KNOWS 1:: THE BEGINNING

4 0 0
                                    

Naka upo lang ako dito sa swing ng park kung saan malaya kong napag mamasdan ang kapaligiran mula sa mga tawanan, habulan at kung ano pa man.

Routine ko na siguro ang magpunta sa park para i relax ang aking sarili mula sa mga problema na halos araw araw ko ng hinaharap.

Sa park ko lang nagagawang eh kalma ang aking sarili pero the moment na tumunog na ang aking alarm kailangan ko ng tapusin ang aking pananahimik.

"Yung bata kawawa naman"

"Nasaan kaya yung mga magulang ng bata"

"Malalaglagan na ang bata"

Mga salita na nasundan na ng sigawan at mula sa pwesto ko kitang kita ko kung gaano ang iyak ng bata habang tinatawag ang mommy niya.

At mula sa distansya naming dalawa nagawa ko itong takbuhin ng malaman kung babagsakan na siya ng metal swing.

Binuhat ko siya at bago pa man kami maka alis naramdaman ko na ang pagdampi ng bakal sa kaliwang balikat ko hudyat para mapahiga kami pero sinigurado ko na hindi maiipit ang bata.

"Okay ka lang?"

Napangiti naman ako dahil maayos lang ang bata bago ako lamunin ng kadiliman.

Naalimpungatan ako sa di familiar na lugar kaya napabalikwas ng bangom hudyat para may kung anong natanggal sa braso ko.

Nasa hospital pala ako at natanggal ang swero ko kaya nagdurugo na ang braso ko.

Sakto rin naman ang pag pasok ng isang doctor kasama ang dalawang nurse at isang magandang babae.

"Gising ka na pala iha?" Tumango naman ako

"Kamusta?"

"Maayos naman po ako"

"Mabuti kung ganun" sinenyasan niya ang kasamahan niya at naramdaman ko na lang na nililinis na nila ang braso ko pati ang bahagyang pagkirot naramdaman ko rin dahil sa pag tusok muli nila ng swero.

Umalis na ang doctor at lumapit naman sakin ang babae.

"Salamat iha" agad namang nag salubong ang kilay ko dahil sa sinabi niya

"Salamat?"

"Salamat sa pag ligtas mo sa anak ko"
Ow siya pala ang nanay ng batang babae

"Kamusta na po siya?"

"Mabuti naman si Zylene. Maraming salamat talaga sa tulong mo. Kung hindi dahil sayo baka kung ano ng nangyari sa anak ko"

"Walang anuman po. At mabuti po maayos na yung bata"

"Malaki ang utang na loob namin sayo iha. Maraming salamat"bakas sa mukha niya na kagagaling niya lang sa pag iyak

"Okay lang po ako. Wag po kayong  mag aalala ngumiti ako at mabuti naman ngumiti na siya.

When she smiled. She look familiar?

"Whats your name iha? "

"Eight po.."

"Eight?"gulat na tanong niya na ikinatango niya

"What a cute name.."she smiles

"Im Elizabeth... Elizabeth Thim.. Nice to meet you Eight.."

Doon nasagot ang pagtataka ko ng sabihin niya ang pangalan niya.

Bahagya pang napa awang labi ko  dahil sa gulat.

"Eli-Elizabeth Thim?" Pag uulit ko

"Yes. Why?"

"F*ck" di ko na napigilang mapamura dahil sa gulat.

Heaven's Knows Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon