Chapter 14

787 30 2
                                    


Sabado ngayon at syempre ay wala kaming pasok. At ngayon naman ang araw na sisimulan ang paghahanda para sa kasal. Tsk. Kasal kuno. Ang lahat ay excited pero kami ni kapre ay parang pinagsakluban ng langit at lupa.

Narito kami ni kapre sa bahay kasama ang organizer ng kasal namin. Narito rin ang mga kaibigan ko at ang pinsan niyang si Adrian kasama ang ibang mga involve sa kasal.

"Mas maganda kung ito ang venue ng kasal." Suggestion ni Garreth sa kina Nika, Elaine at Win. Yeah sila ang namimili ng venue. Akala mo namang sila ang ikakasal. Kanina pa 'yan sila ganiyan. Ang designer namin ay si mommy rin. Sinusukatan niya ngayon si Kapre na may pilit na ngiti sa labi. Ang taga lista naman ay ang kanyang secretary na si Migraine. Ang iba niyang employee ay kasama niya sa pagsusukat sa iba pang mga bridesmaid at groomsmen. Ang mga kaibigan ko? Mga bisita lang daw sila para masaksihan nilang mabuti ang kasal. Hindi na ako nagpasukat dahil alam naman ni mommy ang sukat ng katawan ko.

"Paano kung black ang tema ng kasal? Tutal umaga naman iyon gaganapin." Narinig kong suggestion ni Win kaya nakatanggap siya ng magkakasunod na batok sa tatlo.

"Baliw! Ginawa mo namang patay iyong ikakasal eh!" Inis na sabi ni Elaine sa kaniya.

Nakapangalumbaba lang akong nakatingin sa kanilang lahat habang sumisimsim ng kape. Tinignan ko ang wristwatch ko. Malapit ng mag alas nwebe.

"What if beach wedding?" Elaine.

"Mas maganda kung sa church na lang din." Nika.

"Sa hotel na lang kaya?" Garreth.

I sighed. Sa totoo lang nanonood lang ako at halos silang apat na ang halos nagplano ng lahat. Great!

"Hi." Nilingon ko ang nasa tabi ko. If I'm not mistaken, he's Denver. One of the groomsmen. Mukhang tapos na siyang sukatan. "Mukhang bored ka yata?" Nakangiting tanong niya.

"Medyo lang." Tamad na sabi ko.

"Are you excited for your up coming wedding?" He asked.

Muli kong ibinalik ang tingin sa iba at muling simimsim ng kape."I'm not. Sino ba ang magiging excited ikasal sa taong hindi mo naman mahal?" Mahinang sabi ko para hindi marinig ng iba.

"I see. Look at him." Inginuso niya si kapre. Sobrang sama ng mukha nito habang nakatignin sa amin ni Denver. Kinunutan ko siya ng noo. Anong problema niya? "Konti na lang ay papatayin na ako sa masamang mga titig niya sa akin." Mahina siyang napabungisngis.

"Wala akong pake sa kapre na iyan. At isa pa, palagi ng ganiyan ang mukha niyan. You want juice?" Nakangiting alok ko sa kaniya. Nakangiti naman syang tumango. Pinagsalin ko siya ng juice sa baso at ibinigay iyon sa kaniya.

"You know what Key Anne, until now, I can't believe na ganito kayo kayaman. You're so simple and humble." Complement nya.

"Hindi kami mayaman." Mabilis na tanggi ko.

Mahina syang natawa. Ang bilis kong nakagaanan siya ng loob. Maayos kasi siyang kausap. Hindi kagaya ni kapre na kung hindi nakasimangot ay ngingisi ng nakakaloko.

He offered his hand. "Umm, puwede makipagkaibigan?"

"Sure." Tinanggap ko ang kamay niya ng may ngiti sa mga labi.

Naputol ang ngitian namin nang biglang sumingit si kapre at pinaghiwalay ang mga kamay namin tapos ay naupo sa pagitan namin ni Denver.

Agad na sumama ang mukha ko. "Umalis ka nga riyan! Kitang nag-uusap ang tao nakikisingit ka!" Inis kong sabi sa kaniya.

Malamig niya akong tinignan kaya natahimik ako. "Uupo ako kung saan ko gusto at wala akong pakialam kung sa inyo 'tong bahay." Malamig niyang sabi saka kinuha ang magazine na nasa table. Ipinatong ang mga paa sa lamesa at nagbasa na parang siya lamang ang tao sa buong salas. Inirapan ko siya at lumayo ng kaunti sa kaniya.

Being Married With My Mortal Enemy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon