CHAPTER 4 "Guilt"

124 19 0
                                    

Inakay 'ko agad siya. Nakaramdam ako ng guilt. Kasalanan 'ko ito eh. Ba't kasi nagbitaw siya ng ganung salita? Nakaramdam ako ng kakaiba, ang hirap ipaliwanag.

Binuhat 'ko siya. Ang bigat naman nito. Doon nalang ako dadaan sa sinabi niya.

Nakakailang hakbang pala ako *plak* nabitawan 'ko na siya.

Pumaibabaw naman siya sa akin. Grabe, ang bigat naman na 'to. Nasapak ko siya sa asar ko, naiilang ako ang lapit ng mukha niya. Amoy na amoy ko yung pabango niya kahit pinapawisan siya.

*pak!*

Sampal 'ko sakanya na ikinagising ang diwa niya. "Aray naman Angel.. ang brutal mo, nagsisi tuloy ako na sinundan kita." reklamo niya

"Sorry. Okay then, tayo kana dali." umiwas ako ng tingin at pinipilit na tumayo, ngunit di ko makaya dahil sa bigat niya. Nakapatong pa din siya.

"Ayoko nga." sagot niya habang nakangiti at lalong lumapit sa mukha ko na ikinainis 'ko ng sobra

Nag init ang mukha 'ko sa ginawa niya. Pero tinitigan ko nalang siya ng masama at umiwas agad ng tingin.

Ngumiti siya ng pilit at kasalukuyang tumayo na, ngunit napaupo siya at napahawak agad sa kaliwang binti niya.

Tumayo din ako at pinagpag at damit 'ko. Napatingin naman siya sa akin, nakabakas sa mukha niya na wala ng pag asa. Akala niya siguro'y di ko na siya tutulungan dahil nainis ako sakanya.

Isinalugar 'ko nalang ang pagkainis ko at inilahad ang kamay 'ko sakanya.

"Kumapit ka sa balikat 'ko. Pumunta nalang tayo sa bahay, nagsi-uwian naman na panigurado dahil padilim na. Alam kong baka mapagalitan ka dahil panay sugat ka maslalo na sa gwapo mong mukha. Gagamutin ko nalang yang sugat mo---" pinutol naman niya ang sinasabi 'ko.. agad na inabot niya ang kamay kong nakalahad at umakbay sa akin

"Salamat dahil concern ka." malumanay niyang pasasalamat na punong puno ng sinseridad

"Tara na." yaya 'ko sakanya habang akay akay siya

Madali naman kaming nakalabas sa tinutukoy niya lagusan palabas sa lumang Gymnasium na ito.

Kaunti nalang ang mga tao. Napanatag naman ang loob 'ko, isang napakasikat na Model si Devin. Tiyak na mababalita kami kung sakaling may nakakita sa amin ng ganitong sitwasyon.

Mukhang hindi naman nila kami napansin. Pinipilit maglakad ng maayos ni Devin upang hindi ako mahirapan sa pag aakay sakanya.

"Wag mong pilitin. Kaya 'ko 'to." bulong 'ko sakanya

"Manong! PARA!" sigaw 'ko sa tricycle driver

"Pero ayokong nahihirapan yung taong gusto 'ko."

"Ha? Anong sabi mo?" tanong 'ko sakanya. Hindi 'ko kasi narinig yung sinabi niya kanina, kasabay nun ang pagtawag 'ko sa tricycle driver

--

Agad naman kaming nakarating sa bahay. Sa totoo lang, nilalakad 'ko lang ito. Baka mahirapan ako lalo kung lalakarin namin 'to. Kaya isinakay ko na siya.

"Manong, magkano po?"

"20 pesos nalang ganda." sagot niya

Dinukot 'ko naman yung bulsa ni Devin.

"Bakit?" tanong niya na may halong pagkagulat

"Pamasahe natin. Wala na akong pera. Hehe." sabi ko naman sakanya

"Manong ito po, Keep the change." bigay niya ng isang daan at inaya na ako palabas

Inakay ko naman na siya.

