Chapter 7 (Sweet War)

110 20 8
                                    

Naghintay pa din ako kahit ubos na ang pasensya 'ko. Ewan 'ko ba kung bakit 'ko pa siya pinag aaksayahan ng oras. Patayo na sana ako, nang makarinig ako na malakas na hiyawan at tilian mula sa labas.

Alam 'ko na kung sino yun. Sumulyap ako sa labas at nakita 'ko siya. Nagkasalubong naman ang aming mga mata, maaliwalas na ngiti ang binigay niya sa akin. Ngumisi siya pagkaraa'y tumawa. Nakaramdam naman ako ng inis, kung kaya'y inirapan 'ko siya. Papalapit na siya ng biglang harangin siya ng Fan girls niya. Agad naman akong nainis dahil sobrang lapit nila kay Devin.

Nakita 'ko naman sa mukha ni Devin tila natutuwa siya sa pangyayaring pinagkakaguluhan at hinihiyawan siya. Parang gusto 'ko silang paalisin lahat sa kinaroroonan ni Devin.

"I love you Devin!" flirting tone na sigaw ng babae

Nakita 'kong kinidatan ito ni Devin at nagsalitang "I love you too." na ikinainis 'ko

OA na pakunwaring nahimatay yung babaeng sinabihan niya, nakidamay na din yung iba. Para silang domino na nagtumbahan.

Napagdesisyonan 'kong tumayo at lumakad paalis. "ANGEL!" sigaw niya, natuon ang atensyon ng mga tao sa kinatatayuan 'ko. Nagpabalik balik tingin sila sa amin ni Devin, siguro'y iniisip nila kung ano ang namamagitan sa amin.

Hindi naman nila akong tinignan ng masama, alam nila ang kaya 'kong gawin. Pumeke sila ng ngiti sa akin, halata silang nagseselos dahil ako ang pinansin ng kinababaliwan o iniidolo nila. Inikot 'ko ang aking tingin at inirapan sila, nakaramdam naman sila na dapat ng ilayo ang mata nila sa akin at baka matuklap 'ko anit nila. Haha. Alam 'kong brutal, pero seryoso ako. Alam nila yan.

"Angel." bulong sa akin ni Devin

"Okay ka lang?" ulit niyang tanong, pero ngayon napakalapit niya sa akin at damang dama 'ko ang init ng hininga niya

"Ano ba, Devin." nanlambot ako, parang nawalan ako ng pwersa sa pagtulak sakanya

"ANGEL!" hinapit niya agad ang bewang 'ko, muntikan na'kong matumba sa kadahilanang nanlambot ako. Pero sa ganitong posisyon, feeling 'ko malulusaw na akong tuluyan.

Seryoso siyang nakatitig sa akin habang nakahawak siya sa bewang 'ko. Nakapatong naman ang kamay 'ko sa dibdib niya, pansin 'kong nakatingin siya sa labi 'ko. Agad akong namula kaya umiwas siya ng tingin at tumawa. Inayos 'ko ang sarili 'ko kung bakit ganon ang inakto 'ko. Hindi naman ako ganon, at isa pa hindi 'ko maintindihan yung naramdaman 'ko. Hindi 'ko maatim na kinilig ako sa isang Devin Sanchez.

Magkatapat kaming umupo. Binaling niya ang tingin sa mga kababaihan na mainit ang tingin sakanya. Pakiramdam ko hinuhubaran na nila si Devin sa isip nila. Binalik ni Devin ang tingin sa akin at napatawa.

"Hahaha! Mga babae talaga, gwapo lang bibigay na."

Napayukom ako ng kamao. "Wag mong nilalahat. Hindi lahat ng babae sa itsura binabase." paliwanag 'ko, ang bipolar niya. Iba talaga ang lakas ng elesi niya. Tss.

"At ang tinitignan nalang yung seryoso. Teka, may ganun pa ba?" dagdag 'ko pa

"Minsan sa ginawa ng isang lalake, nababago ang pananaw ng babae sa lahat ng lalake." sabi niya

Naningkit naman ang mata 'ko. Pikon ako, aminado ako. Nabwibwisit na'ko sa pagtatalo na 'to. Kaya niya ba ako pinapunta dito para awayin ako? Di 'ko magalaw yung pagkain na nakalagay sa lamesa, di 'ko maatim na kumain kasama siya.

"Yan, singkit kana lalo. Bagay tayo, Chinita ka, Chinito ako. Haha." pabirong sabi niya

"Ewan 'ko sayo." inirapan 'ko nalang siya

Magsasalita pa sana siya ng bigla tumunog ang cellphone niya. Kinapa niya ang bulsa niya at tuluyan itong kinuha. Pagtingin niya sa screen biglang kumunot ang noo niya.

"Angel ko, may tumatawag. Bye muna." sabi niya at mabilis akong hinalikan sa pisngi

Tila nabato ako sa kinauupuan 'ko, what the heck. Tuluyan naman siyang lumabas, kinindatan niya ako. Tanaw 'ko pa din siya sa hindi kalayuan. Nakita 'ko siyang paikot ikot, ako mismo ang nahihilo sakanya. Hindi mapinta ang itsura niya at halatang naiinis sa katawagan niya. Halata ding nakikipagtalo siya sa kausap niya.

Bumalik na siya, biglang sumakit ang ulo 'ko kaya napagpasyahan 'kong umuwi na muna.

"Devin, masakit ulo 'ko. Uwi na'ko, salamat nalang." sabi 'ko

"Hala, dalhin kita sa clinic." yaya niya

"Wag na."

"Talaga?" paninigurado niya

"Oo." tipid 'kong sagot

"Talagang talaga?" ulit niya

"Oo nga." ubos pasensya 'kong sagot

"Talagang talagang talaga?"

"OO NGA! PUNYETA!" naiinis 'kong sagot

Yinakap naman niya ako. "Angel ko, galit ka?" malambing niya sabi, nangilabot ako kaya natulak 'ko siyang malakas. Ang bilis ng tibok ng puso 'ko pag malapit siya, bakit ganon ang inaakto niya. Niloloko ba niya ako o pinagt-tripan? "Stay away from me!" sabi 'ko at agad na tumakbo

I don't believe in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon