TALE TWO

3 1 0
                                    

Warning: all the characters, places, business or scene was all fiction and a product of an author's mind.

______________________________________

Nagising ako dahil sa mabining haplos ng hangin sa aking balat. Magandang tunog ng lumalagaslas na tubig, mahinang musika at maliliit na boses?

Nang malinawan sakin kung nasaan ako ay bigla akong napabalikwas ng bangon. Mahaba at Malalaking talahib ng damo? As in mahaba talaga dahil parang 'sing tayog ng mga building sa manila ang taas ng mga damo na nakikita ko. Hinanap ng mga mata ko kung saan nanggagaling ang musika at mga boses.

Mula sa pagkakahiga ay tumayo ako at ganun na lang ang pagkamangha ng hindi 'man lang lumagpas ang taas ko sa batong malapit sa'kin.

Kinakabahan na tiningnan ko ang ang aking sarili. Ganun pa 'rin naman. Walang pagbabago sakin pwera sa nakapaligid sakin. Lahat malalaki, ang mga bulaklak, ang dahon at Ilog? Pano nagka-ilog dito eh nasa kwarto ako. Teka? Ang tanong, pano ako napunta dito? Nag-sleep walk ba ko? Pero kung nagsleep walk ako bakit parang ako yata ang lumiit?

"Oh my gulay? Anong nagyayari?" Kinakabahan na tanong ko sa sarili.

Ang kaninang musika ay unti-unting lumalakas pati na ang mga tinig na tila isang grupong umaawit.

Lumakad ako at inumpisahang sundan ang mga boses.

Maganda ang kanta pero kakaibang lenggwahe ang binibigkas ng mga kumakanta. Habang palapit ako ng palapit sa pinagmumulan ng musika ay siya 'ring lakas ng kabog ng dibdib ko. Masukal na mga damo, nagtataasang talahib at mga panaka-nakang malalaking butil ng tubig mula sa mga damo at bulaklak. Mas kinabahan ako ng marealized na lumiit nga ako. How could this happened? Nasa kwarto ako at natutulog and then suddenly mapupunta ako sa ganitong lugar? Where every living things I see are soooooo weird and scary.

Nang sa tingin ko ay nakarating na ko sa lugar kung saan natatakpan pa rin ng konting damo ang mga boses ay saka ko hinawi ang harang para tuluyang makita ang pinagmumulan ng musika.

My jaw instantly drop when I see unusual creature right in front of me. A big tree.... as in the biggest tree I've ever seen. I'm not exaggerating pero ang laki talaga ng puno. At hindi lang siya basta-basta puno. This tree I'm seeing is filled with shining and shimmering gold and diamonds... and at the top of the tree is where you can find the fountain of golden dust that keeps on flowing until on it's roots. And the most unbelieveble that I am seeing is the people itself. No, they are not people. Creatures. A civilization of little human but have wings? And they are all singing.. a fairy to be exact.

Nananaginip ba ko? 'Cuz if it is then I must wake up dahil unti-unti ng nagtataasan ang mga balahibo ko sa katawan. At ang puso ko, grabe sa kaba. Hindi ko mapaliwanag pero natatakot na talaga ako. Creatures who look exactly like humans pero maliliit sila just like me?

"What?" sa pagkataranta ko ay agad ko tiningnan ang likod ko para i-check kung nagkaron ba ako ng pakpak katulad nila.

Nang dahil doon ay nakarinig ako ng isang baritoning tinig na tila tinatawanan ako... wait? Talagang tinatawan ako.

Unti-unti akong nag-angat ng tingin at laking gulat ng may isang lalaking diwata ang nasa harapan ko. Hindi siya nakatapak sa lupa dahil gamit niya ang kanyang tila pang-tutubing pakpak para tumindig sa hangin.

"Tiningnan mo ba ang likod mo sa pagaakalang may pakpak ka?" Bakas sa mukha nito ang pagkagalak at hindi masupil na mga ngiti sa labi na para bang pinipigalan nito ang matawang muli.

"Maligayang pagbabalik, binibining Aliyah. Muli tayong nagkita at lubos kong kinagagalak iyon" sabi ng lumilipad na nilalang.

Para akong nahipnotismo sa nilalang na nasa harap ko. Pinagmasdan ko ang mukha niya na sobrang amo ng mukha, engkanto nga talaga siya. Dahil sa pagkakaalala ko sa kwento ni Mommy, ganitong itsura ang meron ang mga fairies pero ang nasa harapan ko ay mukhang hindi ordinaryong diwata. Dahil..... pak! Sa sobrang pag-kagwapo. May gosh! Mapagkakamalan ko pa siyang model kung hindi lang siya lumulutang at may dalawang pakpak na nakakabit sa likod niya. Pakpak? Tila natauhan ako dahil sa pakpak. Right! Hindi pala tao kaharap ko kundi.... isang... fairy....

Fairy TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon