"Sino ang crush mo?" napatingin ako sa best friend ko ng dahil sa tanong niya. Ngumiti naman ako ng nakakaloko at tinuro ang isang lalakeng bumibili yata ng lollipop sa canteen. "Siya. Siya ang crush ko."
"Owws? Talaga? Mahilig ka pala sa chinito bes?" tanong niya habang tinatanaw ang sinabi kong "crush" ko.
"Actually crush ko lang siya kasi kailangan, kailangan ko magkaroon ng crush para sabay sa uso. You know millenials na tayo kaya dapat makiuso. At sayang naman ang ganda ko kung wala akong crush diba?" sagot ko sakanya habang sinabayan ko ng malakas na pagtawa. She just rolled her eyes at me while constantly staring at him. Napangiti naman ako ng palihim.
.
"Bes! Kasama ko ang crush mo sa darating na camp!" yan ang unang bungad niya saakin pagkapasok ko palang sa room.
"Oh? Talaga? Ingatan niyo siya ha. Paki hug na lang din sa kanya. Pakisabi na lang din na I'll miss him and I'll wait for him para kiligin naman siya kahit konti" pabiro kong sabi sa kanya.
Actually hindi ko naman talaga crush si Charles. It's just that nung tinanong ako ng best friend ko kung sino ang crush ko siya ang una kong nakita. Besides I know this scenarios too well para hindi ko malaman kung ano ang susunod na mangyayari.
.
"Bes I'm sorry I think I'm falling for him." sabi niya saakin.
Pilit kong pinigilan na tumawa ng malakas dahil sa mukha niya. Her face is priceless parang ang laki laki ng problema niya. I tried to suppress my laughter at nag pout na lang.
"How could you? Ehhh! You stole my crush. You are so mean" parang bata kong sabi sakanya. I tried to act as if I'm mad in a childish way.
"Eh sorry na" nakayukong sabi niya. Napatawa na lang ako at niyakap siya ng sobrang higpit.
"It's okay his not my crush anymore naman. Well to tell you the truth he was never my crush. Besides I have a new one so don't worry. You can have him. Pero seryoso ka naman sa kanya diba?" tanong ko.
Napatingin siya sa akin at seryoso na nagsalita.
"Kailan ba ako hindi naging seryoso sa ganyang bagay bes?"
Napangiti naman ako. From then on I witnessed how she fall in love. How she grew and matured because of him.
.
She is hurt. My best friend is in great pain. Of course if you love someone you can't avoid being hurt. But in her case pinaasa siya. Pinaniwala siya na mutual ang feelings nila when ang totoo hindi. Siya lang ang nagmahal kaya siya lang rin ang nasaktan.
It's cruel how selfish other people are. It's sad that in this generation konti na lang ang totoo. Na pati sa pagmamahal na gawa na nilang paglaruan ang nararamdaman ng iba.
Ngayon, my best friend is trying to move on. Moving on is hard alam naman siguro nating lahat yan diba? Pero little by little, one step at a time magagawa rin natin yan. Magigising rin tayo isang araw at ma rerealize na "oyy naka move on na ako".
Yes we fell in love, nasaktan, nag move on.
Kasi kahit gaano pa kahigpit ang hawak mo sa bagay kung hindi ito para saiyo mawawala pa rin ito.
There are things that are really not meant to be. Kung kaya nasaktan lamang tayo para matuto para sa susunod na magmahal tayo sa tamang tao at sa tamang pagkakataon na.
Sa lalakeng minahal ng totoo ng best friend ko, shame on you sinayang mo ang babaeng minahal ka ng totoo at sineryoso. Na nagpaka martyr at nagpaka tanga para lang sayo.
I witnessed how she fall in love and now she is broken because of that love that she thought was genuine.
YOU ARE READING
Efflorescence
PoetryEfflorescence means flowering or blooming. And just like this word everything is a process and everything happens for a reason. What happens now is part of God's plan for us. Always remember to believe in yourself and trust God always. Let yourself...