*20 (Part 2)

8 3 0
                                    


Pag kabili namin ng ice cream bumalik narin kami sa tanawan.

Hindi pa kami nakaka- balik ng maubos na ni ion yung kanya. Aba'y ang Gago kinukulit ako na pakagat daw sa ice cream ko.

"Bat kasi inubos mo agad yung sayo tas ngayon hihingi hingi ka!" Mariin Kong sabi lumayo ako ng bahagya, baka biglang agawin eh.

"Ang damot mo!" inis niyang sabi inirapan pa ako.

Wow siya naman ngayon ang nang iirap ah,

Diko siya pinansin at nag lakad nalang ako papunta dun sa inuupuan ko kanina. Akala ko Hindi niya ako tatabihan Pero Hindi dahil dun din siya umupo,

Sinulyapan ko siya, bigla ako nakaramdam ng awa sa itsura, tinitigan ang ice cream ko Sunod tinitigan ko si ion.

"Kung Gusto mo Sayo nalang oh' pero kasi may laway kona to eh" sabi ko sa kanya sabay abot ko ng ice cream.

Pilit siyang ngumiti "Hindi na Sayo yan eh," pag tanggi niya.

"Sayo na ngalang diba, ayaw mo?..."Hindi siya sumagot " sige sakin nalang" sabi ko, didilaan kona sana ng biglaan niya iyon agawin sa kamay ko at dali daling dinilaan.

"Ikaw naman Hindi na mabiro, Nag papa hard to get lang ako haha" sabi niya habang dini dilaan iyon.

Bat ang gwapo nya kahit na mukha siyang patay gutom sa ice cream.

Ang Hot nyang tignan,

"Baka malusaw ako nyan" natigilan ako sa sinabi nya.

Napaiwas ako ng tingin sunod sunod ang pag lunok ko, "a-anong kapal mo ah!" Pag papatay malisya ko.

Bat ba kasi Hindi ko maiwasan na mapa titig sa kanya.

"Aruy Nag papatay malisya pa siya" pang aasar niya tinusok tusok pa ako sa tagilan agad akong Napa iwas.

Ubos na pala nya yung ice cream ko. takaw talaga ng lalaking to.

"Tama na may kiliti ako diyan hahaha"

"May kilita kapala sa tagiliran ah haha" tumigil siya, hayss salamat tumigil rin siya Pero akala ko lang yon dahil muli ay hinuli nya ako at kinili sa tagiliran.

Humalakhak siya, "tama ion ano ba! Nakikiliti ako hahaha" tumayo ako at mabilis na tumakbo palayo sakanya.
Hinabol niya ako, Shit ang bilis nyang tumakbo. Binilisan ko pa, Nag iikutan lang kaming dalawa.

"Pagod na ako ayoko na" pag suko nya, umupo siya sa isang sulok at pinay payan ang sarili.

Tumalikod nako at uupo narin sana ng hulihin nya ako patalikod.

Napasigaw ako "AHHH!"

Hindi nya ako kinikiliti, Duon kolang na realize kung ano ang posisyon namin.

Nakayakap siya sakin patalikod at ang ulo nya ay naka sandal sa balikat ko.

Sunod sunod ang pag lunok, Naramdaman ko na naman ang pag iinit ng mukha ko.







Shit I'm blushing again.

Most Painfull battleWhere stories live. Discover now