Hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko ang patunay na totoo sila. Totoo ang mga diwata o ada. Hindi ko makita ng maayos ang mukha ng nasa harapan ko dahil sa sobrang liit niya. Must be young fairy. I don't know kung hanggang saan ang laki nila pero itong nasa harap ko ay maliit na fairy, even her wings are cute and tiny.
Dahan-dahan siyang lumapit sakin at dahil sa pangamba at takot ay nahipan ko siya dahilan para tumalsik siya ng ilang dangkal palayo sakin.
"Eihhh" mahinang tinig niya na sa tingin ko ay sigaw para sa maliit na nilalang na 'to.
Hindi naman ako nakagalaw dahil sa ginawa sa kanya. Miski rin ako ay nabigla.
"I-i'm sorry" hinging paumanhin ko agad sa kanya. Dahil baka kung ano rin ang magawa niya sakin. Baka sumpain niya ko o saktan.
Muli siyang lumapit sakin kahit na bakas sa reaksyon ng katawan niya ang pangamba at takot. Kaya naman hinanda ko na ang sarili ko sa paglapit niya. Be calm and collected, Aliyah. Walang dapat katakutan paulit-ulit na sabi ko sa sarili para kumalma ako.
"It's okay. Hindi ko na ulit gagawin 'yun" marahan kong sabi sa kanya.
Paunti-unti ay lumapit siya sakin hanggang sa ilang dangkal na lang ang lapit niya sa mukha ko. Mas gusto ko pa siyang makita at mahawakan ng malapitan para patunayan na hindi talaga ako nanaginip. Dahan-dahan kong tinaas ang dalawang kamay ko at pinagdikit iyon na parang sumasalok ng tubig sa ilog. Naintindihan niya ang gusto kong mangyari at unti-unti ay lumapag ang munti niyang mga paa sa aking mga kamay. Ngayun ay mas nakikita ko siya ng malapitan.
Mahaba at light brown ang buhok ng batang diwata, I can now clearly see her face at kung nasa tamang laki lang ito katulad ng isang tao ay mas ma-a-appreciate ko ang ganda nito pero dahil sa sobrang liit ay hindi ko makita ang details ng mukha niya. All I know is this little fairy is cute and very young. Gawa sa dahon ang damit niya na mas lalong nagpadagdag sa ka-cute-tan. Patulis ang mga tainga nito at mala-tutubi ang pakpak. Ang ganda. Napapalibutan din siya ng mga kumikinang naalikabok.
Sobrang sarap ng pakiramdam na mahawakan siya.
"K-kamusta ka?" marahan na sabi ko sa kanya.
"Maayos naman, magandang binibini" sa cute at maliit nitong boses na sabi sakin. Sobrang hina lang ng boses niya pero rinig ko pa rin ng malinaw ang mga sinasabi niya.
"Binibini? That's too old to address a filipina maiden" natatawa kong sabi sa kanya.
"Huh? Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo binibini. Hindi ko akalain na bukod sa salitang nakasanayan na ng mga tao sa lupang ito ay may iba pa pala silang lenggwaheng alam" nagtatakang sabi niya. Kaya naman natawa ako sa lalim ng tagalog na ginagamit niya. It feel so cringy but funny at the same time. May gumagamit pa ba ng malalim na tagalog sa panahon ngayun?
"Pasensiya na, batang diwata. Hindi ako ganun ka bihasa sa pagsasalita ng malalim na tagalog. Sa panahon ngayun. Dalawang lenggwahe na ang nakasanayan namin bigkasin araw-araw" sabi ko sa kanya kahit masyadong slang at pilit ang pagtatagalog ko.
"Talaga! Nakakamangha. Masarap pakinggan sa pandinig ang lenggwaheng iyong binigkas kanina" nakangiting sabi nito showing her cute smile.
"Uh huh. That's right little fairy. Anyways, anong pangalan mo?" tanong ko sa kanya.
"Ako si Fosette na ang ibig sabihin sa aming mga diwata ay ngiti ng kasiyahan" energetic na sabi ni little fairy Fosette.
"At ako nga pala si Aliyah. Kinararangal kong makilala ka little Fosette"
"Hindi ko man alam ang ibig sabihin ng little pero ako rin binibining Aliyah. Napakaganda mo. Sa lahat ng taong nasilayan ko ay naiiba ang iyong ganda. Bukod tanging nangingibabaw ang iyong ganda" namula naman ako sa sinabi niya. Grabe kahit tagalog, ramdam ko ang admiration niya sakin. Nakakaflatter, sobra.
BINABASA MO ANG
Fairy Tales
FantasyCinderella runaway when the clock strikes at twelve midnight and accidentally left her glass slipper. Sleeping beauty was curse and slept for a hundreds of years but because of the magical kiss she woke up. Snow white had eaten a poisonous apple t...