THIRD PERSON's POV
"Hah! Ang sakit na ng panga ko!" Reklamo ni Miko nang makapagpalobo ng mahigit sampung lobo.
"Ako rin. Gago naman kasi 'yang si Niko. May nalalaman pang padala-dala ng balloons tapos wala naman palang dalang pampalobo!" Inis na reklamo ni Vincent at muling nagpalobo. Mag-aalas syete na pero kaunti pa lamang ang natapos nilang palobohin.
"This is a waste of time. Damn that Niko! Dapat ay 'yong napalobo na ang binili niya!" Naiinis ding Reklamo ni Garry saka kumuha ng pulang balloon at muli iyong pinalobo gamit ang bibig.
"Ang lakas mo makareklamo eh lima pa lang ang natatapos mo!" Singhal sa kaniya ni Harold na mahigit dalawampu na ang napalobo.
"Ilan na ba ang napalobo niyo?" Pakikiusisa ni Niko nang mapadaan ito sa tatlo. Binalingan siya ng mga ito ng masasamang tingin na ikinatikom ng bibig niya.
"Gago ka! Lumayas ka rito! Mas lalong nag-iinit ang ulo namin sa 'yo!" Inis na sigaw sa kaniya ni Vincent.
Takot na lumayo si Niko sa tatlo saka ipinagpatuloy ang paglalakad patungo sa table kung saan sila ni Tristan ang magde-decorate.
"Hoy! Ayusin mo naman ang pagkakalagay niyan! Ang pangit pangit!" Sigaw Welder kay Rico na naglalagay ng candle. Gumagawa sila ng daan gamit ang candle mula entrance ng gate patungong table kung saan kakain ang mag-asawa.
"Kung maka-hoy ka! Tignan mo nga 'yang natapos mo oh. Pangit din!" Sigaw sa kanya pabalik ni Rico.
"Mga gago! Bakit parang dinaanan ng bagyo ang ginagawa niyong daan?" Sigaw ni Denver sa kanila na tapos na sa paggupit ng letrang papel na nagsasabing 'I'm Sorry'.
Inayos niya ang mga candle na tapos nang ilagay ng dalawa. "Dapat ang paglalagay pantay-pantay ang layo sa bawat isa hindi itong may isang metro ang layo, may isang pulgada, may sampung pulgada tapos hindi pa maayos!" Inis na pangaral niya sa dalawa.
"Eh anong magagagwa namin? Ngayon lang namin ito ginawa!" Naiinis na sabi ni Rico kay Denver na sinang-ayunan naman ni Welder.
"Pare-pareho lamang tayo mga tukmol! Gawin niyo, sampung pulgada ang pagitan sa bawat isa. Ayusin niyo rin ang pagkakakalagay mga bwiset!"
Mabilis namang tumalima ang dalawa at inayos ang paglalagay ng candle sa ikasiyam na pagkakataon. Kalag matapos ang paglalagay ng candle ay isususnod pa nila ang rose petals na sa daan mismo ilalagay.
"Masarap ba?" Tanong ni Bryan kina Adrian, Steven at Xian. Mga taga-tikim ng luto niya. Hindi lang basta basta tikim kundi halos maubos na nila ang dapat ay tinitikman lang.
"Dagdagan mo pa ng kaunting asin." Suhestyon ni Steven habang ngumunguya.
"Mas maganda rito Bryan dapat medyo maanghang din." Komento naman ni Adrian. Tumango naman si Bryan.
"Tapos lagyan mo ng kaunting asukal. Masarap kasi kapag naghalo ang alat at tamis sa ganitong klase ng ulam." Suhestyon naman ni Xian at muling sumubo.
Napabuntong hininga si Bryan. Isang dish pa lang ang nagawa niya dahil kailangan pang tikman ng tatlong hurado ang bawat lulutuin niya para masiguradong masarap 'yon at para magustuhan ng babaeng mahal niya.
"KANINA pa nakatulala." Komento ni Garreth kay Key Anne na kanina pa nakatulala sa mga batang masayang naglalaro sa harap nila.
Nagising ang diwa niya kaya nilingon niya si Garreth na katabi niyang nakaupo sa mahabang upuan. "May iniisip lang." Sabi niya sa kaibigan saka muling ibinalik ang tingin sa mga bata.
BINABASA MO ANG
Being Married With My Mortal Enemy
RomanceWherever they are, They always fight. They always Argue. They are always insulting and teasing each other. In other word, they are like Tom and Jerry