I am doomed. Iyan ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili pagkatapos kong mapagmasdan ang buong kapaligiran. Tall grass as in tall talaga dahil sa halos kasing laki ng mga building ang mga damong nakapaligid sakin. Technically, ako dapat ang malaki sa kanila kasi dapat ganun. Dahil tao ako. Pero ano ang nangyayari.
Flowers. They are all taller and can be my house sa sobrang laki. Lumapit ako sa isang stem ng bulaklak at hinawakan 'yun pagkatapos ay ginalaw galaw. It takes all my energy to move the flower stem kahit binigay ko na lahat. Ano ba ang nangyayari, bakit parang ang laki ng mga bagay sa paligid ko.
Humarap ako at tiningnan si Fosette na ngayun ay nakikita ko na ng malinaw ang mukha. Kasing laki na siya ng normal na bata sa paningin ko. Maganda siya. Iyan ang masasabi ko habang pinagmamasdan siya.
"Fosette, your no longer little anymore. But I feel so tiny, what is happening?" nagpapanic na tanong ko sa kanya.
"Binibini Aliyah, hindi kita maintindihan. Pero kung pagtataka ang iyong nararamdaman. Na sa mundo ka namin. Naming mga Immortal. Paano ka nakatawid dito?"
"Honestly, hindi ko alam. What I remember is may susugod na baboy ramo sakin kaya tumakbo ako and then suddenly may malakas na pwersa ang humigop sakin and minutes later nandito na ko. Tell me, bakit ganito? Bakit ako na punta dito?"
"Nakapasok ka sa portal? Imposible! Walang 'ni isang mortal ang makakapasok dito sabi ng aming guro. At ang nakakapagtaka paano ka naging kasing laki ng mga matatandang diwata"
"Goodness! Hindi ko rin alam at kailangan ko malaman ang sagot diyan. Kaya mo ba akong tulungan makabalik samin?" nanghihina kong sabi sa kanya.
"Sa pagkakaalam ko ay kung sino 'man nilalang na hindi kabilang sa mundo namin ay hindi na makakabalik kung mabibigyan ng pagkakataon na makapasok dito. Hindi katulad namin mga nilalang na kahit anong oras gustuhin namin ay makakapunta kami sa mundo niyo" paliwanag ni Fosette na nakapagpanlumo lalo sakin.
Ano na ang gagawin ko. Hindi ako pwedeng maging stuck dito.
"Hindi pwede 'yun Fosette! Baka hanapin ako ng magulang ko. Saan ako matutulog kung sakali? Hindi ako mahubuhay dito lalo na at limitado lang ang bakasyon ko"
"Pwede ka munang makituloy sa amin. Sigurado akong magagalak ang mga magulang ko" masayang sabi nito.
Hindi kaya sila naman ang matakot dahil may mortal na katulad ko ang nakapasok sa mundo nila? Kesa naman magpaiwan ako dito. Hindi ako pamilyar. Baka kung ano pa ang mangyari sakin, sabi nga ni Fosette kanina ay hindi lang sila ang nilalang na ninirahan dito. May mga tikbalang, duwende o baka mamaya manananggal? Oh my gosh! Ayaw ko pa maging hapunan.
"Fine! Pero wala akong pakpak katulad mo kaya hindi ako makakalipad. Sure naman ako na malayo pa dito ang bahay ninyo"
"Tama ka binibini Aliyah. Wag ka magaalala. Sagot kita" nakangiting sabi nito.
She wistle using her two little fingers at maya-maya lang ay may malakas na hangin akong naramdaman at tila tunog helicopter. Nang makalapit ang kung ano 'man yun ay ganun na lang ang panghihilakbot ko.
"A giant ladybug?" natatakot kong sambit kay Fosette.
"Huh?!"
"I mean. Yun ang tawag sa ingles. Ladybug. Hindi ko alam sa inyo"
"Ang tawag namin sa kanya ay babaeng salaginto. Dahil kasama pa siya sa uri ng mga salagubang at mga salaginto mismo na halos kaparehas ng itsura niya. Kakaiba nga lang ang kanyang kulay at kahali-halina tingnan"
Ngayun ko lang nalaman yun ah. Now, this giant lady bug is bigger than me. At mas nakikita ko ng maayos ang mukha niya. Her face is scary kasi puro black lang nakikita ko sa mukha niya except the eyes. Her wings, well they are great in bright red but hopefully, hindi niya ako saktan.
