*14

7 3 0
                                    


Bago ko pumasok ng tuluyan sinigurado ko muna nawala si yaya miding,

Wala siya! Siguro nag hahanda ng dinner.

Dahan dahan ako nag lakad patungo sa sofa pero bago kopa magawa iyon nakita na ako ni yaya

"Oh gising kana pala, pupuntahan na sana kita eh para mag dinner"

Naalala kona nilagyan ko nga pala ng mahabang unan ang kama ko para Hindi mahalata na wala ako.

"Ah o-opo"

Nag patay malisya ako "Halika't dito mag dinner kana"

Tumango ako at nag tungo na sa dinning area.

"Sabayan nyo napo ako" yaya ko sa kanya,

Umiling siya "kumain nako eh, hayaan mo bukas sasabayan kita"

"Ah sige po," sabi ko Sabay sandok ng kanin at ulam.

"Mukhang Napa sarap ang tulog mo ah"

Nabilaukan ako, agad siyang kumuha ng tubig at inabot sakin iyon.

Uminom muna ako bago ako nag salita "ah opo yaya"

"Sumasakit paba yung dib dib mo?"

"Hindi napo masyado" sagot ko Sabay subo ulit.

"Ija pwede mag tanong?"

Tumango ako, umupo siya sa katapat Kong chair.

"Bakit nitong nakaraan na araw ang cold mo sa mama mo? May nangyari ba?"

Natigilan ako,

Dapat ko bang sabihin sa kanya iyon, kung anong dahilan kaya ang cold ko Kay mama.

"Hindi naman po, wala lang po akong gana" pag tanggi ko.

Hindi pa ngayon ang tamang panahon para malaman nila. Dahil sa oras na sabihin ko Kay yaya malalaman narin ni papa. Ayokong masaktan siya ng sobra,

"Ganun ba,"

"Opo, tapos napo ako" inayos ko ang damit ko bago tumayo. "Mag papahinga napo ako yaya, good nyt po"

"Ah sige good nyt din ija"

Nginitian kona lang siya at mabilis ng umakyat.

Napasandal ako sa pinto ng kwarto ko , nailamukos ko ang mukha ko sa inis.

Naalala ko na naman ang kataksilan ni mama. Gusto ko paman din kalimutan iyon habang wala siya pero mukhang Hindi ko magagawa.

Ion...

Bigla ay pumasok sa isip ko ang larawan ni ion.

Ano bang nangyayari sakin? Bakit ba pumapasok sa isipan ko ang lalaking iyon

"Hatid nakita baka kasi ano pang mangyari sayo eh,"

Hayys ano bayan Pati ba naman yung sinabi niya kanina nag papump sa isip ko.

Bakit feeling ko ang gwapo niya habang sinasabi niya iyon eh gwapo naman talaga siya eh kung Hindi nga lang Mapang asar baka Naging crush kopa siya.

Tsaka yung kiss niya sakin kanina,
Bat ang sarap! Lasang strawberry,
Hayss anu batong isip ko Puro kalaswaan.

Mag kikita pa kaya kami? Eh bakit parang Gustong gusto ko siya makita. Anu ba kasing nangyayari sakin?! Baliw na ba ko,

----

"ion mahal na mahal kita Forever and ever muah" hinawakan ko ang kamay niya at pinag sikop iyon.

"Mahal na mahal din kita Lea Michelle muahh pakiss nga" unti unti siyang lumapit sakin. Unti unti rin akong lumapit sa kanya,

Ayan na malapit na, ayan na!!!

---

"Ija gising nanaginip ka!"

"Ionnnnnn!"

Napa balikwas ako ng marinig ko ang malakas na sigaw na iyon.

Asan si ion? Mag kikiss na dapat kami eh taka akong napatingin sa may gilid ko.

Si yaya miding anung ginagawa niya sa kwarto ko?

"Ija sino si ion? At bakit ka naka nguso kanina habang natutulog ka?" Takang tanong niya,

Omo! Naisigaw koba ang pangalan ni ion, patay na this!

Anung sasabihin ko ngayon, Lea mag isip ka!

"Ah may sinabi po ba akong ganun, baka po ayon ang palaka haha" pagan akong humalakhak.

Mag katunog naman diba, ion and ayon. Sana lang maniwala si yaya miding kung Hindi katapusan kona.

Ang tanga lang kasi, napaginipan kopa yung lalaking iyon. May Mali talaga eh!

"Ay siguro nga, nag ka Mali lang ako ng pag kakarinig. Tumatanda na kasi ako eh pasensya na ija  ah"

Pagak ulit akong napatawa "hahaha wala po iyon yaya,"

"Sige, Bilisan mo diyan at mag break fast kana sasabayan kita"

"Sige po yaya" sabi ko, tinanguan niya ako at lumabas na.

Napa buntong hininga ako "akala ko kataputan kona hayyys"

Most Painfull battleWhere stories live. Discover now