Chapter 1

4 4 0
                                    

__________



C H A P T E R - - O N E



DAHAN-dahang imulat ni Jake ang kanyang mata. Medyo nasilaw pa siya nong una pero sa tagal na niyang pinikit at imulat ang kanyang mata ay nagliwanag na rin ang kanyang pananaw. Dahan-dahang nilibot ng kanyang mata sa paligid at iniisip kung nasaan siya.



"Kumusta na siya?"tanong ng isang dilag sa kanyang kawal na nagbabantay sa silid ng binata.



"Huling tingin namin sa kanya ay tulog pa ito."magalang na sagot ng kawal. "Baka po gising na siya."dagdag pa nito. Tumango ang dalaga at nilagpasan ang kawal. Kaagad siyang pumasok sa silid at tiningnan ang higaan ngunit wala roon ang binata. Agad niyang nilibot ang kanyang mata at nakita ang lalaki na nakatayo habang nakatingin sa kabuang kaharian.



"Gising ka na pala, Ginoo."sabi ng dilag dahilan ng paglingon ng lalaki sa kanyang likod at nakita ang dalaga na nakagown na green. Balot na balot ang damit na soot ng dilag.



"Am I dreaming?"tanong nito habang nakatingin sa mga mata ng dilag. Words can't define her beauty. Ang ganda niya na parang naging magnet ang kanyang mata na ayaw na niya itong mawala sa kanyang paningin. Tumawa ang dilag.



"Of course not."natatawang sagot ng dilag kay Jake. "Paano ka napunta rito? Sa pagkakaalam ko, ikaw pa lang ang unang tao ang pumunta rito. O sadyang napadpad ka lang talaga."tanong ng dilag.



"I don't know. I can't remember anything."sagot ni Jake. "Who are you, Miss?"pag-iiba niya sa usapan.



"She is Princess Ashair Rewop."sagot ng tinig. May mga hakbang papalapit sa kanila. Ang hakbang na iyon ay papalapit ng papalapit sa kanila. Ilang sandali lang ay lumutaw ang isang anino at kasunod non ay isang may edad na lalaki. Gwapo din ang lalaking ito at may kahawig sa dalagang nasa harapan niya.



"It's nice to meet you, Miss Ashair."ngiting bati niya sa dilag. "I am James Quious."sabay abot sa kaniyang kamay. Nagtaka ang dilag.



Bakit inabot ng binatang ito ang kanyang kamay? Tanong ng dilag sa sarili.



"Lalaking taga-Earth, hindi mo maaaring mahawakan ang anumang parte ng katawan ng aking prinsesa. Bawal iyan sa mundo namin."biglaang sabi ng Ginoo. "By the way, I am King Rewop. Nasa palasyo ka namin, magbigay galang ka, bata!"matigas na utos nito kay Jake.



Ngayon naman ay si Jake na ang nagtaka. Bakit ba sinabi nito na taga-Earth siya? Bakit hindi ba sila taga-Earth?



"I don't understand."sabi nito. "Where am I?"tanong niya pa.



"Nasa Mars ka. Kaya dapat kang magbigay galang sa aming mga kamahalan."sabi pa nito.



What? Mars? How is that possible? Doon pumasok sa kanyang isip ang lahat- ang kanyang misyon sa lupaing ito.



"How is that possible?"tanong nito. "Bakit parang taga-Earth lang kayo?"dagdag na tanong niya pa.



"Kung impossible kami para sayo, mas impossible ka pa para sa amin."sagot ng Hari. "Alam naming matagal ng gusto ng mga Earth na pasukin ang aming planeta pero ang hindi ko alam kung paano ka nakapasok rito gayong may nilagay kaming salamangka na maaring makapasok lamang rito ay mga taga-Mars lang."nagtataka na sabi ng Hari.



"I understand. At yan din ang tanong ko."sagot niya.



"Since, bisita ka namin rito at galing ka pang Earth, gusto ko na hasain ka sa aming kultura. Kung paano kumain, ano ang dapat gawin bago kumain, paano magbigay-galang at marami pang iba. Be thankful to Ashair. She saved you."sabay talikod ng Hari. "And e👍xpect tomorrow na pupunta na ang magsanay sayo."at saka nagsimula na itong maglakad papalayo sa kanila at lumabas sa silid.

Live in Not Same PlanetWhere stories live. Discover now