Pumunta ako sa lugar na alam 'kong mapapanatag ako loob ko, na hindi puro gulo.
Nakatambay ako sa likod ng lumang Gymnasium. Tahimik. Mahangin.
Dito lang ako nakakaramdam ng payapa. Buti at di na nila ako sinundan pa.
Wala ng taong pumupunta dito, dahil luma na ito. Isa pa, natatakot sila dahil may multo daw dito. Maraming namatay dahil nasunog ito.
Wala naman akong pakialam. Sus! Anong ikakatakot 'ko sa mga multo? Hayss.
Bawal ng pumunta dito, pero dahil makulit ako. Pumunta pa din ako.
Pumikit ako. Sabay ng pagpikit 'ko ang malakas na ihip ng sariwang hangin.
Di ko namalayang tuluyang bumagsak ang aking mga mata.
--
"Aaaah!!" *blag*
"Aray Angel! Ang sakit.." namimilipit niyang hawak sa mukha niya
"Ang puhunan ko. Nasira na ng dahil sayo." reklamo niya
"Paano ka napunta ditong demonyo ka?!" tanong 'ko kay Devin. Oo siya!
Nangilabot naman ako. Wala akong kamalay malay nakahiga na ako sa dibdib niya at nakayakap pa. Samantalang siya ay naka-akbay sa akin at napakalapit pa ng mukha niya.
Nang inat naman siya at muling nagsalita, "Ang sarap na ng tulog natin eh."
Inirapan 'ko naman siya. Tumayo na ako at pinagpag ang damit 'ko. Napatanong naman ako sa sarili 'ko at napaisip. Paano siya nakapunta dito? Paano niya nalaman 'to? Sunod sunod na tanong na pumapasok sa utak ko. Umaakyat pa ako ng puno para makapunta dito, eh kadaming kaartehan ng lalaking yan.
"Eh.. kaya pala nakapunta ako dito. Dumaan ako doon." tila nabasa niya ang nasa utak 'ko. Tinuro naman niya ang maliit na butas pero sapat na para malusutan ng tao. Ngayon 'ko lang nakita yun.
"Paano mo----" pinutol niya agad ang sinabi 'ko at agad na nagsalita
"Kinulong kasi nila ako dati dito. Napagtripan ako, sa sobrang galit 'ko sa ginawa nila winasak 'ko yan. Kaya ako ang dahilan ng pagkasira niyan." pagpapaliwanag niya
Tumango naman ako at tuluyang naglakad paalis. "Oy. May atraso ka sakin!" tawag niya sa akin
Napalingon naman ako, kahit hindi 'ko ugaling lumingon kapag tinatawag ako. Sadyang dyan lang sa lalaking yan. Napakakulit, nakakapikon na.
Tinitigan 'ko lang siya na walang tanong kung ano ang atraso 'ko sakanya. Muli siyang nagsalita.
"Nilawayan mo 'tong polo 'ko. Tulo laway ka pala pag natulog. HAHAHAHA." tumawa siya ng napakalakas habang nakahawak sa tiyan niya.
Umakyat lahat ng dugo 'ko sa mukha 'ko. Feeling 'ko nabuhusan ako ng napakalamig na tubig. Mala-Ice bucket challenge. Nakaramdam ako ng hiya dahil natuluan 'ko ng laway yung polo niya. Mukhang kapapalit nga lang niya.
"Walang may pake." sabi ko at naglakad na
Nakaramdam ako ng malamig na kamay na humawak sa braso 'ko.
"Wait lang, sabay nalang tayo."
Napalingon naman ako at pinilipit ang kamay niya. "Don't touch me." aniya ko
"Sorry." paghihingi niya ng paumanhin sa akin na parang batang inagawan ng candy
"Please, stop of that face expression. CREEPY." sabi ko sakanya. Pero ang totoo, hindi ko sanay na ganyan siya. Yung nag sorry siya, yung ganyang mabait na mukhang pinapakita niya ngayon. Kahit pala mayabang siya, marunong pala siya humingi ng tawad. Pero sa totoo lang, hindi naman siya dapat mag Sorry sa mababaw na dahilan, sa paghawak lang ng kamay ko.
Hayss. Napabuntong hininga naman ako. Nap-praning na ata ako.
