CHAPTER 2 "I hate this feeling"

158 18 2
                                    

Naglakad na ako palayo sakanya. Bwisit na lalaking 'to. Hinahabol pa 'ko. Ganun na ba ako kaganda para habulin ng isang Devin Sanchez? Ay letche, nahawa ako sa kayabangan niya.

"Uy. Wait up! Ang bilis mo naman tumakbo, may lahi ka bang kabayo?! Oy! Wait!!"

Huminto ako pero di ako humarap sakanya.

Kinalabit niya 'ko.

"Hey."

"Bakit mo ba ako hinahabol ha?" tanong 'ko pero nakatalikod pa din sakanya

"May itatanong lang ako." malumanay niyang aniya

"Itanong mo na. Pagkatapos na 'to, wag ka ng lumapit sa aking letche ka."

"Hell NO."

"At bakit?" napaharap ako sakanya, tinaasan 'ko siya ng kilay

Napakamot naman siya ng batok niya.

"Wala lang." nakangiting sabi niya

"Eh wala naman pala e! Abala!" Ewan 'ko ba't pinagsasayangan 'ko ng oras 'to. Sadyang nakukulitan siguro ako.

"Ito na, uhm. Seryoso lang ha. Malabo ba mata mo? Unang beses pa lang ito. May babaeng di nagkagusto sakin. Babaeng sinungitan ako. Ikaw at ikaw lang. Ang babaeng hi----" pinutol ko ang sasabihin niya pa, binging bingi na ako sa kayabangan niya. Kayo din ba? Kairita.

"KAILANGAN BANG LAHAT NG BABAE MAY GUSTO SAYO?! ITIGIL MO NGA YANG KAYABANGAN MO."

"PERO NAGSASABI AKO NG TOTOO!" balik niyang sigaw sa akin, at lumapit ng kaunti

"WALA AKONG PAKE!!" sabi 'ko at lumapit din sakanya parang damang dama niya

Dumami ang taong nakapaligid sa amin. Pinag uusapan at kung ano anong iniisip at sinasabing mga walang kwentang bagay.

"Sa tingin 'ko girl. Inaaway niya lang kunwari si Baby Devin KO. She's so malandi. Para kunwari iba siya sa girls. LIKE DUH? WHORE." may babaeng nakaagaw ng pansin ko

Sino siya at pinagsabihan ako ng malandi? WHORE?! Wtf. Lumingon ako sakanya at tinitigan ko ng masama. Tila kinabahan siya.

"Alis na tayo girl. M-may naiwan ako sa room. OMG"

Hinablot 'ko agad ang blouse niya.

Tao ba 'to? Napaka-kapal ng lipstick at make up. Sobrang ikli pa ng skirt niya. Tinaasan ko siya ng kilay. Akala mo kung sinong maganda?! Mukha siyang clown.

"Anong sabi mo kanina?" malambing kong sabi

"Wow! Ang cute mo pala pag mabait, pero maganda ka magalit." singit ni Devin

Nagbulungan naman ang mga tao sa sinabi niya. Namula ang pisngi ko. Ay bwisit kang DEVIL ka.

"Ang sweet naman. May gusto ata si Devin kay Angel"

"Oo nga e. Ang ganda kaya ni Ate Angel. Masungit nga lang."

"Warfreak kaya yan."

"Nagbblush si Crush. Hindi maaring may gusto siya sa lalaking yan."

Bulungan nila. Negative and Positive. Nagkasalubong ang kilay 'ko at napabuntong hininga. So many judgemental people nowadays. They know my name, but not my story. Inikot 'ko ang tingin 'ko sa mga taong nakiki-chismis sa amin. Look, kalalabas 'ko pa lang. May away na, sinimulan nila tatapusin 'ko. Ignore them? Maybe, maaari 'kong gawin pero titigil at matatauhan ba sila kung hindi 'ko patitinuin? PIKON ako, i admit.

"MANAHIMIK KAYO!!" sigaw 'ko. Natahimik silang lahat. Nakangiti naman si Devin sa akin pero agad kong iniwas ang tingin.

Hangin, kaluskos lang ang nanaig dahil sa gulat nila. Takot sila sa aking lahat. Alam nila ang ugali ko. Wala akong kaibigan at wala pang nagtahak na makipag kaibigan sa akin.

At maslalo nang wala nagtangkang awayin o hamunin ako.

"He-he-he. Pwede mo na ba akong b-binatawan? Please Angel. Di na mauulit." naiiyak niyang pagmamakaawa

Ayoko sa umiiyak..

Tinitigan ko siya at nakita ko ang repleksyon ni nanay sakanya na umiiyak. Marahan ko siyang binitawan at tumakbo paalis.

Nainis ako sakanila pero mas nainis ako sa sarili 'ko. Alam 'kong may pagka-maldita ako, pero sa ganong sitwasyon. Naaawa ako, may awa pa ako. Madaling manlambot ang puso 'ko. Hindi ko maintindihan sarili 'ko.

I don't believe in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon