CHAPTER 6

95 19 4
                                    

Dahan dahan akong pumasok sa bahay. Tinignan 'ko ang bawat kwarto. Nakahinga ako ng maluwag dahil tulog na sila.

Pumunta ako sa kwarto 'ko at agad na humiga. Naramdaman 'kong pumatak ang luha 'ko bago tuluyang pumikit ang mata 'ko at nakatulog na ng mahimbing.

--

*Whoooosh*

Napatayo ako agad sa kama, dahil may bastusing bumuhos sa akin ng tubig sa kalagitnaan ng pagtulog 'ko ng mahimbing.

Tumambad sa harapan 'ko ang dalawang magkapatid na si Bethy at Bella. Nasira ang umaga 'ko dahil sakanila. Teka! Ba't ba sila nandito?!

"Letche naman oh! Inaano 'ko ba kayo?!" tanong 'ko sakanila na inis na inis na. Bwisit.

"HAHAHAHA." pero tinawanan lang nila ako, tumatalsik pa laway niya.

Pinabayaan 'ko nalang, ayoko muna ng away. Kahit ngayong araw lang maging tahimik ang buhay 'ko.

"Dito na kami titira!" sabi nila sa akin na ikinagulat 'ko, awtomatikong lumingon ako

"May bahay naman kayo ha!" sigaw 'ko sakanila. Ganyan kami mag usap.

"Eh.. Pumunta ang Mommy sa ibang bansa! Wala naman kaming kasama, kaya napag isipan ni Daddy na dito kami titira. Bakit? May problema ka?!" sagot ni Bella

Ipinasa-walang bahala 'ko nalang ang sinabi niya at hindi pinansin. Mas hahaba pa ang walang kwentang away na 'to. Pilit 'ko nalang tatanggapin na dito sila maninirahan kahit di 'ko lubusang maisip ang mangyayari kung araw araw 'kong makikita ang pagmumukha nila. Napagtanto 'ko, sa lalim ng pag iisip 'ko. Nakatayo lang ako sa kusina at nakatulala sa kawalan. Nakaramdam ako ng pagkainis, hanggang ngayon nagawa pa ding magpakatanga ni nanay, binuga 'ko ang aking hininga na may halong bigat na nararamdaman. Talagang napapayag siya patirahin dito ang dalawang bruha.

"Ano tatanga ka nalang ba dyan?! Di mo ba kami pag hahandaan ng almusal?!" iritadong utos ni Bella

Di 'ko siya pinansin, wala siyang karapatang utusan ang tulad 'ko. Napatingin naman ako sa orasan at naalarma. Nagising ang diwa 'ko, alas siyete na ng umaga. Dapat nakapasok na ako sa mga oras na 'to.

Agad naman akong pumasok sa banyo at agarang naligo. Ilang minuto ang lumipas ay natapos ako, agad 'kong sinuklay ang buhok 'ko at pinunasan ito. Nagbihis at tapos na. Wala na akong paki alam sa mukha 'ko kung anong itsura 'ko. Di 'ko na kailangang magpaganda dahil maganda na ako, at isa pa wala naman akong dapat pagpagandahan.

"Hampaslupa! May iniwang sulat sayo si Devin!" sigaw sa akin ni Bethy, ang nakababatang kapatid ni Bella The Maldita

Napalingon ako sakanya, nakita 'ko siyang may hawak na papel. Inirapan lang niya ako. Agad naman siyang sinipa ni Bella. "Bakit mo sinabi?! Bobo ka talaga! Edi nalaman niyang inaaya siya ni Devin kumain mamaya sa Cafetearia." pinagsabihan niya si Bethy, narinig 'ko naman. Pero sapat na yon.

Nilayasan 'ko nalang sila at ipinasawalang bahala ang narinig 'ko. Mabilis akong nakarating sa school dahil ilang tumbling lang makakarating na ako. Malapit lang sa bahay namin.

Naglakad ako patungo sa room namin. Alam 'kong late na ako. Nakaramdam ako ng kaba dahil Terror pa naman yun. Nagdadalawang isip ako kung papasok pa ba ako o hindi?

Lumakas ang hangin. Hinawi 'ko ang bumagsak na bangs 'ko at inilagay sa gawing tenga 'ko. Maulap ngayon, masarap matulog sa panahong ganito. Muling humangin ng malakas, ang dahilan ng pagtaas ng palda 'ko. Ngunit may biglang nagbaba nito na ikinagulat 'ko.

"Devin?!"

"Ako nga." nginitian niya ako, kung kaya lumabas ang malalim niyang dimple

Umihip muli ang hangin, binaba niya ulit ang palda 'kong muntik ng tumaas. Natuwa naman ako sa ginawa niya. Ngunit nagpaalam na agad ako, ipinakalma ko ang sarili ko sa maaabutan ko mamaya.

