Chen's POV
"Junga? Papunta na ako. Sinong kasama mo? Anong mag-isa ka lang, I can hear Sulli right now. Whatever, o sige. Coming. Bye, " dali-dali kong binaba yung phone ko kasi nagdadrive ako. Tapos bigla uli nagring yung phone.
"Ano ba yan," sabi ko habang sinagot yung tawag, noong narinig ko yung boses sa kabilang line, nakilala ko agad, si Jongin. I should make fun of him.
"Hello?" sabi niya sa una niyang approach, "The number you havr dialed is not yet in service. Please try again later," panloloko ko.
Nagulat naman ako sa sinagot niya.
"Ah, talaga? Kailan ko kaya siya pwede makausap?" pagtatanong niya.
Hindi ko alam kung nakikisabay lang siya o wala talaga siyang ideya.
"The number you've dialed is not yet in service. Please try again later. Titoot titoot titoot," sabi kong pakanta na ginagaya iyong ambulansya.
"Ah, sabihan mo nalang si Jongdae na sa party nalang kami magkikita. Sige, pakisabihan siya ah? Gago pala iyon, iniwan lang kahit saan iyong phone niya," huli niyang pasabi saka ibinaba yung phone. Kinamot ko iyong ulo ko.
"Oo nga, may party mamaya. Dadalhin ko pa kaya 'yung dalawa?" napaisip ako habang nagdadrive papunta sa dorm nila.
--
From: Krystal Soojung
Time: 1:07 PM, Today
Message:
Pwede bang change venue?
--
"Ano? Saan nanaman, niloloko ba nila ako?" Hindi ko nalang siya nireplyan.
Biglang nagring uli iyong phone ko.
--
From: Krystal Soojung
Time: 1:13 PM, Today
Message:
Sa Starbucks nalang please, iyong malapit sa entrance ng school. I'm so sorry, 'di kasi nakatiis si Sulli.
--
Nagsigh ako, nakakapagod talaga 'pag silang dalawa ang magkasama, kahit saan nakakaabot.
--
To: Krystal Soojung
Message:
Wae? Malapit na sana ako sa dorm niyo. Coming.
--
Nagbacking ako tapos nagstart na uli magdrive papunta sa Starbucks. Noong nakarating ako, nandoon sila ni Sulli sa loob at nag-uusap. Pumasok na rin ako.
"Ayan na. Hmm, your coffee," binigay sa'kin ni Krystal iyong favorite kong coffee.
"Nu- Nutella Frappucino?!"
Sabay silang tumango kaya agad kong ininom iyong coffee ko, alam talaga nila ang favorite ko.
Habang sila naman higop lang nang higop ng Caramel Frappucino, favorite nila iyon.
"Let's go," pagyayaya ni Sulli habang nagsuot siya ng sunglasses. Si Krystal naman inayos yung bangs, hindi ko iyon napansin.
Lumabas na kami at pumasok sa sasakyan.
"Ah, right. Mamayang 3 o'clock may pupuntahan kaming party, Jongdae. Sama ka?" tanong ni Sulli, gusto ko sana kaso may party rin ako. Ano ba 'to.
"Ah, no thanks. I'm okay with my Frappy. At may pupuntahan rin ako. Hatid ko nalang kayo mamaya, gusto niyo?" tumango silang dalawa, sometimes Krystal can be so cold that the atmosphere can get awkward.
BINABASA MO ANG
Why? [f(EXO) Fanfic]
RandomNaisip niya na baka bestfriends lang talaga sila. Nasubukan niya na ring ipagtapat ang nararamdaman. Pero parang may mali. Hindi niya tinanggap yung confession. Kasi bestfriends lang daw sila. Huli na niyang nalaman na siya na pala yung mahal ni...