*23

11 3 0
                                    


isang malakas na sampal ang sinalubong ni papa sakin pag uwi nila. Napa upo ako sa sahig sa lakas non agad naman akong dinaluhan ni mama,

"Mcoy!" Pigil ni mama ng sasampalin pa ako ni papa ng isa pa.

Iyak na ako ng iyak at naninikip na ang dib dib ko.

Galit na galit si papa sa akin,

"Ginagawa namin ang Lahat para Makanap ng donor mo tapos malalaman namin na lumalabas ka at nakikipag kita dun sa lalaki mo!" Mariin nyang sabi.

"Papa Hindi kopo siya lalaki--"

"At sumasagot kapa talaga! Yan ba yung tinuturo nya sayo ah' Yan Ba!!"

Napa yuko ako,

Bakit ganyan sila!

"Sino yung lalaking yon? Boyfriend mo?!" Galit na tanong nya.

Umiling ako,"h-hindi po"

"Mcoy tama na please..," Basag na boses na sabi ni mama sa tabi ko. Umiiyak narin siya,

"Taga San yung lalaking yon?"

"Hindi ko po alam papa"

Sinamaan nya ako ng tingin, Lumapit siya sakin at halos mapasigaw ako nang hawakan ng Sakalin niya ang pisnge ko.

"Mcoy!!"

Sapilitan akong tinayo ni papa at pinaka titigan nya ako "Mag sisinungaling ka pa! Nag kanda- ubos ubos ang pera ko para Lang sayo.  Nag ka pagod pagod ako sa kakahanap ng donor mo pero anong ginawa mo"

"Edi sana Hinayaan nyo nalang ako mamatay tutal naman kayo mismo unti unti nyo akong pinapatay! Sana nga namatay nalang ako!!" Hindi ko napigilan na sigawan din siya. Gulat at galit ang nag arko sa mukha nya isang mabilis at malakas na sampal ang binigay nya sakin. Hindi pa siya nakuntento sinikmuraan nya pa ako ng dalawang beses. Mag kanda suka suka nako ng Dugo at mas lalo ko nararamdam ang paninikip ng Dib dib ko.

"Mcoy mapapatay mo ang bata! " iyak na sigaw ni mama at mabilis na lumapit sakin, kinulong ako sa mga bisig nya.

"isa kapa Sayo siguro nag mana yang anak mo. Wag kang mag malinis Sharon Alam ko yung pinag gagawa mo! Hindi kolang ma sabi Kay papa Dahil Naawa ako sayo. Naawa ako sa anak natin!" Pag iiba nya ng usapan.

Ano bang sinasabi ni papa? Naguguluhan ako.

"Matagal nayon Mcoy! Kayo ang pinili ko kesa sa kanya, Kesa sa taong mahal ko!!" Sabi naman ni mama.

"Malandi ka Sharon! Anong matagal na, nag pa imbestiga ako kahit kami ang pinili mo Nag kikita parin kayo ng lalaki mo! Ng kapatid ko, malandi ka hayup ka sayo nag mana yang anak mo"

Papa...alam mo?pero bakit Hindi mo sinasabi sakin?! Bakit papa? Bakit?
Gusto ko itanong iyan sa kanya pero wala akong magawa.

"Anong ibig sabihin Nato Mcoy? Si Sharon kabit ng kapatid mo" biglang sulpot ni Chairman.

Mama...,

Natigilan si papa at gulat na tinignan si Chairman. Takot naman ang mababakas Kay mama at sakin pangamba na baka ilayo nila sakin si mama. Hindi ko kakayanin yon,

"Answers Me!" Mariin na sigaw ni Chairman

"O-opo papa!" Sagot ni papa.

Galit na aura na sinulyapan ni chairman si mama, "Kaylan pa?"

"Matagal napo papa"

Binalingan ni chairman si papa"bakit Hindi mo sinabi sakin!"

"Papa!"

Muli ay binalingan ni Chairman si mama"Lumayas ka sa pamamahay ko ngayon din at ayaw konang makikita pa yang Pag mumukha mo!"

Maslalo akong Napa iyak"m-a, W-ag k-ang u-ma-li-s,"pilit na sabi ko.

Gamit ang natitira ko pang lakas hinawakan ko ang kamay nya at hinawakan iyon ng mahigpit.

"A-anak" paninimula nya, namamaga na ang mata nya sa kakaiyak "Ayokong mang-iwan ka pero kasi Kaylangan eh" basag ang Boses nya habang sinasabi iyon

"Ma-ma W-ag M-o-kong i-wa-n," hiningal ako "h-hindi k-o k-aya n-awa-la k-a. M-a W-ag a-alis. D-ito k-a-lang t-abi k-o" ma utal utal Kong sambit, samahan pa ng pananakit ng Dib dib

"Ano pang Hinahantay Mo Pasko!lumayakas kang Malandi ka sa pamamahay ko! Hindi ko maatim na makita pa yang Mukha mo!!" Sigaw pa ni Chairman Lumapit siya samin ni mama at sapilitan siyang itinayo.

"Papa Maawa kayo sakin, nandito yung anak ko"pag mamaka awa ni mama Kay chairman Lumuhod ito pero Hindi ko inasahan ang sunod na ginawa ni Chairman Dinuraan nya si mama at binigyan ng malakas na sampal.

" m-ama"

" Wala ako awa Sharon alam mo yan! lumayas ka at bumalik sa kang kungan kung San ka nababagay!"

Pinilit Kong tumayo Pero ilang saglit ang ay bumagsak ulit ako.

"Ma-ma W-ag!" Sabi ko pero Hindi ko alam kung narinig nila.

"Ayaw mong Umalis ah! Hala sige halika" hinawakan ni Chairman sa buhok si mama at kinaladkad palabas. Tumingin muna sakin si papa bago sumunod Kay chairman,

Papa wala kang kwenta! Hindi mo kami kayang ipag tanggol.

Pinilit Kong Gumapang, Pero lalo lang sumasakit ang dib dib ko.

Napa hagul gol nalang ako! Ang hina hina ko wala Kong magawa.


"M-a, h-hi-nd-i K-ko- k-a-ya"





"M-a, h-hi-nd-i K-ko- k-a-ya"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Most Painfull battleWhere stories live. Discover now