"Angel Cortez!" sigaw niya pero hindi 'ko siya nilingon.

"Punta ka mamayang Cafetearia! Lunch time. Asahan kita." ulit niyang sigaw.

Napatango nalang ako ngunit di ako lumingon. Totoo pala ang sinabi kanina ng dalawang malditang bruhildang magkapatid na sina Bethy at Bella. Di ko na siya nilingon pa. Maslalo akong nakakaramdam ng kaba, tuluyan na akong umalis papasok.

Humakbang ako at dahan dahang tumungo sa room namin. Napansin 'kong masaya sila at napaka-ingay. Napanatag naman ang loob 'ko dahil wala sigurong teacher.

Pagpasok 'ko, tama nga ang hinala 'kong walang nagbabantay sakanila.

"Ate Angel, walang teacher." pahayag sa akin ng isang nerd na kaklase 'kong madalas ma-bully. Napataas naman ako ng kilay sakanya dahil halata naman, nakikita 'ko na nga.

Napaatras siya at napalunok. Nginitian 'ko nalang siya kaya naman napa-hinga siya ng maluwag.

Nagmuni muni nalang ako at lumabas. Ayokong maki-halubilo sa pag iingay nila, naiirita ako dahil para lang makapagpatawa sila kailangan pa nila gumamit ng taong kukutyain.

Nilibot 'ko ang campus mag isa, nakaramdam ako ng parang may sumusunod sa akin. Lumingon ako, tama nga ang kutob 'ko.

"Bakit mo ako sinusundan?" iritadong tanong 'ko sakanya, sa nerd 'kong kaklase na si Dara. Siya ang kumausap sa akin kanina.

Umismid siya at inayos ang hibla ng buhok niyang nalaglag sa mukha niya. Inayos din niya ang salamin niya. Tumingin siya sakin na parang nakiki-usap.

"P-Pwede po ba akong sumama sa inyo?" nauutal niyang paki-usap

Nagtaka naman ako. "Bakit?" ulit 'kong tanong

"Eh ka-kasi. Pinagt-tripan nila ako e." naiiyak niyang pahayag

Ayoko namang umiyak siya sa harap 'ko mismo kaya pumayag nalang ako. Tumango ako bilang sagot na ikinagalak niya sa tuwa. Yinakap niya ako ng mahigpit.

"Wiiiiee.. Thank you Ate." laking pasasalamat niya

Naglakad nalang ako, sumunod siya at nagsalita. "Akala 'ko talaga masungit ka. Tapos di ka papayag at itataboy ako tulad ng ginagawa nila pero mabait ka po pala. Sana maging kaibigan kita. Para hindi na nila ako aawayin, kasi takot sila sayo. Pero hindi lang yun ang rason 'ko, gusto kitang maging kaibigan dahil kakaiba ka. " mahabang pahayag niya. At nagsalitang muli, "Alam mo, kahapon nakita 'ko kayong magkasama ni Devin. Nalungkot ako at nakaramdam ng kirot sa puso 'ko. Isa kasi ako sa mga tiga-hanga niya o kinababaliwan siya. Oy ate, kahit nerd ako nagkakagusto naman ako sa tao."

Napakadaldal niya. Nakaramdam naman ako ng kaba dahil may nakakita pala, pero sana walang kumuha ng litrato kundi baka sumikat ako sa kagagahan 'ko.

Nilibot nga talaga namin ang buong Campus. Umupo kami sa bench dahil sa pagod. Itong kasama 'ko, hindi pa rin natatapos magkwento tila hindi siya napagod. Pero hindi pa din ako nakipag usap sakanya, hinayaan 'ko lang siya magsalita.

"Di bale, ayos lang Ate na maging kayo ni Devin. Madami naman ako Crush. Hihihi. Tulad ni Park Chanyeol, uy wag ka maingay ha. Ikaw lang nakakaalam non." sabi niya

"Malabo." nagawa 'kong sabihin

"Eh pero.."

"Tanghali na. Uuwi na ako, sige." pagpapaalam 'ko

Iniwan 'ko siyang mag isa, bigla 'kong naalala inaya pala ako ni Devin sa Cafetearia. Nakaramdam ako ng kakaiba o excitement. Kaya tumungo ako dito, pumasok ako. Marami marami ng tao at hinanap 'ko siya. May tumawag sa akin, crew siya dito.

"Angel Cortez? May ni-Reserve po si Sir Devin Sanchez na table. Sunod lang po kayo sa akin." sabi niya kung kaya sumunod naman ako

"Antayin niyo lang po, paniguradong kagagaling lang niya mag basketball." umalis na siya sabay kindat sa akin

Ilang minuto na ang lumipas, hinihintay 'ko pa din siya. Tila nauubusan na ako ng pasensya. Akong babae pa ang pinaghintay niya?!

I don't believe in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon