Chapter 5: My Home, My Love and My Happiness.

114 8 5
                                    


Chapter 5: My Home, My Love and My Happiness.

THEODORE'S POV

Matapos ang biyahe pauwi galing jeep eh naka abot na din ako sa bahay ng 4:30 pm at maaga na yun for me usually kasi nakakarating ako ng bahay ng mga 5:00 pm dahil sa mga group projects, research/thesis and other school related task pero buti na lang nakauwi na din ako ng ganitong oras just tk spend time with my family. Agad ko ng inabot ang bukasan ng gate at ito'y binuksan at pumasok papunta sa pintuan namin. Agad na rin akong pumasok at nakitang si lola amelia ay minamasahe ni yaya ada sa kanyang balikat. Ng makita ako ay agad akong binati ng dalawa.

"Oh apo ang aga mo naman na umuwi" sambit ni lola sa akin at agad akong nag mano sa kanya.

"Musta na theo? Musta ang school?" Sambit sa akin ni yaya ada at nag mano na rin ako sa kanya.

"Weell masaya naman yung school thou hahahaha wala namang nangyari na kakaiba it was normal. Ganun pa din aral aral aral lang Ahahahha." Sambit ko sa kanilang dalawa pero alam ko sa sarili ko na pawang kasinungalingan lang yun. Hindi ko pwede sabihan at di rin nila pwede malaman yung nangyari sa akin sa school kanina. Ayoko na bigyan ng problema ang pamilya ko, lalo na at mai problema pa kami sa pinansyal at sa gastusin sa bahay. Super na iistress na din ang mama ko kaya ayoko ng dumagdag pa.

"Mabuti naman kung ganon apo mamaya na kami mag luluto ng yaya ada mo ng paborito mong adobo theo." Sambit sa akin ni lola amelia habang minamasahe siya sa ulo ni yaya ada.

"Theo mai cake, pizza and coke kaming tira ng lola mo sa refrigerator kuha ka na lang dun para sa merienda mo and mag pahinga ka muna tatawagin na lang kita pag dinner na at nanjan na mama mo." Sambit sa akin ni yaya ada. Ikinatuwa ko lalo na pinag tirahan ako ng pagkain nila kasi usually eh nauubusan ako ng pagkain at walang natitira kasi malalakas kumain si yaya ada at lola eh. Thankful na natirahan pa nila ako.

"Sige and thank you yaya ada" agad na akong pumunta sa kusina patungong ref. At kumuha ng isang slice ng Hawaiian Pizza (my favorite😍😍😍), isang slice ng chocolate cake galing red ribbon and isang bottle ng coke mismo. Agad na din akong dumiretso ng kwarto para mag pahinga muna and mag relax relax sa kwarto.

Ng makararing na ako sa kwarto eh agad ko ng nilapag sa study table ko yung mga dala kong pagkain and humiga muna sa kama. Finally my sweet sweet paradise, I'm finally at peace. No bullies and problems to face with. Agad akong naputol sa thoughts ko ng biglang mag notif ang phone sa bag ko. Agad ko itong kinuha at tinignan kung anu man ang notif na yun and her it is ang bebe loves ko online and nag message sa akin ngayon sheeet!

MisterhandsomeX: Hi mahal musta ka naman?

Agad kong nireplyan ang chat nito sa akin.

Cutiebunny: hi din mahaaaal. Okay lang naman ako pero my day wasn't good thou.

Ewan ko ba kung magandang bang ikwento ko sa kanya yung nangyari kanina sa school jusme.
Agad ko namang nakita ang typing Icon. Sa convo namin.

MisterhandsomeX: hala bakit anung nangyari?!

MisterhandsomeX: nag kasakit ka ba? Na aksidente ka ba? Nanakawan ka ba? Kinakabahan ako sayo mahal anu ba nangyari?!!

Reply nito sa akin ng mahal ko. Ang sweet niya pramise sheeeeet. Kinikilig ako huta di ko mapigilan. Agad ko namang nireplyan ang nag aalalang reply ng mahal ko.

Cutiebunny: naaah wala namang ganyan pero ayun hahahaha binully ako sa school kanina.

MisterhandsomeX: ha?! Grabe bat ka naman nila binully anu ba ginawa sayo?!!

Chitter-chatter Love (BXB, BoyxBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon