CHAPTER 5 "Tears"

106 19 3
                                    

Lumipas ang isang oras, nandito pa rin siya sa bahay. Alas sais na ng gabi, hindi pa rin siya umuuwi. Pinakain ko nalang siya, hindi naman na siya nag inarte sa ulam namin. Mahirap lang kami, di kami katulad niyang mayaman.

"Okay ka na?" tanong ko sakanya

"Oo. Salamat ha. Yieee.." pang aasar niya. Sabi 'ko na nga ba e, bumalik na naman siya sa mapang asar na ugali niya

"Kung ganon, makakauwi ka na." sabi ko sakanya at umupo. Walang hiyang 'to, ako lang ang nag urong sa pinagkainan namin.

Medyo nakakatayo naman na siya ng maayos. Nilagyan 'ko ng benda ang kaliwang binti niya.

"Grabe ka naman, my Angel." nagtatampo niyang sabi

Inirapan 'ko naman siya. "Panigurado akong pauwi na sila nanay at tatay."

Nakaramdam ako ng inis. Pauwi na nga sila, trabaho lang ni nanay ang isang secretary. Sapat na ang ikinikita niya para sa pang araw araw namin. Ngunit, ang kalahating sweldo niya ay napupunta sa tatay 'kong walang ginawa kundi maglasing ng maglasing. Sa halip, maghanap sana ng trabaho dahil nagigipit kami minsan. Sa pagsusugal, pag iinom niya ng alak at isa pa ang pambababae. That's why i hate him, ayoko din kay nanay. Nakikita na nga niya na nambababae si tatay, pinababayaan lang niya. Napakatanga! Nagpapakatanga siya dahil sa walang kwentang pag ibig na yan!

"U-uy. Anong nangyayari sayo?" nag aalalang tanong ni Devin "Bigla ka nalang natulala, nakayukom pa ang kamao tapos magkasalubong yung kilay mo. Ang astig." sabi niya ulit

Napabuntong hininga nalang ako..

*BLAAAAG!*

Marahas na bumukas ang pinto, nagulat si Devin. Ako naman ay napayukom ang kamao 'ko, sanay na ako. Araw araw na 'tong nangyayari, paulit ulit nalang. Sermon dito, sermon don. Sa bagay, mali lang naman ang nakikita nila sa akin.

"Daddy! Yan po, yan po ang boyfriend ni Angel." sumbong ng kapatid 'ko sa ibang asawa ng tatay 'ko. Siya si Bella.

"Oo nga Dad! Dapat silang mag break dahil crush yan ni ate Bella." painosenteng sumbong ni Bethy, ang nakababatang kapatid ni Bella. Tinakpan agad ni Bella ang bibig ni Bethy

Sila ang pinaka-naiinisan 'ko. Bakit ko pa sila naging kapatid sa ama?! Pangit na nga, pangit pa ugali nila. Ang nakakainis, pasosyal pa. Daddy chuchu.. Tss.

Napatayo naman ako, dapat 'kong ipagtanggol ang sarili 'ko. Hindi totoo ang mga sinasabi nila!

"Pero---" magpapaliwanag pa lang ako ngunit agad na lumanding ang palad ni tatay sa pisngi 'ko

*pak*

Napahawak naman ako sa pisngi 'ko at tumingin ng masama kila Bella at Bethy.

"Daddy oh! Tinitignan niya kami ng masama!" sabay nilang sumbong

Sinulyapan ko naman si Devin. Napalunok siya at tumingin sa akin na may concern sa mata.

"Ikaw lalake!" sigaw at pagtuturo ni tatay kay Devin "Ang lakas ng loob mong pumunta sa pamamahay 'ko! At talagang dito pa kayo gumagawa ng milagro ng wala 'kong kwentang anak!!" napapikit naman ako ng marihin sa binitawan niyang salita. Napaka-sakit. Ang sakit na mapag sabihan na walang kwentang anak. Araw araw, tinitiis 'ko. Pero sobra na sila. Ang sakit sa pakiramdam na walang nagmamahal sa akin. Ang bigat bigat sa loob.

Pinunasan ko agad ang nagbabadyang luhang tutulo sa aking mata. Hindi dapat ako makita ni Devin na mahina. Hindi, Hindi maaari. Di ito ang totoong Angel.. Di ako mahina, dahil ang totoong Angel matatag, malakas.

"Tara na Devin." hinawakan ko ang braso niya at inaya siya para makauwi na siya

Paalis na sana kami ng biglang dumating ang nanay 'ko na may galit sa mukha. Sinalubong niya ako ng napakalakas na sampal. *pak!*

I don't believe in LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon