"A-ate.. Sorry po. H-Hindi ko sinasadya." nauutal na sabi ng letche kong schoolmate
One week pa lang ang klase, ang dami ko ng nakakabangga sa eskwelahan na 'to. Pinapainit nila ang ulo ko.
"HINDI MO SINASADYA?!! KUNG HINDI KA NAKIKIPAGDALDALAN SA DAAN EDI SANA NAKITA MO! UMIWAS NA AKO. PERO DAHIL TANGA TANGA KA KAYA NATAPUNAN MO PA DIN AKO!" bulyaw ko sakanya na inis na inis
Bwisit. Natapunan ba naman ng spagetti 'tong blouse ko. Wala pa naman akong extra dahil tatlong blouse lang ang mayroon ako dahil mahirap lang kami.
"Angel Cortez! What's happening here? Away na naman? Araw araw na lang! Go to my office now!"
"But ma'am?!"
"No buts."
Padabog naman akong sumunod. DETENTION. Sucks.
"Letche. Naging tambayan ko na 'to ah." bulong ko sa sarili ko habang nakaupo sa sofa
"Ba't ka nandito?" tanong sa akin ng lalaking katapat ko.
Matangkad siya na maputi at matangos ang ilong. Chinito na medyo payat pero bagay lang sakanya dahil gwapo naman siya. Teka! Ba't ko nga ba siya dine-describe? Wag mong sabihin nabighani na ako sa lalaking 'to. HELL NO. Love chuchu eeew.
"Oy bata, natulala ka? Alam kong gwapo ako." iniwas ko agad yung tingin ko sa hambog na yun.
"Kayabang ng hinayupak na 'to." pabulong 'kong sinabi at nagsalita muli. "ANONG PAKI MO?!" sabi ko sakanya at binigyan ng irap
"Nagtatanong ako ng maayos, kaya sagutin mo din ng maayos." sabi niya habang nakapatong yung paa niya sa lamesa
Wala kasi si ma'am dito. Kaya feel na feel niya.
Huminga naman ako ng malalim at muli ng nagsalita para matapos na ang pakikipag usap ko sa walang kwentang nilalang sa harap ko. "Lagi akong nandito. Suki ako nito." sabi ko, buti nalang di ako naki-kick out. Matalino naman ako pero sadyang ayoko lang ang pakikitungo ng mga tao dito. Walang ginawa kundi pag usapan yung buhay ng ibang tao.
"Ang cool." namamanghang sabi niya kaya napangisi ako.
Tinuklaw naman ako ng kuryosidad kaya tinanong ko na din kung bakit siya nandito.
"Eh ikaw? Ba't ka nan---" di pa niya pinatatapos ang itatanong ko. Nagsalita na ang bastos na kumag na 'to.
"Sinuntok ko kasi yung lalaking nabangga ako. Aba, Akong si Devin Sanchez na napaka-gwapo at isa sa pinaka-mayaman sa pilipinas binangga ng isang dukhang tulad niya? Aba, dapat lang. Sinipa ko pa etits niya dahil nadumihan ang polo ko? Eh mas mahal pa ito sa buhay niya! WTF diba? Napakayabang niya para banggain ang gwapo at sinasamba ng mga babae ang tulad ko." mahabang kwento niya
Napanganga ako sa kayabangang tinataglay niya. Di ko nalang pinansin dahil wala siyang kwentang kausap. Tumingin ako sa malayo.
Naisip 'ko, pag uwi 'ko ng bahay away na naman maabutan 'ko. Hayss. Napahinga ako ng malalim. Nakakasawang buhay 'to. Pero hindi! Kailangan matatag ako.
"Lalim ng iniisip ah. Wag mo na akong pantasyahin. Nako, di 'ko naman kasalanang maging gwapo. Oooops, Oo nga pala. Sino ba naman kasing mabibighani sa kagwapuhan 'ko." napangisi siya
Tinitigan 'ko siya ng masama.
Napakahangin niya. Bwisit siya. Nag init ang ulo ko. Tuloy tuloy pa din siya sa pagdaldal. "Hahaha. Di 'ko akalaing nasa harap mo na 'ko. Pinapantasya mo pa din ako. HAHAHA" natawa siya ng napakalakas na ikinayukom ng kamao 'ko. Oo, PIKON ako. Kaya wag na wag nila akong pikunin. Mas maikli pa pasensya 'ko sa bangs ni Dora, pinipigilan 'ko lang dahil kadami 'ko ng nagawa sa paaralan na 'to. Sayang Scholarship 'ko, kaya behave lang muna.
"Di ba dapat sisigaw ka at titili na I love you Devin. Ang gwapo gwapo mo." nagboses babae siya. This time, di 'ko na napigilan.
*BLAG!*
"Woah." agad naman siyang napaiwas
Psh. 1 hour. 1 HOUR ako mags-STAY dito kasama yung bwisit na lalaking 'to. Di bale, 10 minutes nalang naman ang natitirang oras.
"Ang astig mo!" sabi niya habang naka-ngiti
Bagay sakanya yung pangalan niya. DEVIN SANCHEZ. As in. DEVIL. Palitan mo lang.
Nahiya naman ako sa ANGEL CORTEZ mo. bulong ng konsensya 'ko
Ugh. Letche flan.
"MAS ASTIG KUNG NABANGASAN KO YANG PAGMUMUKHA MO!"
"Wag kang masyadong HOT." bulong niya sa tenga 'ko.
Tinulak 'ko siya palayo, sobrang lapit niya.
"Woah.. TEKA! Di ka ba naiinlove sa akin? Kasi look.. Ang Gwapo gwapo 'ko. Kahit ako gwapong gwapo na sa sarili 'ko. Matangkad, Matcho, Maputi, Chinito at higit sa lahat MAYAMAN. Diba yun ang gusto niyong mga babae ha? Maslalo na kung MAYAMAN. Gusto niyo bigyan kayo ng chocolates, bears, gifts, tapos pag di mo nabigyan magagalit. Diba?! Diba?!"
This time, ngayon 'ko lang nakita na nagalit siya. Kanina pa-ngisi ngisi siya o pangiti ngiti lang. Oo, kilala 'ko na talaga siya. Isa siyang napakasikat na Model.. hinahangahan ng mga babae dyan.
Muli akong nagsalita. "Wag mo 'kong itulad sakanila. Hindi ako ganoong tao kung inaakala mo." sabi 'ko at umalis na sa Detention.
BINABASA MO ANG
I don't believe in LOVE
RomanceI hate people. I hate my family. I hate fake friends. I hate everything. I hate LOVE the most. Lahat na ata ayaw 'ko. Lumaki akong may galit sa mundo at lumaking hindi ipinaramdam ang pagmamahal na inaasam 'ko. Pagmamahal ng magulang, pagmamahal ng...