong.
Pero ang madalas i-kwento sakin ni Mom nung bata pa ko ay tungkol sa mga diwata o Fairies para sa iba. For some reason hindi ko alam kung bakit mahilig i-kwento ni Mommy ang tungkol sa mga maliliit na nilalang na may mga pakpak ng katulad sa tutubi at paru-paru. She didn't gave any reason why. Kaya naman pati ako ay nahumaling sa mga kwento ni Mommy about fairies leading me to have dreams about them. Dreaming about them like it was real. So real na akala ko ay totoong nasa mundo nila ako.
Si princess fairy Abella at ang knight fairy niya na si Lark. At ang taong prinsipe na si Cedrick. Come to think of it, sa sobrang hilig ni mommy sa mga fairies talagang kapangalan niya pa ang Prinsesa ng mga fairies. My Mom's name is Abella Lopez Legaspi while my Dad's name is Cedrick Mullen Legaspi same name with the human prince.
Sobrang memorable lang siguro ng childhood memory ni Mommy about fairies kaya mapahanggang ngayun ay nadala niya pa rin ang hilig sa mga faries. For sure, kinukwentuhan din siya ng mama niya about fairies.
Kaya naman hindi na ko magtataka kung bakit maraming bulaklak at buhay na buhay ang hardin namin. Dahil naniniwala si mommy na dito sa mga bulaklak madalas maglagi ang mga diwata. Kaya naman alagang-alaga niya mga ang ito.
Hindi na rin naman masama dahil talaga naman nakakagaan ng loob na makita ang ganitong scenary after a years of non stop stress and working so hard.
"Aliyah?" mula sa mga bulaklak ay nabaling ang tingin ko sa taong tumawag sa akin. Napangiti naman ako ng makita ang Mommy ko.
"Hi Mom, how are you?" masayang bati ko kay mommy.
"I'm good. Good and very happy to see you again, baby. Masayang masaya ako at nandito ka na. Matagal-tagal din ang bakasyon mo dito kaya naman excited na kong makasama ka sa loob ng apat na buwan" halata nga sa mukha ni Mommy na masaya siya.
Almost seven years na din na hindi ako napipirmi dito sa bahay. When I graduated in grade school ay nag-aral na ko sa manila ng high school with my kuya who is in the college that time. I was 13 that time and kuya is 18. Too young para umalis sa puder ng magulang but it taught me well. Sa maraming bagay. Sa manila na rin ako nag-college at nakahanap ng trabaho. Si kuya ang namamahala ng business ng pamilya na pinasa generation by generation ng pamilya ni Dad. At ako? Well, isa lang naman akong travel journalist kaya naman hindi ako nagtatagal ng isang araw pagbumibisita sa parents ko dahil mostly nasa ibang lugar ang trabaho ko. At ngayun napagbigyan akong magbakasyon ng ilang buwan ay pinili kong umuwi dito sa San Ignacio para makasama ang mga magulang ko.
Niyakap ko si Mommy ng mahigpit. And that moment I felt my home. In the arms of my parents. My mommy.
"I missed you so much, mommy"
"I missed you too, Aliyah. Ang nag-iisa kong anak na babaeng maganda" nakangiti niyang sabi sakin habang bumitaw sa yakapan namin at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.
BINABASA MO ANG
Fairy Tales
FantasyCinderella runaway when the clock strikes at twelve midnight and accidentally left her glass slipper. Sleeping beauty was curse and slept for a hundreds of years but because of the magical kiss she woke up. Snow white had eaten a poisonous apple t...