"Wag ka magalala binibini Aliyah. Hindi nananakit ang mga babaeng salaginto. Sakay ka na" sabi ni Fosette. Wala na akong nagawa at sumakay na ko sa Ladybug. Malapit sa mismong ulo niya na may antena. Humawak ako ng maigi doon ng magumpisa na itong umangat sa ere. At mula sa mga damo ay umangat kami sa lupa hanggang sa makita ko ang buong tanawin.
Malawak na flower farm ang nakikita ko. Pero ang mga bulaklak ay higit sa malaki at kakaiba kesa sa nakikita ko sa garden namin. Nakasunod naman samin si Fosette na sinasabayan din ang lipad ng Ladybug na sinasakyan ko.
"Ginoong Liro, parating na ang iyong anak na si Ada Fosette. Pero may kasama siyang babaeng salaginto. Hindi pa namin matukoy kung sino ang sakay noon" sabi ng humahangos na diwatang kawal kay Ginoong Liro na nagpahinto sa paguusap namin.
"Matigas talaga ang ulo ng anak kong 'yan. Sigurado ako na muli siyang tumawid sa mundo ng mga mortal" galit na turan ni Ginoong Liro sa akin.
"Ginoong Liro, bata pa si Fosette. Malawak ang kuryosidad pero ito lang ang nasisiguro ko. Matalino ang anak mo at alam ang ginagawa. Hindi naman siguro niya ilalagay sa alanganin ang sarili diba?" pagpapakalma ko sa kanya.
"Alam ko naman 'yun Lark pero ilang beses niya ng ginagawa ito. Hindi lang mi-minsan na pinagaalala niya kaming mga magulang niya. Paano kung mahuli siya ng mortal. Alam mo ang huling nangyari sa huling ada na nakakita sa mga katulad natin" sabi niya sakin na tila pinapaalalahanan ako sa nangyari sa nakalipas na panahon.
Alam ko kung ano ginawa sa diwatang nahuli ng mga mortal. Pinag-eksperementuhan. Pero alam din namin kung ano ang lagay niya at kung nasaan na siya ngayun. Ayoko nang balikan ang nangyari pa dahil sa tuwina ay lalo akong nalulungkot.
Lumabas kami sa silid kung saan madalas kaming magtipon. Kung saan nagsa-sama sama ang mga may mataas na katungkulan sa palasyo. At isa na ako 'dun. Dati akong mahigpit na tagabantay at kawal ng prinsesa dahil iyon ang posisyon inaatang sakin. Trabaho ko ang ilayo siya sa kapahamakan. Pati na ang anak nitong babae.
Lumipad kami pababa para salubungin si Ada Fosette at ang bisita.
"Aaammmmmaaaa" masayang sabi ni Fosette habang mabilis na lumipad papunta kay ginoon liro na ngayun ay nakasimangot pa rin. Pero hindi maikakaila sa mga mata nito ang ginhawa na muling makita ang anak.
"Fosette, sinuway mo na naman ang utos ko" galit-galitan na sabi ni Ginoong Liro kay Fosette.
Napalabi ang munting batang diwata dahil sa tinuran ng ama. Alam kong idadaan sa lambing ng bata ito ang kasalanan. Walang kahit na sino ang makakatanggi sa batang may pinakamaamong mukha pero pasaway at makulit.
"Pasensiya na ama. Gusto ko lamang masilayan ang kabilang mundo. Hindi na po mauulit" sinserong sabi nito at napayuko.
"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa iyong, bata ka. Pero wag na wag mo nang gagawin muli iyon. Hindi mo lang alam kung gaano kami nagaalala sayo ng ina mo" sabi ni ginoong Liro at binuhat ang anak at sa ka niyakap ng mahigpit.
"Fosette, sino ang parating?" tanong ko sa kanya.
"Ay! Oo nga pala. Ama. May nakilala akong mortal" masayang sabi niya na nagpabigla sa amin lahat.
BINABASA MO ANG
Fairy Tales
FantasyCinderella runaway when the clock strikes at twelve midnight and accidentally left her glass slipper. Sleeping beauty was curse and slept for a hundreds of years but because of the magical kiss she woke up. Snow white had eaten a poisonous apple t...