Prologue

3.7K 71 3
                                    

Away sa umaga...

"'Wag ka ngang malikot, naiistorbo mo ako!" Mahinang sigaw ko sa katabi ko.

"Anong malikot? Anong malikot? Eh kanina ka pa tulak nang tulak sa akin eh!" Mahinang sigaw niya rin pabalik.

"Dahil masyado kang malapit at ang baho ng pabango mo!" This time malakas na.

"Ms.Flores and Mr.Stewart! Get out!" Malakas na sigaw ng professor namin.

"Ikaw kasi ang ingay-ingay mo." Inis na bulong ko sa kanya.

"Anong ako? Ikaw nga itong ang lakas kung makasigaw!" Inis ding bulong niya pabalik.

"Ms.Flores and Mr.Stewart! I said, get out!" Nanggagalaiting sigaw uli ng professor namin.

Wala kaming nagawang dalawa kung hindi ang lumabas na lang. Hanggang makalabas ng classroom ay nagbabangayan pa rin kami.



Away sa Tanghali...

"Bakit ganyan ang ulam? Sinabi nang hindi ako kumakain niyan eh!" Reklamo niya sa akin.

"Huh! Ibang klase!" Nakapamaywang akong sinamaan siya ng tingin." Anong masama sa ulam na 'yan? At kung ayaw mo, gumawa ka ng sarili mong ulam!" Galit kong sigaw sa mukha niya.

"Aba't, wala ka talagang kwentang asawa!" Sigaw niya rin sa akin.

"At ikaw meron? Meron?" Pinanlakihan ko siya ng mata sa sobrang inis.

"Bwiset ka talagang babae ka! Makalayas na nga!" Sigaw na naman niya at nagdadabog na lumbas saka malakas na isinara ang pinto ng Kusina.

"Woah! Mabuti pa nga! 'Wag na 'wag kang magpapakita pa kahit kailan! Mamatay ka na sana!" Sigaw ko kahit alam kong hindi na niya iyon maririnig.





Away sa gabi...

"Ano ba! Doon ka sa sofa matulog!" Sigaw ko sa kaniya habang sinisipa siya paalis ng kama.

"Anong? Ikaw babae namumuro ka na sa akin ah! Ikaw naman ang matulog doon! Kahapon doon din ako natulog!" Inis niyang sabi.

"Doon ka naman nababagay. Magkamukha kase kayo ng sofang iyon."

"Huh! Sa gwapo kong ito? Magiging kamukha ko ang sofa? Hoy babae! Ang mukhang ito pinagkakaguluhan ng halos lahat ng babae kahit saan man ako magpunta." Pagmamayabang niya.

"Tologo? Saan ang gwapo hindi ko makita eh. Patingin?" Hinawakan ko ang mukha niya at nagkunwaring sinisipat iyon. "Wala naman ah. Mukhang bakulaw lang ang nakikita ko. Ang pangit mo."

Nanggagalaiti at halos mag-apoy ang kanyang mga mata sa sobrang inis. Ang pinaka ayaw niya sa lahat ay iyong tinatawag siyang pangit. Ganoon siya kaassuming.

Ganyan na ang set-up namin araw-araw. Wala na kaming ginawa kung hindi ang magbangayan, mag-asaran at magsigawan. We never treat each other as husband and wife. Pareho rin kaming biktima ng fix/arrange marriage kaya mas lalo naming kinamuhian ang isa't isa.

Being Married With My Mortal Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon