Habang nagmamaneho ay kinapa ko ang cellphone kong nakalagay sa passenger seat. I need to call my best friends. Sa kanilang lahat si Nika ang tinawagan ko dahil ito lang ang matinong kausapa sa telepono."Sa wakas naisipan mo ring tumawag." Puno ng panunuyang bungad niya sa akin. Yeah, ganyan siya katinong kausap.
"Kailangan ko kayo." Puno ng lungkot ang boses na sabi ko.
"Why? What happened?" Bakas ang pag-aalala sa boses niya.
Nagbuntong hininga ako para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mata ko nang pumasok sa isipan ko ang nasaksihan kanina.
"I will tell you later. Tintahak ko ngayon ang daan patungong Diamond Bar. Hihintayin ko kayo roon."
Mabilis kong pinatay ang tawag nang pumiyok ang boses ko. Ihininto ko muna sa gilid ng kalsada ang sasakyan ko para iiyak lahat ng sakit na nararamdan ko. Shit! If this what they called love, then I hate this feeling.
"Aahhhh!" Sigaw ko habang ang mga luha'y nag-uunahan sa pag-agos. Bakit ba ako nasasaktan! Am I really in love with that bastard?
Inis kong muling pinaandar ang makina ng sasakyan at muling nag-drive papuntang bar. Pagdating kong Diamond Bar ay mabilis na ihininto ko ang sasakyan. Nang makalabas ng sasakyan ay ngayon ko lang napansin na madilim na pala ang paligid.
Pinakatitigan ko muna ang bar saka nagbuntong hininga at pumasok na rin sa loob. Wala pa masyadong costumer nang makapasok ako marahil ay maaga pa.
Umupo ako sa mesang malapit sa dance floor at senenyasang lumapit ang waiter na malapit lamang sa pwesto ko. Magalang itong bumati sa akin na binati ko rin pabalik at sinabi ang mga alak na gusto kong orderin.
Habang naghihintay ay napatalon ako sa gulat nang nay biglang pumalo ng kung anong bagay sa ulo ko. Nilingon ko ang nasa likuran ko kung nasaan ang mga kaibigan ko. Lahat sila ay tumatawa kasabay niyon ang paghila sa akin ni Garreth saka ako niyakap nang mahigpit. Nakiyakap din ang iba pa at ang resulta, binigyan lang naman kami ng mapanghusgang tingin ng ilang mga customer sa bar nang bumagsak kaming lahat sa sahig. Mga walang hiya talaga!
"Namiss ka namin bestfriend!" Hiyaw ni Win.
"Tsk. Namiss ko rin kayo pero please, umalis na kayo sa ibabaw ko dahil mauubusan ako ng hininga sa sobrang bigat niyo!" Isinigaw ko ang sinabi at napaubo.
Mabilis silang umalis sa pagkakadagan sa akin at naupo sa upuang katabi ng inakupa ko nang hindi man lang ako tinutulungang makatayo. Great! Hirap akong tumayo at pinagpagan ang damit kong nagusot dahil sa mga kabaliwan nila.
"Mukhang maglalasing yata 'tong kaibigan namin ah." Komento ni Elaine habang nakatingin sa mga bote ng alak na inilalapag ng waiter.
"Anong nangyari at ang dami mong inorder?" Tanong ni Win habang pinapasadahan ng tingin isa-isa ang mga alak na nasa lamesa.
"Maya ko na ikuwento sa inyo. For now, samahan niyo muna ako uminom." Seryosong sabi ko at naunang kumuha ng alak at tinungga iyon sa bote mismo sabay upo.
Tahimik kaming lahat na nagsimulang mag-inuman. Tanging ingay sa paligid ang nariririg. Walang nagsasalita at bawat isa ay itinutuon ang atensyon sa iniinom hanggang sa basagin na ni Nika ang katahimikan.
"So... what happened?" She asked.
Uminom muna ako bago nagsalita. "Nasa bahay ako ng parents ko kanina. Kumakain ng cupcakes kasama si yaya Cora tapos na--"
"Naaksidente si yaya Cora?" Pagpapatuloy ni Win sa sasabihin ko pa lamang sana.
"Hindi tapos naisipan kong dalhan ng kinakaing cupcakes si kapre da--"
BINABASA MO ANG
Being Married With My Mortal Enemy
RomanceWherever they are, They always fight. They always Argue. They are always insulting and teasing each other. In other word, they are like Tom and Jerry