KNOWS 3:: LUKE

2 0 0
                                    

Nauna pa ko sa professor makalabas sa room dahil panigurado bwisit na siya sakin dahil pinaghintay ko siya ng matagal at di nga ako nagkamali.

Nang makita niya ko agad siyang napaayos ng tayo at malayo pa lang salubong na agad ang kilay niya.

"Sorry. Nag overtime si prof" hindi siya sumagot at pinasakay na lang niya ko sa sasakyan niya.

"Si Luke  ba pupunta?" baling ko pa sa kanya

"Si Luke agad ah. Nakakahalata na ko"

"Sinasabi mo?"

"May gusto ka sa pinsan ko no?" Kung may iniinom lang ako panigurado nasamid na ako dahil sa tanong niya

"Ako? May gusto sa pinsan mo? Wala ah!Pa issue ka. Bakit naman ako mag kakagusto dun? Sa pinsan  mo? Wala ah!"

"Oo at hindi lang. Dami mo agad sinabi" sinulyapan niya pa ko bago nag u turn

"Defensive ka Eight"

"Ikaw kasi kung ano ano sinasabi mo diyan. Eh hindi naman tayo close"

"Asuss.." bigla na lang siyang huminto.

"Bakit ka huminto?"nagtatakang tanong ko sa kanya.

Humarap naman siya sakin habang nakangisi.

"Sasabay si luke.." pinigilan ko ang magulat pero nung ngumuso siya sa likuran ko napatingin na ko.

"Ayan na pala siya"

"Asan?"

Imbes na makita ko siya. Tawang malakas ni Thomas ang narinig ko.

"Hahahaha. Sabi na. You have crush to my cousin" sinapak ko siya kaya napaubo siya.

Nagulat nga ako at hindi siya gumanti.

"Hindi ako gaganti ngayon. Mamaya na lang"

"Feeling ko may binabalak ka"

Tinapik niya ang ulo ko.

"What a witty friend. Abangers ka ha."

Pina andar niya na ulit ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa isang subdivision.

Nag swipe lang siya ng card at nag bukas na agad yung gate ng lugar nila.

"Cool."

Huminto kami sa isang three storey house at sa loob pa lang bigla na kong kinabahan.

Nauna saking bumaba si Thomas at nag dire diretso siya papasok hindi man lang alam kung naka sunod ba talaga at mukhang nalaman na niya na wala ako sa likuran niya kaya agad siyang bumalik.

Kita ko sa tinted niyang salamin ang pag seryoso ng  mukha niya. Kinatok niya pa ang bintana kung nasaan ako.

"Yes?" Normal kong tanong sa kanya ng ibaba ko ang salamin.

"Yes yes mo mukha mo. Get out of my car!" Utos niya

"Nahihiya ako" napa irap siya

Siya na mismo ang nag bukas ng pintuan ko at hinila ako palabas.

"Hindi ata ako nakapag bihis ng maganda" napa ubo naman agad siya sinabi ko

"Anong ata? You really do" tiningnan niya pa ko mula ulo hanggang paa.

"Its okay. Wala na rin namang mag babago.So manang pa rin " balak ko na sana siyang hapitin ng makarinig na kami ng yabag.

Unang pumasok si Miss Elizabeth suot ang magarang pulang bestida.

"Oh. Eight iha"napabitaw sakin si Thomas ng yakapin ako ni Miss Elizabeth.

"Pinag alala mo ko nung nalaman kong tumakas ka sa hospital.."ngumiti naman ako ng pilit.

Heaven's Knows Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon