"Promise, last na 'to"
Yan ang kadalasang sinasabi ko
Sa tuwing nais na nila akong sumuko
Tumigil na sa paglalaro sayo
Tayo ay nagkilala
Sa sitwasyong hindi ko inakala
"Crush" mo raw ako sabi nila
Nagsimula sa "Hi" at "Hello" at sa Messenger pa
Nung una nais ko lamang na ika'y paglaruan
Ngunit iyon ay nagbago ng ika'y nakilala ng lubusan
"Don't fall in love with me" may ganyan pa akong sinabi
Pero ang totoo, hinihintay ang reply mo gabi-gabi
"Promise, last na 'to"
Yan ang kadalasang sinasabi ko
Ngunit ngayon ay nagsisimula na akong matalo
Sa larong ako mismo ang pasimuno
YOU ARE READING
Efflorescence
PoetryEfflorescence means flowering or blooming. And just like this word everything is a process and everything happens for a reason. What happens now is part of God's plan for us. Always remember to believe in yourself and trust God always. Let yourself...