Chapter 1

2.3K 51 7
                                    



KEY ANNE FLORES' POV

"Umayos ka na sa papasukan mong paaralan ngayon Key Anne, pang sampung school mo na ito at wala na talagang tatanggap pa sa 'yo kapag nakick-out ka pa ulit." Pangaral sa akin ni mommy.

Nagbabyahe kami ngayon patungo sa bagong eskwelahang papasukan ko raw.

Ngumiti ako nang pagkatamis tamis para itago ang hindi pagsang-ayon na nararamdaman ko. 'Di na siya nasanay, alam naman niyang dakilang pasaway ako pero susubukan kong magbago kung kaya ko.

"Opo mommy. Hindi ako nangangako pero pagsisikapan ko hong huwag makick-out sa bago kong paaralan."

Talaga lang ha? Baka mamaya kick-out ka na naman at ipapatapon ka na talaga ng parents mo sa US.

"Good. Gusto ko lang naman na magtino ka Key Anne, lahat na lang ng card mo ay puro mga pasang-awa." Malungkot na sabi ni mommy.

Hindi ko maiwasang maguilty pero hindi ko iyon ipinahalata. Sa halip ay ngumiti ako nang malapad at hinaplos ang mukha niya. "Mommy, 'wag kang mag-aalala. Hindi na magiging pasang-awa ang magiging grades ko. Promise magtitino na po ako."

Ngumiti siya sa akin at niyakap ako nang mahigpit. "Promise mo 'yan baby?" Masayang paninigurado niya.

Nawala ang sayang nararamdaman ko nang tawagin niya akong baby. "Mommy? How many times do I have to tell you stop calling me baby? Hindi na po ako bata." Nakasimangot kong sabi at bahagyang lumayo.

"Mag-promise ka munang magtitino ka."

"Hindi ako nangangako mommy pero susubukan ko."

This time, siya naman ang sumimangot. "Hindi tayo bati." Nakasimangot niyang sabay talikod sa akin.

Masuyo ko siyang niyakap nang mahigpit mula sa likuran. My mother is really a childish. "Sorry na mommy, Sige na pangako magtitino na ako sa bago kong eskwelahan."

Malapad ang ngiting bumaling siya sa akin at kinurot nang malakas ang magkabilang pisngi ko na ikinanguso ko.

"Aasahan ko 'yan my baby Kay Anne." Bumungisngis pa siya nang sabihin iyon. Psh.

"Promise mommy, pag-iigihan ko na po ang pag-aaral ko ngayon."

Nakita ko sa peripheral vission ko ang ang pag-iling-iling ng driver naming si kuya Nelson. Isa siya sa mga saksi sa mga kalokohang pinaggagawa ko sa mga paaralang pinasukan ko.

"Yiieee talaga baby Key Anne?"

Gusto ko sanang sabihing, mommy scratch that baby Key Anne. Mas lalo mo namang pinalala ang pagbi-baby mo sa akin eh. Pero pinili ko na lang na ngumiti nang malapad at tumango dahil ayaw kong mawala ang magagandang ngiti sa mga labi ng aking ina.

Makalipas ang halos kalahating oras ng biyahe sa wakas ay huminto na rin kami sa harap ng isang mataas na bakod. Sinilip ko iyon mula sa bintana ng sasakyan para mas makita pa lalo. May nakasulat sa taas niyon na 'Welcome to Maharlika International High School.

Lumabas ako ng kotse. Bumagsak ang mga balikat ko nang mapagtanto kung gaano kataas ang bakod na iyon ng paaralan. Nakakapanlumo. Hindi na ako makakalabas ng school kapag gusto kong mamasyal sa oras ng klase.

Bumuga ako ng hangin at nakangiting humarap kay mommy. Ang galing mo mommy, sinigurado mo talagang hindi na ako magiging akyat bakod sa bago kong paaralan.

Being Married With My Mortal Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon