"Crush mo?" napabuntong hininga na lang ako at agad na tumango sa kanya. "Oo, sobra."
"Mahal mo?" napaisip naman ako dahil sa tanong niya.
Mahal ko nga ba?
"Siguro."
"Hindi ka pa sigurado?" tanong niya. "Feeling ko kasi maaga pa para sabihin na mahal ko na siya agad." sagot ko habang nakatanaw sa langit, parang uulan yata.
Napabuntong hininga naman siya. "Alam mo naman siguro na hindi sinusukat ang pagmamahal sa kung gaano kayo katagal nagkakilala. May iba pa nga na sa unang pagkikita nila mahal na agad nila ang isa't isa. Wag mo kasing pangunahan ang nararamdaman mo."
Manghang napatingin naman ako sa kanya. "Saan mo nakuha ang pinagsasabi mo? Hugot ah" pabiro kong sabi sa kanya.
Seryoso naman niya akong tiningnan. "Ang hirap lang kasi. Bat mo kasi dinedeny ang feelings mo? Why are you being such a coward? Bat mo pinagtatabuyan ang taong willing mag mahal sayo? Kung ikaw hindi pa sigurado, siya siguradong sigurado na willing pa nga maghintay yung tao eh. Pero anong ginawa mo? Sinaktan mo lang! Palagi kang bumibitaw ng mga salitang nakakasakit na sa kabila ng mga ngiti niya sa kabila ng mga tawa niya alam mo sa sarili mong hindi yun totoo na ginawa niya lang yun para takpan ang sakit na nararamdaman niya. Alam mo na hindi ka manhid pero nagbubulag bulagan ka! Ngayon tatanongin kita, gusto mo ba siyang mawala?"
Nakatulalang napasagot ako. "Hindi. Hindi ko kaya"
"See, kung ganon wag mong saktan dahil baka sa huli ikaw lang ang ang magsisi."
YOU ARE READING
Efflorescence
PoetryEfflorescence means flowering or blooming. And just like this word everything is a process and everything happens for a reason. What happens now is part of God's plan for us. Always remember to believe in yourself and trust God always. Let yourself...