BRYAN OLIVER's POV
Nakangiti kong pinagmasdan ang mga iginain ko sa lamesa. Tapos ko nang ihanda lahat ng pagkain sa lamesa at hinihintay ko na lang ang pagdating nila.
"Siguradong magugustuhan ito ng mommy ni Key Anne." Nakangiting sabi ko. Hmm, smells good.
Habang hinihintay ko silang dalawa ay naupo na muna ako sa island table at naglalaro ng games sa cellphone ko pampalipas oras.
Sa tuwing nage-game over ako ay tinitignan ko ang oras tapos ay muling maglalaro.
Minuto rin ang lumipas ay hindi pa rin sila dumating. Medyo nababahala na ako pero nanatili akong kalmado. Baka may ginawa pa sila o pinuntahan sandali.
Muli akong naglaro hanggang sa lumipas ang mahigit dalawampung minuto ay wala pa rin sila. Napatingin ako sa mga ihinanda ko. Lumalamig na ang mga iyon.
Sabi niya sandali lang siya pero bakit hanggang ngayon wala pa rin sila?
Naghintay ulit ako ng sampu pang minuto at nang hindi makatiis ay iniligpit ko lahat ng mga ihinanda ko pagkatapos ay dali-dali akong nagtungong kuwarto namin. Kinuha ko ang susi ng kotse ko saka nagsuot ng jacket. Nagmamadaling lumabas ako ng bahay.
Nang makarating sa garage ay mabilis akong sumakay saka dali-daling nagmaneho palabas ng gate tapos ay pinaharurot ang sasakyan palabas ng village.
Iniliko ko ang sasakyan ko pakanan at kumunot ang noo ko nang matanaw ang kotseng nakaparada sa gilid ng kalsada habang nakabukas ang dalawang pinto nito sa unahan. Hindi ko na sana iyon papansinin kaso pamilyar sa akin ang sasakyan kaya mas inalapit ko pa ang kotse ko.
Natigilan ako nang makilala ang sasakyan. Dali-dali akong lumabas ng kotse at kinakabahang nilapitan ko ang sasakyang nakaparada sa gilid ng kalsada.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapagtantong sa kaniya itong sasakyan. Sira ang bintana sa likod, may pahabang box na nakabukas na nasa upuan. Nasa dash board ang cellphone niya. Kinuha ko iyon. I check it at gumagana pa naman. May nakita akong purse bag at sinuri. May nakita akong cellphone. Binuksan ko iyon at nasisiguro kong sa mommy niya 'to. Damn! Anong nangyari?
Malakas ang tibok ng pusong dinial ko ang number ng daddy ni Key Anne. Agad naman niyang sinagot ang tawag.
"Hijo?"
"T-tito, I think, something's bad happened to your wife and to your daughter." Nanginginig ang boses na sabi ko.
"W-what? What happened?" Bakas ang pag-aalala sa boses nito.
"I-I don't know tito. I just saw my wife's car 2 kilometers away from our village and no one is here!" Nasapo ko ang mukha dahil sa matinding kabang lumukob sa buong pagkatao ko. Paano kung may masamang nangyari sa kanila? Anong gagawin ko ngayon?
"Hintayin mo ako riyan. I'll call the pollice to report this problem. 'Wag kang aalis diyan okay? I'll be there in few minutes."
"Y-yes tito." I answered then ended the call.
Lumayo ako sa sasakyan. Ipinalibot ang tingin sa buong lugar. Tahimik dito at wala masyadong dumadaang sasakyan marahil ay maghahating gabi na. Nasapo ko ang ulo, hindi alam kung anong gagawin at saan magsisismula. Ang kabog ng dibdib ko ay mas lalo pang lumalakas habang lumilipas ang bawat segundo.
Hindi ko yata kayang tumayo lang dito nang walang ginagawa. Dali-dali akong pumasok ng sasakyan ko at agad na binuhay ang makina niyon. Hindi pwedeng tutunganga lang ako rito. I need to find them. Baka nariyan lang sila sa tabi-tabi.
Nanginginig ang kamay na dahan-dahan kong minaneho ang sasakyan ko palayo sa lugar. Naghahanap ng taong hindi ko alam kung saang lupalop hahagilapin.
Itinigil ko ang pagmamaneho nang makarating ako sa lugar na wala nang bahay at puro mga puno na lang ang nakikita ko. Iniliko ko pabalik ang sasakyan ko nang nanlulumo at hindi alam kung ano ang gagawin.
Nanghihinang itinigil ko ang sasakyan sa gilid ng kalasada at bagsak ang mga balikat na isinandal ang likod sa likuran ng upuan. Mababaliw yata ako sa halu-halong nararamdaman ko ngayon.
Inis akong muling nagmaneho hanggang sa makarating ako sa lugar kung saan ko nakita ang sasakyan nila. Naroon na ang mga pulis. Itinigil ko ang sasakyan malapit sa kanila at nilapitan si tito na nakikipag-usap sa isang pulis.
"Tito." Agad na nabaling ang tingin niya sa akin.
"Mabuti naman at narito ka na. Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nanggaling?" Nag-aalalang tanong niya.
"H-hinanap sila."
"Nahanap mo ba sila?" May bahid ng kabang tanong niya.
"H-hindi."
Nanghihinang napaupo ako sa kalsada. Nalilito sa nangyayari, sobrang kinakabahan at kinakain ng takot ang buong sistema ko. Paano kung may mga masasamang loob ang kumuha sa kanila? Hindi ko yata mapapatawad ang sarili ko kapag mapahamak sila. Kasalanan ko 'to eh. Ako na lang sana ang sumundo sa mommy niya, hindi sana magkakaganito ang lahat.
Yumuko si tito at tinapik ang likod ko. "Mahahanap din natin sila." Pagpapalakas niya ng loob ko.
"Paano ho? Wala tayong bakas nila na pwede natin silang matunton. Lahat ng gamit nila ay nasa sasakyan niya. Paano ho natin sila hahanapin ngayon?" Nanlulumong tanong ko.
Ngumiti siya sa akin. Halatang pilit. "I'll use my connections to find them. Now get up. Be strong and believe that we will find them soon."
Napipilitang tumayo na lang ako kahit parang sasabog na ang puso ko dahil sa tindi ng kabang nararamdaman ko.
"Hijo? Pwede ka ba naming makuhanan ng statement?" Tanong ng pulis na lumapit sa amin. Tumango ako at sinabi ang tanging alam ko tungkol sa nangyari. "Salamat hijo. Maiwan ko muna kayo. We'll find ways to find them." Seryosong sabi ng pulis. Tumango ito kay tito at sa akin bago lumayo.
"Mahahanap din natin sila." Ulit niya sa sinabi. Muling tinapik ni tito ang balikat ko.
"Sana nga ho tito. Sana nga." Because I don't know what to do if we can't find them immediately.
BINABASA MO ANG
Being Married With My Mortal Enemy
RomanceWherever they are, They always fight. They always Argue. They are always insulting and teasing each other. In other word, they are like Tom and Jerry