Ngunit napahinto siya.

"Tara. Wag ka ng mahiya. Paniguradong wala tao dito." sabi 'ko sakanya

Napakamot naman siya ng ulo niya, halata sa mukha niya na nahihiya.

"Halika na, ang bigat mo kaya."

Pumasok na kami sa bahay.

"Pagpasensyahan mo nalang bahay namin. Mahirap lang kami e." nahihiya kong sabi sakanya

"Hindi. Okay lang, kalinis nga e." pagpupuri niya

Napatingin naman ako sa paligid ng bahay.

Nakakalat ang mga gamit namin, ang mga pinggan di pa nauurungan, maalikabok pa ang lamesa. Haysss. Ako na naman maglilinis nito.

Binalik ko naman sakanya ang aking tingin ngunit agad siyang umiwas. Napatingin naman siya labas. Nakalimutan 'kong nakasampay pa yung mga damit namin na sinampay ko kaninang umaga sa labas.

Napangisi naman siya.. habang nakatingin sa nakasampay namin damit. Yung.. Yung BRA at PANTY ko!! Walang hiya. Nagsi-akyatan ang dugo 'ko sa mukha 'ko. Agad agad akong lumabas at kinuha lahat ng damit na nakasampay.

"Cup B? Hahaha." natatawa niyang tanong at pumupunas pa ng luha. TEARS OF JOY.

Di 'ko nalang siya pinansin. Nakakahiya, kinuha ko nalang yung first aid kit sa kwarto ko. Bigla ko nalang diniin sa mukha niya yung bulak na may alcohol.

"Aaaaah!" sigaw niya sa sakit at pagkakadiin 'ko sa mukha niya. Yung kaninang Tears of joy niya ay nawala. Ngayon, naiiyak na siya sa sakit. Natawa naman ako ng napalakas sa ekspresyon ng mukha niya. Ang sarap niyang kurutin. "HAHAHAHAHA." hagalpak ko ng tawa na walang kahiya-hiya sakanya

Pakiramdam ko'y nakatitig siya sa akin kaya agad akong napahinto.

"Uhm... Okay ka na?" pag tatanong ko sakanya

"May igaganda ka pa pala kahit napaka-ganda mo na, sa pagtawa mo." nginitian ko nalang siya sa sinabi niya

"Wag kang ngumiti. CREEPY." sabi niya na natatawa kaya agad ko siyang sinimangutan

"Angel Sungit is back. Namiss kita." malambing niyang sabi

Inirapan ko nalang siya.

"Di kasi ako sanay na mabait ka. Di ako sanay na di mo ako iniirapan. Di ako sanay na di mo ako sinasabihan ng leche ka. Di ako sanay na di mo ako ini-snob. Di rin ako sanay na ganyan ka ka-CARING sa akin." aniya

"Makapagsalita ka dyan parang matagal na tayong magkakilala ah?" sabi ko habang pinupunasan yung galos niya

"Matagal na kitang kilala." sagot niya na ikinahinto 'ko

"Kailan pa?" balik kong tanong sakanya

"1st year pa lang tayo."

"Teka! Edi ibig sabihin.. 4 years mo na akong kilala?!" gulat 'kong untag sakanya.

Di ko ramdam. Ganoong katagal na panahon. 1st year college na kasi kami.

"Oo." tipid niyang sagot

Hindi naman na ako nagtanong pa. Baka sabihin niyang interesado ako sakanya. Hindi ibig sabihin na tinulungan ko siya ay kaibigan ko na siya, may atraso kasi ako sakanya. Hindi siya magkakaganito kung hindi ko siya nabagsakan, at hindi rin siya magkakaganito kung hindi siya tatanga tanga. Alam kong ngayon lang siyang mabait dahil may iniinda siyang sakit.

I don't believe in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon