".....and fairy Abella and her human prince lived happily ever after" Pagtatapos ng kanyang mommy sa kwento ng isang princess fairy na nain-love sa tao.
Ramdam na ng batang si Aliyah ang antok kaya naman napahikab siya habang unti-unting pumipikit ang mga mata pero hindi nagpaawat sa huling tanong.
"Mom, what happened to the knight of Princess Fairy Abella? The Fairy knight Lark?"
"To be honest, darling. I don't know. I don't know what happened to Lark after the princess had her happy ending" nabanaag niya sa mga mata ng ina ang lungkot kaya naman hinigpitan niya ang yakap dito.
"It's okay mom, I will not ask anymore. It's just a story, no need to be sad" panga-aalo niya sa ina.
"Kung ganon nga lang kadali, anak. Matulog kana, and tomorrow it's your first day in school" ng maalala niya iyon ay excited na siyang pumikit at nagpatangay sa agos ng magandang panaginip.
Ng masiguro ng ina ni Aliyah na tulog na siya ay saka lamang ito umalis sa silid ng anak. Turning the lights off and closing the door. Leaving the window slightly open.
Isang maliit na liwanag ang lumilipad na tila isang alitaptap na nagbibigay ng liwanag sa madilim na gabi ang pumasok sa hindi nakasarang bintana ni Aliyah. Unti-unti, ang liwanag ay lumaki ng lumaki hanggang sa maging isa itong makinang na alikabok sa hangin na pumuno sa buong silid ni Aliyah. At mula sa anino ng kumikinang na alikabok ay lumabas ang mahiwagang nilalang.
Lumapit ito sa higaan ni Aliyah at umupo. Pinagmasdan ang maamong mukha ng bata. Mula sa malantik na pilik mata nito, sa katamtamang ilong hanggang sa maliit at mapula nitong labi. Siya ay namamangha sa pagkakaparehas ng ganda ng bata sa ina nito. Ang nilalang ay napangiti ng malungkot habang nagbabalik tanaw sa magagandang alaala kasama ang babaeng tinitibok hanggang ngayun ng kanyang puso.
"Wag kang mag-alala Aliyah. Maayos lang ang diwatang tinatanong mo. Namumuhay ng may halong lungkot pero masaya dahil nakikita niya kung gaano kasaya sa buhay na pinili ng babaeng mahal niya. Babaeng mahal ko. Matulog ka ng mahimbing Aliyah at bibigyan kita ng isang magandang panaginip na babaunin mo hanggang sa paglaki mo" mula sa maliit na supot na gawa sa dahon ay kinuha ng nilalang ang isang umpok na kumikinang na alikabok at sinaboy dahan-dahan sa parteng ulo ng bata.
Dahan-dahan at walang ingay niyang nilisan ang silid ng batang si Aliyah at bumalik sa mundong kung saan walang nakakaalam. Kung saan may mga nilalang na tahimik na namumuhay hindi pa 'man dumadami ang sibilisasyon ng mga tao.
Sa isang banda, ang batang si Aliyah ay natagpuan ang sarili sa panaginip na nakikipaglaro sa mga Fairies. Ang mundong sa panaginip niya lang nararating kung saan siya nakikipaglaro sa mga ito. Sa maliliit na nilalang na kung ituring ay hindi totoo sa kanyang realidad.
BINABASA MO ANG
Fairy Tales
FantastikCinderella runaway when the clock strikes at twelve midnight and accidentally left her glass slipper. Sleeping beauty was curse and slept for a hundreds of years but because of the magical kiss she woke up. Snow white had eaten a poisonous apple t...