Tuluyan kaming sabay na naglakad. Nakakabingi ang katahimikan na pumapagitan sa amin. Hindi 'ko sanay. Ba't ang tahimik niya? Naiinis ako.
"Awwww! Ang brutal mo."
Di ko namalayan na sinipa 'ko na siya sa inis.
"Ba't ang tahimik mo?" tanong ko
"Wala lang." matipid niyang sabi
Napahinto ako. "Ano nga sabi?!" hinawakan 'ko ang kwelyo niya.
"Woah! Chill." sabi niya at tinanggal ang pagkakahablot 'ko sa kwelyo niya
"Ano nga sabi eh.." pangungulit 'ko. Curiousity kills me.
Tumayo naman siya ng maayos at inayos ang damit niya. Tumitig siya sa akin ng seryoso kaya naman iniwas 'ko sakanya ang tingin 'ko.
"Uyyy.. Concern siya." panunukso niya sa akin
"Tss.. Letche ka!" nilayasan ko nalang siya, napaka walang niyang kwenta kausap.
Umakyat nalang muli ako sa puno na kung saan yun din ang pinagbabaan ko kanina papunta ditong Gymnasium.
"Oy, oy! Wag ka nga diyan umakyat. Kababae mo pa namang tao. Mas madali pa dito." turo niya sa butas na winasak niya daw noong napagtripan siya.
"Ayoko, kung ikaw ang makakasama 'ko palabas dyan. Wag na." sagot ko
"Hoy! Anong ginagawa mo?" tanong 'ko habang nasa taas na ng puno.
"Umaakyat. Ano pa nga ba sa tingin mo?" sarkastikong sagot niya
"Baka mahulog ka. Tanga ka pa naman." pang aasar 'ko sakanya
"Ako? Mahuhulog?! Kaya 'ko ito, ako pa! Di naman siguro ako pababayaan ni Lord. Kasi kung nangyari yun, mababawasan ang gwapo dito sa mundo." pagmamayabang niya
"Bahala ka nga dyan! Paakyat akyat pa kasi. Ayun na nga yung lagusan mo diba?!"
"Ayoko namang aalis ka na nag iisa. Gusto 'ko kasama kita. Till death do us part." sagot niya
Nagsalubong naman ang kilay 'ko at nagsalita habang nasa taas pa din ng puno. "Ha-ha. Nandamay ka pa, ikaw lang ang mamamatay huy."
Patuloy pa din siya sa pag akyat. Hindi pa rin niya halos nakakalahati ang puno. Kaya pumapalakpak naman ang tenga 'ko dahil pinahihirapan pa niya sarili niya.
"Ayoko namang aalis ka na nag iisa. Gusto ko kasama kita. Till death do us part." naalala ko yung sinabi niya at nakaramdam ng kakaiba na ngayon 'ko lang naramdaman.
Napasabunot naman ako sa sarili 'ko, di ko namalayang natulala na pala ako. Habang si Devin nagpapakahirap pa din umakyat. Natawa naman ako, hindi ko lang pinahalata.
*crack* *tik* *crack*
*BLAAAAAAG!*
Tuloy tuloy ang pagkabagsak 'ko. Napapikit ako. Pero parang hindi ako nasaktan. Nakaramdam lang ako ng konting pagkirot ng katawan 'ko. Dahan dahan kong dinilat ang mata 'ko kung nasa langit na ba ako. Pero pagdilat ko, isang lalaking namamalipit sa sakit ang tumambad sa akin.
Bigla akong napatayo. "DEVIN!"
Nasalo niya pala ako, naalala 'ko nagpapakahirap pala siyang umakyat sa puno kaya noong naalala ko yung mga sinabi niya nahulog ako.
Nawala lahat ng pagkainis 'ko sakanya. Nang nakita 'ko siyang sugatan sa kagagawan 'ko.
"Angel.. Help me.." yun nalang ang sinabi niya at nawalan na ng malay.
BINABASA MO ANG
I don't believe in LOVE
RomanceI hate people. I hate my family. I hate fake friends. I hate everything. I hate LOVE the most. Lahat na ata ayaw 'ko. Lumaki akong may galit sa mundo at lumaking hindi ipinaramdam ang pagmamahal na inaasam 'ko. Pagmamahal ng magulang, pagmamahal ng...