-Yena-
Nagpaalam ako kay miss na maghalf day at pinayagan naman ako. Naglakad ako papunta sa dorm ni Hyunjin. Pagkadating ko doon ay agad kong hinanap ang kanyang kwarto. Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakahiga at natutulog. Pinagmasdan ko lang siya. Anghel na anghel ang itsura. Mas lalo ata akong nahuhulog sa kanya.
Nagulat ako nang makita ko siyang dumilat. "Y-yena?? Aray!" "Okay ka lang??" agad ko siyang nilapitan at hinipo ang kanyang noo at leeg. "Hyunjin ang init mo." sabi ko pero mahinahon lang. "Mahiga ka ma muna kukuha lang ako ng makakain at gamot mo." payo ko na agad niyang sinunod pero tinulungan ko siyang mahiga.
Lumabas ako at pumunta sa kusina ng dorm nila. Nakahanap naman ako ng ramen na agad kong niluto. Kumuha na din ako ng tubig at gamot. Pagkatapos kong magluto ay nilagay ko ito sa tray.
Pumasok uli ako sa loob at nakita ko siyang natutulog. Inilapag ko yung niluto kong pagkain sa table malapit sa higaan niya. "Hyunjin nandito na pagkain mo." gising ko sa kanya. Agad naman siyang gumising at tinulungan ko siyang maupo. Habang nakain siya ay nagsalita siya. "Yena thank you pala ha. Di mo alam kung gaano kaayos pakiramdam ko nung pumunta ka." "Ahh wala yon tsaka tinulungan mo ako nung nakaraang araw edi ako naman babawi lang." sagot ko naman sa kanya ng may ngiti.
Pagkatapos niyang uminom ng gamot ay humiga na siya para matulog muli. "Lalabas lang ako saglit--" di ko natapos yung sinasabi ko nang agad niya akong hinatak pabalik. "Dito ka muna." sinunod ko na lang siya at umupo sa tabi niya. Umupo naman siya para makapantay ako.
"Thank you talaga!" sabi niya at niyakap ako na ikinagulat ko naman. Shet ano ba yan Yena ang bilis ng tibok ng puso mo. Niyakap ko siya pabalik. "W-wala iyon." Bumalik siya sa pagkakaupo at ipinatong ang ulo niya sa balikat ko. At tsaka nakatulog.
-------
🌸:Korni update y'all
BINABASA MO ANG
PERFUME|H.H.J.
Fanfiction"Bat ganun ang bango ng perfume mo??" In which Hwang Hyunjin fell for Park Yena's scent(perfume) ©opyright 2019 Start: 04/05/19 End: 04/13/19